Four

60 6 0
                                    

"Ano bang tipo mong libro? What genre do you like the most?" Tanong ni Dark habang maingat na hinahalo ang order niyang kape.

Nagkita kaming muli dito sa parehas na coffee shop kung saan may mga libro at board games. Katulad ng mga nauna naming interaksyon, this one is also coincidental. Mukhang pilit kaming pinagtatagpo ng tadhana.

It's been a month since the last time we talked. Payapang natapos ang araw namin noon at naging maganda ang huling pag-uusap naming dalawa. I left after an hour with him nung dumating na ang driver ko. It was peaceful between us because we were both reading each individual books. Natutuwa ako dahil bukod kay Georgina ay nagkaroon ako ng maayos na kaibigan sa katauhan niya.

Ngayon, muli kaming nagkatagpo sa parehas na lugar. I'm sitting on the same spot and he was about to sit on the table in front of me where he sat last time pero naudlot iyon nang makita niya ako. He noticed me first and greets me, tapos nagpaalam kung pwede bang makiupo. Pinayagan ko siya agad.

"I like fantasy and thriller. Minsan Romance kapag maganda ang daloy ng story." Sagot ko sa kaniya. "Ikaw ba?"

Kaswal siyang nakaupo sa tapat ko. Suot ang parehas na uniporme, naiiba lamang iyon ngayon dahil bukas ang dalawang paunang butones doon. Kitang kita ko tuloy ang kulay silver niyang kwintas. Mukha siyang naiinitan kahit na malamig naman dito sa pwesto namin dahil may malapit na air conditioning.

"I like science fiction and dystopian fantasy fiction." Sagot niya naman habang sumisimsim sa order niya. "Do you like watching movies?"

Umiling ako. "I don't watch television."

Biglang tumaas ang kilay niya. "Kahit Cine?"

"Yes. Mom said it's just a distraction."

"Huwag kang maniniwala sa Mama mo."

Napangiwi ako na ikinahalakhak niya. Ang ganda niya magpayo, ah? Ang bad influence!

"Ganyan ka ba sa Mom mo?" Medyo mataray kong tanong.

Nakangisi siyang umiling. Parang nagbago bigla ang image niya sa paningin ko. On our first meeting, my first impression was he was a tease. On the second one, naisip ko na nerd siya pero hindi lang halata. Ngayon naman ay mukha siyang badboy dahil sa postura niya at sa ngisi.

"Minsan. Strict ang Mama ko." Hindi ko tuloy alam kung ba seryoso siya o nagbibiro lang dahil sa nakakaloko niyang ngisi.

Binaba ko ang hawak kong libro ni Dan Brown na pinamagatang Da Vinci Code. Hindi ko na magawang magpatuloy dahil sa distraction ko sa kasama.

"Kaya hindi ka nakikinig sa kanya dahil strict siya?" Usisa ko.

Dinilaan niya ang labi at maikling umiling. Tamad siyang humilig sa couch na inuupuan bago ako sinagot.

"I didn't say that I wasn't listening to her. Minsan lang naman lalo na kapag pinipilit niya kami ng kapatid kong maging magkasundo."

Tumaas ang kilay ko. May kapatid pala siya?

"Same school?"

"No. Kapit bahay." Tunog pamimilosopo niya pero mukhang totoo naman dahil may katabi talaga kaming school.

Sa tono niya, mukhang hindi sila magkasundo ng kapatid niya. Bakit kaya? He seems cool, I wonder what is the problem. Ayoko naman itanong sa kaniya dahil mukhang sobrang pribado no'n at parang ayaw niya din pag-usapan.

"What novel are you currently reading ba?" Pagbabago ko nalang ng usapan.

Umayos siya ng upo at tinukod ang siko sa lamesa. Nangalumbaba siya doon habang ang mata ay nakatutok sa akin. Tumagilid ang ulo ko sa paninitig niya. Para bang sobrang intirisante siya sa akin kung makatitig.

CapricornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon