Pahina 22

15.2K 351 146
                                    

PAHINA 22

***

Suot ang isang white dress na sleveless na umabot ang haba hanggang tuhod ko, nakanguso akong naglalakad sa loob ng building ng kompanya ni Ales.

Pano ba naman inutusan na naman ako ni Auntie'ng maghatid ng pagkain kay Ales.

Arrrrgh... buti nalang at nakapasok aged ako. Kilala naman na pala ako dito.



Nagulat nga ako ng bigla akong salubungin ng receptionist kanina.


Para nakakita ng multo yung babae nang makita niya ako kanina. Ang epic ng mukha.



Ehem— anyway...


Tinungo ko ang elevator at pinindot ang 'up button'. Nakayuko ako habang hinintay itong bumukas.


Agad akong pumasok pagbukas nito. May mga kasabay din akong sumakay at ramdam ko ang titig nila mula sa likod ko. Nagtatakas siguro sila kung bakit napadpad ang isang katulad ko dito



Pero nagulat ako ng bigla nila akong batiin at ngitian. Awkward akong ngumiti ang yumuko sa dalawang babaeng kasabay ko. Dalawang beses pa lang akong pumupunta dito pero parang kilala na agad ako ng mga tao dito.


Hindi naman ako lumabas sa TV o nagpabroadcast ah.


Sabay na lumabas ang dalawa sa 27th floor. Yumuko sila sakin at nagpalaam.


Wait, bakit pa sila nagpapaalam? Kilala ko ba 'to?


Nagpakawala ako ng buntong hininga ng sumira ang elevator. Mag-isa na lang akong nakasakay ngayon. Tiningala ko na lang ang number sa taas at sinabayan ang bilang nito.

Napa 'Yes' ako ng marating ko ang floor ni Ales. Agad akong lumabas at lumingon muna sa paligid bago lumapit sa table ng secretary ni Ales na walang tao.



"Baka wala din si Ales." I muttered.



Nanatili akong nakatayo dahil hindi ko alam kung anong susunod kong gagawin. Wala naman akong mapagtatanungan kasi sakop ni Ales ang buong floor. Hindi naman ako pwedeng bumaba at magtanong sa mga empleyado ni Ales baka mga busy ito sa pagtra-trabaho.


I sighed.


At tiningnan ang pinto ng office ni Ales. Maghintay na lang kaya ako hanggang makabalik si Ales? 0 di kaya'y pumasok na kang ako sa office at dun siya hintayin. Hindi naman siguro yun magagalit?



Kinagat ko ang labi ko at dahan-dahang lumapit sa pinto ni Ales. Papasok na lang ako! Dahan-dahang kong binuksan ang pinto. At natigilan ako ng makarinig ako ng ungol.




Tila nanlamig ang buong katawan ko sa naisip ko ng marinig ko ang ungol-ng isang babae. Imposibleng kay Ales iyon, hindi matinis ang boses niya.

Imposibleng kay Ales iyon, hindi matinis ang boses niya.



Nanginginig kong tinuloy ang pagbukas ng pinto at napasinghap ako sa nakita ko...



Si Ales-na may kahalikang babae habang nakakandong ito kay Ales. Kita ko ang makinis na likod ng babae habang nakapulupot ang makinis nitong kamay sa leeg ni Ales.



"Aaahh-Ales!" mahinang ungol ng babae habang nakatingala ito while Ales is kissing her neck.



Nasapo ko ang bibig ko. Nagsimulang lumabo ang paningin ko dahil sa luhang naiipon sa mata ko. Unti-unting bumibigat ang dibdib ko na parang ilang sandali lang ay mawawalan ako ng hininga.


The Possessive Man's Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon