Kabanata 23

63 19 40
                                    






Umagang umaga, mukha ni Rebeka ang gumising sa akin. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang bahay namin. At mas lalong wala akong ideya kung paano siya pinapasok ni papa.

As far as I remember, I've never brought her here. Not even once. Papa knows that I have friend named Rebeka, pero hanggang doon lang. Hindi niya alam kung anong hitsura.

Bruha talaga! Siguro, napikot niya pagiging segurista ng papa ko. Who knows?

"Ba't ba kasi excited ka masyado?!" inis ko nang bulyaw habang nakahilata pa rin sa kama.

Ayaw ko pa talaga bumangon. Buong weekend, kinukulang ako sa tulog. At ayaw ko nang isipin pa ang dahilan.

"May flag ceremony daw, e."

I yawned before I decided to get up. Sinamaan ko ng tingin si Rebeka na nakaupo ngayon sa katabing bangko ng aking study table.

"Ligo muna ako," busangot kong paalam.

Inikutan ko pa siya ng mata bago ko siya tuluyang iwan at pumasok na sa banyo.

I stretched my arm and cocked my head subtly. Pampawala ng antok. Kanina ko pa kasi tinititigan ang tubig. Talagang inaantok pa ako.

Pagkalabas ko ay nandoon pa rin si Rebeka sa kaniyang inuupuan. Nagpalit ako ng damit panglakad, pagkatapos ay sinimulan nang tupiin ang aking kumot.

"Nakapag-breakfast ka na ba?" tanong ko sa kanina pang tahimik na Rebeka.

Tuloy lang ako pag-aayos ng aking kama. Lumipas ang ilang segundo at wala pa rin akong nakukuhang sagot mula sa kaniya. Nilingon ko na at---

"Rebeka!"

Mabilis akong napalapit sa gawi niya. Inagaw ang pinapakialaman na niyang merch ko. Pagkatapos ay hinarangan ang kinalkal niyang cabinet ko.

"Napakaano mo!" inis kong bulyaw.

"Ano ba'ng masama? May tinatago ka ba dito?"

Tumitingkayad pa siya upang silipin ang loob ng aking cabinet. Mas lalo ko lang nilawakan ang pagkakaharang doon.

"Wala!" I snapped. "Kapag talaga ikaw, wala ng privacy, ano?"

"Damot!" she grunted.

Sinimangutan niya ako. Nakahinga ako nang maluwag nang padabog siyang naupo ulit sa puwesto kanina.

Pero dahil siya ang mahal kong Rebeka, yung picture frame na naman ni Jungkook ang kinalikot. Hinayaan ko na lang.

Bumalik ako sa aking kama at tinuloy ang pagtutupi. Sinigurado ko rin na hindi na niya mabubuksan ang aking cabinet.

It's not that I'm hiding something there. Ayaw ko lang na ginugulo ang laman nun. Andoon na kasi halos lahat ng buhay ko. Iyon lang.

"Grabe. Patay na patay ka talaga sa isang 'to, 'no?" nakangiwi niyang tanong. Tukoy sa hawak niyang picture ni Jungkook.

Kininditan ko siya bilang sagot sa kaniyang tanong. I'm proud of it, though.

"May kuya ba 'to na puwedeng ii-stan?"

Umupo ako sa tapos ko nang ayusin na kama. Pagkatapos ay kunot-noo siyang tiningnan.

"What do you mean na kuya?" I absentmindedly asked.

"Kuya. Hyung. 'Di ba, gano'n tawag nila?"

"Ah..." bahagyang umawang ang bibig ko. Dahan-dahan akong napatango. "Yes. He has. Kay V ka na lang. Guwapo 'yon."

Our Encounter Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now