Not an update! Kadramahan ko lang. 🤣

1.5K 15 21
                                    

What I have done right to deserve my loving husband? Yong totoo, 'di sya masweet na tao like never pa n'ya ako binigyan ng flower sa Valentines or gift sa bday ko (may isang beses pala kasi pinilit s'yang pautanganin ng kaopisina nya pero binayaran ng cash kasi mas mura pag cash. 😂), pero pinapakita n'ya sa ibang paraan like sa pagkain bongga kami mga mare kaya nga tumaba kami eh! 🤣 Pag tinatamad din ako, like today sya nagluto ng agahan namin kahit maaga pasok n'ya (7:30 AM), kaya nakokonsensya ako konti at ako na naglagay ng food sa baunan n'ya at kung minsan s'ya din naglalaba. 😉 At kung gaano ako kaingay dito sa WP, sa totoong buhay tahimik ako. Kaya nga maraming nagsasabi ang suplada ko daw 'di kasi ako mahilig mangapitbahay, I'd rather spend my time bonding with my bunso (ayaw na kasi ng eldest at only daughter (Snob yon) namin ng harutan kasi malaki na daw sila. ☹) And I also love doing crafts, like mahilig ako magbigay ng surprise cards or gifts na pinaghihirapan kong gawin and of course sobrang loved kong magbasa kaya nga ang ingay ko dito sa WP at marami din po akong books sa bahay (novels, gospel, recipes, even home & decorating books kasi nga frustrated Engineer ang Madersu n'yo. 😉) Saan na nga ba ako?, ayon nga sa totoong buhay tahimik po ako pero ang hubby ko maingay 'yon mahilig ng interaction kaya never dumaan ang araw na 'di namin napag uusapan ang ganap sa amin pati issues. Ang sarap lang makipag-usap sa taong may sense, at mind you nagbabangayan din kami kasi walang nagpapatalo 🤣 at kasi s'ya optimistic ayaw n'ya ng nega kabaligtaran kong pessimistic kaya kahit konti pinoproblema ko kaya minsan naiinis ako pag nagsusumbong ako na 'yong kapitbahay namin nagsusunog ng basura habang ako kakasampay lang labahin namin na nakadowny pa tapos sasabihan lang akong "Hayaan mo na para walang gulo." Haist! Sobrang bait lang na minsan nakakainis na din. 😄

Ang galing talaga ni God no, ibibigay n'ya sayo 'yong tamang tao. I remembered our kapitbahay na mga Marites told my parents bakit daw 'yong mga ex ko ang gagwapo tapos pinakasalan ko hindi daw kagwapohan. Baka mayaman daw kaya ko pinakasalan. Mga walanghiya 'di lang nila alam na kahit may pera fam ng husband ko (may farm po kasi sila), napakakuripot naman kasi nga Ilocano (Sarey sa kabayan nila dyan. 😉). Noong nagdidate pa nga kami dati never n'ya akong nilibre ng pagkain o sine, lahat KKB o hati-hati kabaligtaran sa mga ex ko na mga galante, may isa pa ngang ex ko lahat ng fam member at close friend ko may regalo sa Xmas, pinadala pa tru LBC kasi from Zambo 'yon super gaganda ng mga malong at sasarap ng chocolates galing Malaysia (alam na!), tapos yong ATM noon iniwan sa akin ang isa (2 kasi work nya). Saan na kaya yon? Nabreak up ko lang 'yon sa text eh. (Sarey po!) Yun na nga, 'langyang mga Marites tapos noong magkaanak kami, makikipisil sa pisngi ng anak namin at sasabihan na ang cute, gagwapo at ganda. Sarap lang putulan ng mga daliri o kaya tanggalan ng mga kuko! 🤣😂 Ang gwapo kaya ng asawa ko sa paningin ko, 'di ko naman pipikutin 'yon kung hindi no?! 😉 At ang gaganda ng mga daliri at kuko n'ya sa kamay at paa, fettish ko kasi yon eh kasi kabaligtaran ng sa akin (mana daw kasi ako sa Papa ko 😐). T'saka nagkabahay nga lang kami agad kasi may nabili na akong lote dalaga pa lang ako at ginamit namin 'yong pera na nakuha namin sa sayaw sa kasal namin. 'La ngang ipon asawa ko noon eh, pero sobrang bawi naman noong kinasal na kami, Income - Ipon = Expenses na agad goal n'ya. 😊

La 'lang ang drama ko lang sa bday ng Papa ko. Sa message board nga dapat ko to ipopost eh, kaso ayaw kasi napahaba yata. 😂 'Sensya na guys gusto ko lang may masabihan gaano ako kaswerte sa asawa ko 'di ko kasi nasasabi sa kanya, nahihiya kasi ako kaya dinadaan ko lang sa regalo at efforts! ❤

Kaya sa mga single d'yan at broken, hintayin n'yo lang po 'yong tamang tao na ibibigay ni God at pag dumating na, pikutin n'yo na agad! 😂🤣

P.S. pic pala ng bunso namin na nagmana sa Papa n'ya, mata n'ya lang yata nakuha sa akin, pati pala buhok kasi curly ang buhok ng Papa n'ya. ❤

BL Recommended Wattpad Tagalog StoriesWhere stories live. Discover now