Two

221 10 0
                                    

Tatlong buwan akong hindi bumalik sa coffee shop na iyon sa takot at hiya na baka makita ko ulit yung lalaki. Ilang araw din akong natutulala dahil doon. That was the most embarrassing event in my life.

"How's your grades for the first quarter?"

"I got uno in all subjects."

Daddy nods in satisfaction. "Very good."

I look at Dad and smile. Isang sulyap lang ang iginawad niya sa akin bago muling binalik ang atensyon niya sa cellphone. Mom is watching him closely. Pero siya abala sa panaka-nakang pagkain at pagte-text sa kung sino.

"Mamaya na nga 'yan, Leon! Focus on eating!" Mommy hissed irritatedly.

Bumagal ang pagnguya ko habang pinapanood sila. I saw Kuya Cleon glance at me so I shifted my eyes on him as well. He looks at me apologetically. Nginitian ko lang siya para ipakita na ayos lang ako.

"I'm doing something important, Thalia. Shut up."

"What the fuck did you say?! Did you just told me to shut up–"

"Mom, stop it. Nasa harap tayo ng hapag." Kalmado ngunit mariing saway ni Kuya. "Mahiya kayo kay Natalie. You too, Dad. Stop fidgeting on your phone!"

Just like what always happens, they stop fighting when Kuya interferes. Tumahimik na si Mommy at umayos na din si Dad. That's my brother's power over them. Napangiti ako ng tignan ako ni Kuya at kindatan. I giggled in my seat.

Hindi naman ganito noon sa totoo lang. Before, Kuya will just cover my ears whenever our parents fought in front of us. Pero noong ikinasal si Kuya sa isang prinsesa mula sa Netherlands, it's like he's the new head in our household. Kaya natutuwa ako tuwing bumibisita siya katulad na lang ngayong araw. I feel a lot more better when he's around. Kaya lang alam kong aalis din kaagad siya dahil sa asawa niya na buntis sa pangalawa kong pamangkin.

I should visit them in the Netherlands this upcoming semester break.

Si Kuya ang naghatid sa akin sa school bago siya tumulak sa airport para sa flight niya pabalik sa Netherlands. I knew he'll immediately leave but it still saddened me. Kasi siya lang ang kakampi ko sa bahay.

"Nasend mo na 'yung project natin sa NSTP? Anong grades natin?"

"Uno," I answered.

Parang nakahinga ng maluwag si Georgina sa narinig. Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka.

"Why'd you ask? Sinend naman ni Sir yung copy ng grades sa email natin."

"I can't access email with this." She lifts and waves a keypad cellphone in my face.

Umawang ang labi ko sa pagkamangha doon. It's my first time to see that thing!

"Omg, it's cute!" I exclaimed in a girly tone.

Suminghap siya. "Anong cute diyan? Ang hirap kaya gamitin niyan tapos 'di pa nakakapagsave ng files! If not for your laptop, I would definitely fail!"

Ngumuso ako. "Sabi ko nga..." I quoted yung salitang madalas kong marinig sa mga kaklase ko.

"That's your phone ever since?"

"Yes. I survived senior high thanks to computer shops and my classmates' gadgets."

"Oh..." Lumabi ako. "I can offer you my old phone."

Nagliwanag ang mukha niya. "Magkano?"

"Wala. I'll give it to you, hindi ko naman nagagamit."

"Ayoko nga!" Ngumiwi siya. "Wala ng libre sa mundo, Natalie. Dapat lahat may kapalit! It should be give and take to maintain balance–"

"Fine, fine! What about this? You will give me your keypad cellphone in exchange for my old phone. Deal?"

CapricornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon