Kabanata 9

101 26 92
                                    






I told Rebeka about what happened before we went home. Ayon, galit na galit ang bruha. Gusto nga raw niyang ipalapa sa aso nila si Abil nang madala naman daw. Despite of that, she felt sorry too for everything. Para sa kaniya, siya naman daw ang pasimuno ng lahat.

"May kasalanan din tayo sa kaniya, Beks," amin ko nang pasakay na kami no'n sa sari-sariling sundo.

Ngumuso siya at nag-iwas ng tingin. Ilang saglit pa ay tumango siya habang nanatili ang nguso sa kaniyang labi.

Before I came to their lives, Abil was living his normal life. Kaya hindi ko rin siya masisisi kung nagalit siya kanina. Siguro naisip niya pinagt-tripan namin siya. Na iniinis namin siya.

Kapag talaga hindi na ako nakakaramdam ng takot sa kaniya, pormal na akong magso-sorry sa kaniya para tapos na. Not now, for sure. Pakiramdam ko kasi na-trauma na ako sa kinilos niya kanina. Hindi ko ata kakayanin na makaharap siya bukas sa classroom.

And for Jack, pinuntahan ko siya sa binigay niyang meeting place. Nagpasama pa ako kay Rebeka dahil hindi ko pa masyadong kabisado ang college department. And the jerk didn't show up. Ang ending, mas lalo pang nadagdagan ang sama ng loob ko sa kaniya.

Seriously, what is up to him?! Parang hindi na siya yung Jack na nakilala ko. Yung Jack na nagustuhan ko, hindi niya hahayaang pasamain ang loob ko. Hindi niya ako magagawang indyanan.

Alam kong wala kaming label, pero hindi naman ata tama na pagtripan lang ako ng ganito, ano? Ang sama talaga ng nararamdaman ko, swear!

Tinadtad ko nga siya ng text pagkauwing pagkauwi ko. Bahala na kung ayaw niyang mag-reply ulit. Basta, doon ko sinabi lahat ng naipon kong sama ng loob sa kaniya. Muntik ko pa nga siya mamura no'n kung hindi ko lang pinigilan ang sarili.

All I know is, I don't deserve this. No one deserves this. Para tuloy akong na-ghosting sa lagay ko. Well, papunta na talaga roon.

Padabog kong nilapag ang bag ko sa tabi. Naghilamos at lumabas na para sa hapunan. Wala akong gana pero kailangan. Maagang umuwi si mama ngayon. Madalang lang kami magkasabay-sabay kaya dapat kompleto kami kapag may ganitong pagkakataon.

"Magandang gabi po, mama," bati ko kay mama na nakaupo na sa hapag.

Lumapit din ako kay papa at humalik na rin sa kaniyang pisngi. Tahimik ang naging hapunan namin. The usual us. Tinatanong ako tungkol sa school ko. Kung may problema raw ba ako'y 'wag akong mahihiyang sabihin sa kanila.

Lingid sa kaalaman nila, problemadong-problemado ang nag-iisa nilang princess. I wanted to tell it to them, but of course I can't. Pagagalitan lang nila ako.

Balik kuwarto agad ako nang wala na akong kailangan sa salas. Nag-half bath ako bago sumalampak sa malambot kong kama.

Hindi ako nakakaramdam ng katiting na antok kaya kinalikot ko ang mga social media ko. Ang ending, mas lalo pang sumama ang pakiramdam ko nang mapunta ako sa dating message namin ni Jack sa messenger ko.

I miss him...

Sobrang nami-miss ko na siya. Naiinis ako sa kaniya pero miss ko talaga siya. Ang sakit lang talaga na sa isang iglap ay unti-unting nagbabago ang lahat ng meron sa amin.

I turned off my phone and tried to sleep. Siguro dahil na rin sa sama ng loob ay nakatulog ako. Iyon nga lang at nagising akong mabigat pa rin ang dibdib.

Kung puwede lang sana na huwag pumasok ngayon, pipiliin kong magkulong na lang dito sa bahay. Kaso hindi naman talaga puwede. May reporting kami ngayon. Hindi naman iyon mai-extend dahil lang broken hearted ako.

Our Encounter Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now