✔ Oo Na (BxB) by: blackleaf26

1.8K 10 0
                                    

Title: Oo Na

Author: blackleaf26

Status: Completed

Description/Summary:

Maitatama pa ba ang pagkakamali sa ikakalawang pagkakataon? Pagmamahal pa rin ba ang magwawagi?

My thoughts about the story:

10/10

This story is for all the broken-hearted, ika nga para sa mga "nagmahal, niloko, nasaktan at nagmove-on." Marami nagsasabing ba't ang tagal magmove-on ng character na si Kenneth at bakit kahit mahal pa rin niya si Clifford ay di pa rin niya kayang bigyan ng second chance ito. For me, naiintindihan ko po pinagdadaanan niya kasi siya po ang niloko at nasaktan ng taong sobrang minahal niya at inaakalang di mananakit sa kanya. Wala naman kasing time frame ang pagmomove-on at 'di talaga maiiwasang matakot magmahal at magbigay ng second chance ulit kasi naranasan na niya ang masaktan eh. Kaya mahirap talaga pag nasira na 'yong trust na binigay mo. And for me, the burden of those circumtances should be on the cheater not on the one who he cheated with. Dapat naiintindihan nyang masakit para sa niloko niya kaya siya dapat gumawa ng paraan para ibalik 'yong trust na sinira niya.

Kaya naiinis ako kay Clifford dito eh, oo nasaktan din siya noong naghiwalay sila ni Kenneth pero siya naman ang dahilan n'on eh kasi nga siya ang nagloko. Pero ang lolo n'yo napakapabebe. Kaya nga pinupush ko din ang second lead na si Isaac eh, kasi maliban sa mahal niya si Kenneth kaya niyang magparaya para sa kaligayahan ng taong mahal niya.

All in all, 'ganda ng storya maliban sa maiinis ka sa pagpapabebe ng mga bida, 🤣😂 pero maeenjoy ka sa barkadahan nilang super ang kukulit at laugh trip. 😊

BL Recommended Wattpad Tagalog StoriesWhere stories live. Discover now