Three

79 8 0
                                    

His smile was kind. It wasn't that bad. Siguro nga I just overthink things 'cause I don't have much interaction with men, maliban sa Kuya ko at kay Daddy.

I interact with my male classmates but only when it's needed. May mga gustong manligaw sa akin ngunit mabilis ko silang tinatanggihan dahil hindi pa ako handa sa pakikipagrelasyon. I also never had a love interest or even a crush on someone. All I'm interested in is studying and reading books in different genres.

Although I was curious about love, I don't think I'm ready for it. Lalo na ngayong nagbabasa ako ng mga romance books. In those books, the lead character always gets hurt before she gets the love she deserves. I don't want that. It's scary.

"At sagabal sa buhay." Dugtong ni Georgina nang ilahad ko sa kaniya ang opinion ko patungkol sa pagmamahal.

Akala ko ako lang ang natatakot sa ideya ng pagmamahal. Siya din pala. Scratch that, she's not scared. She doesn't care about it, and she find it absurd. Mas malala ang opinyon niya kumpara sa akin.

"Why are you so bitter?" I asked her while biting on the silicon protector of my glass straw. She bought this silicon tip for me when she noticed that I like biting on my straws.

"My father is a cheater." She said nonchalantly.

Nag-isang linya ang labi ko. Parang wala naman 'yon sa kaniya dahil patuloy pa rin siya sa pagsusulat. She's rewriting some of her notes from our last subject.

Nandito ulit kami sa isang sikat na Cafe. Nilibre ko siya ng kape dahil tinulungan niya ako sa recitation kanina. I was dozing off in the middle of the lesson, so I had a hard time answering. Napuyat kasi ako sa binabasa kong nobela kagabi.

Binulong niya sa akin ang sagot kaya bilang kapalit ay nilibre ko na lang siya dito.

"Sorry to hear that." Tahimik at awkward kong reply.

She smirked. Napansin ko ang pagdiin ng bawat pag-guhit niya sa mga letra sa kabila ng nakangiting ekspresyon. She's smiling but her eyes were angry.

"Nauna ka pang humingi ng tawad kesa sa tatay ko."

Suminghap ako. "Bakit, nasaan siya?"

"Nasa kabit niya."

Naglapat ng mas madiin ang labi ko. This is getting worst. I should shut up now. Halata naman na ayaw niyang pag-usapan ang bagay na 'to.

Maging ako naman, hindi ko gugustuhin na pag-usapan ang panloloko ng magulang ko. Kung ako sa kaniya, baka nga itinago ko ang katotohanang hindi maganda ang relasyon ng magulang ko.

"Anyway! Nakita mo na ba ang list ng pasok sa dean's lister?" Pagbabago ko sa usapan.

"Yeah. You're the first one in rank while I'm in the top five. Nahila yung grades ko ng average ko sa Mathematics in the Modern World. For the first time, I received a 1.75 grade. Bwisit!"

Oops, wrong topic. Mas nainis pa yata siya sa napili kong itanong. Napangiwi ako sa butas niyang papel dahil sa diin ng pagkakasulat niya. Marahas niyang pinilas ang pahina no'n at padarang na tinapon sa lamesa ang lukot lukot na papel. Mas pinili ko na lang na manahimik dahil baka mas lalo lang siyang ma-trigger kapag nagsalita ako.

We spent our entire break in that shop. Maraming tao ngunit tahimik dahil nasa ikalawang palapag kami. There's a rule here that says quiet. Inilaan daw ng may-ari itong palapag para sa mga gustong mag-aral, which is a smart move. Kaya sikat na sikat itong coffee shop ay dahil dito.

Sa first floor naman ay pwedeng mag-ingay. Naririnig pa rin naman ang ingay hanggang dito pero mahina lang dahil enclosed ang second floor.

Nagpatuloy ang klase namin ng hapon. Isa na lang ang natitirang klase namin at natapos 'yon ng maaga dahil may emergency ang professor namin. Georgina went home immediately, habang ako ay tumambay muna sa isang shop habang inaantay ang driver ko. Nagmessage ito na mahuhuli dahil hinatid si Mommy sa airport para sa business conference niya in Dubai. Walang ibang available na driver dahil abala din ang isa pa naming driver kay Daddy na out of town. May isa pa kaming driver ngunit naka-assign iyon ngayon sa nakababata kong pinsan na pansamantalang nagbabakasyon sa bahay.

CapricornWhere stories live. Discover now