Callboy, No Phone! Series (BxB) by: ImGrey

12.9K 89 14
                                    

Title:

Book 1: Callboy, No Phone!
Book 2: Oh Boy, He Got a Phone!

Author: ImGrey

Status:

Book 1 - Completed
Book 2 - On-hold (Author is inactive)

Description/Summary:

Wala pang bente minutos na nakatayo si Red sa lugar na di kalayuan sa isang sikat na bar ay hinintuan siya ng isang mamahaling sasakyan. Laking gulat nito ng ibaba ang windshield ng kotse at agad na tiningnan siya mula ulo hanggang paa, tila kinikilatis ang kanyang kaanyuan. Napakunot ang noo ni Red sa ginawang pagsusuri sa kanya na sa tingin niya ay nasa mid' twenties ang edad.

"Ah Sir, bakit po kay--" Hindi pa natatapos sa pagtatatanong si Red ay agad siyang napanganga sa tanong na pumailanlang sa maingay na kalsada. Tila isang bombang binitawan sa harap niya ang mga salita.

"Boy, mukhang wala ka pang customer ah. Magkano ba?"

Paano magiging malapit ang dalawang bida kung nagsimula ang kanilang pagkikita sa paraang hindi nila inakala.

My thoughts about the story:

10/10

On Book 1:

Gustong-gusto ko ang character ni Red dito, 'yong mga banat at hugot lines 'nya na damang-dama at sobrang dami'ng makakarelate. Super galing po ni Otor. 👍

This story taught us about the importance of family, on what the siblings can do for the love to his brother. ❤

On Book 2:

Sequel naman 'to ng CNP kaya sure akong maganda, kaya nga lang dahil matagal-tagal na ding naka on-hold ang story medyo malungkot tayo. Sana nga lang po walang masamang nangyari kay Author kasi yong ibang nag-aantabay nauubos na ang pasensya at kung ano-ano na ang mensahe sa profile nya. :(

BL Recommended Wattpad Tagalog StoriesWhere stories live. Discover now