Kabanata 38

45 6 14
                                    



Sinamahan nga ako ni Ben na hanapin si Abil. Akala ko rito lang sa campus o kaya ay sa high school department ang lilibutin namin.

Pumunta kami sa Main parking lot ng school. Gusto ko sanang umayaw nang yayain niya ako sa gamit niyang kotse, pero wala rin ako nagawa sa huli. Ako ang lumapit sa kaniya. Tinutulungan lang niya ako kaya wala akong karapatan na humindi.

"Saan ba ang punta natin?" mayamayang tanong ko sa kalagitnaan ng byahe.

Siya ang nagmamaneho. Ako nama'y nasa tabi lang niya nakaupo, sa front seat.

"Sa mansyon nang magaling mong boyfriend."

Natahimik ako at hindi nakapagsalita. Isang beses niya akong nilingon. Kasunod no'n ay ginawaran ako nang mapang-asar na ngisi.

"Just so you know..." he trailed off. "We're cousin. First cousin."

My eyes literally widened. "Si Abil?! Pinsan mo?"

He chuckled. "Isn't it surprising that he has handsome cousin like me?"

"Ewan ko sa 'yo!" irap ko.

Napaka-bipolar niyang tao. Parang kanina lang, napakaseryoso niya. Halos tumakbo na nga ako paalis dahil sa sobrang pagkaseryoso ng mokong, e.

May pa-don't blame me pang nalalaman. Ngayon, nagagawa nang magbuhat ng sariling bangko. So bipolar.

"Paano kung makita mo siyang kasama ni Janara?"

Out of blue, napatanga ako. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. I was expecting him to mock a chuckle but it didn't come. Bagkus balik seryoso na ulit ang paraan ng pagtingin niya sa daan.

Hindi na lang ako nagsalita at tinuon na lang sa labas ang atensyon. Kahit may pagkapilyo ang isang 'to, hindi naman hamak na may parte sa akin na naalarma sa kaniyang sinabi.

I mean, he is Ben. He never lied even once. Minsan lang kami magkaroon ng interaction pero alam ko, totoo siyang tao.

And yes. When I said, he never lied, I meant it.

Ang simpleng tanong niya na nagbigay sa akin ng alarma ay totoo. Noong mismong araw na iyon, wala akong kaide-ideya na iyon na pala ang babasag ng puso ko.

High school days. Many considered that our happiest life is in high school. Better than college. It has more fun and less workload.

But for me, it was my most painful days. My days when I encountered my first love. Where my first ever kiss, hugs happened. And that included my first major heartbreak that left a sore spot in my heart.

Abil. My first love and thought it would last.

Sa isang iglap, biglang nagbago ang lahat sa amin. May pa-warning ang oras at panahon pero hindi ko man lang pinaghandaan. And that was my biggest mistake that I have done in my entire life.

Accordingly, he never cheated. Masyado akong nagpakatanga para paniwalaan ang kumakalat na tsismis noon sa kaniya na napag-alaman kong gawa-gawa lang pala ng mga taong walang magawa sa buhay.

Tinanong ko siya tungkol doon pero ni-isa sa parte ng aking katawan ay hindi naniwala.

Pathetic me, it is.

Tuluyan akong nagpatianod sa mga haka-haka na wala man lang sapat na pruweba. I just followed what my minds said but not my heart did.

Pero, hindi ko rin masisisi ang sarili. Pagkatapos ng nasaksihan namin kay Ben sa mansyon nina Abil, sino'ng hindi magagalit at masasaktan?

Our Encounter Again (COMPLETED)Where stories live. Discover now