Chapter 8 PREPARING

287 13 0
                                    

Bumalik ang pag iisip ko sa reyalidad ng may bumatok sa akin

Aray ko Naman!

"Aray" daing ko kay Alexa na tatawa tawa pa rin sa ginawa

"Bunganga mo Kasi nakanganga . Pasukan ng bangaw yan ewan ko nalang sayo" tatawa tawa pa ring Saad Niya sa akin,

"Bangaw your face...." Paghaba ng nguso ko matapos kung masabi yun pshhh sakit ng batok ehh

Gutom pa mandin ako!

"Arat na , mauubos na oras natin dito sa room" pagyayakag nito sa akin na hindi ko Naman alam kung Saan ang patutunguhan

"Anong arat na?" Pagtatanong ko dito na nakapag pa kunot ng noo Niya

"Tara na , dzuh ,hindi mo alam yun?"
Sinabayan pa nito ng pagtaas ng isang kilay niya

"Alam kung tara yun, ibig kung sabihin , bakit? , Saan Tayo pupunta?"

Saan nga ba? Kanina pa akong sabog! Diko alam nangyayari!

"Sa mall malamang " pagpapaliwanag nito na halos iikot na ang mata

Mall? ahhhh

Teka? Mall?!! Ahhhh hehe masyadong nakakapagpabagal pala ng utak  ang pagkagutom

"Anong gagawin dun?" Alam kung gusto Niya sabihin ay ang pagbili ng kakailanganin para sa party bukas...gusto ko lang makita muka Niya pag naiirita ng makabawi man lang sa pang iinis niya hehehe

"Jusme na man Elisha , sumama ka nalang kaya!" Ramdam ko na sa pananalita Niya ang pag kairita nito kaya Naman napasaya ako nito kahit unti, hahaha, nakita ko pang  napa hawak pa Ito sa sintido ng sumagot sa tanong ko

"Hoy, hindi ka manlang ba magpapasalamat saakin sa ginawa ko sayo kahapon?"pagpapaalala ko muli sa kaniya ang ginawa ko. At pagpapabago ng topic namin

"Bakit? Ano ginawa mo?" Pagtataas na naman ng kilay nito sa akin

"Wala...tara na" pshh ano pang ene-expect ko eh nung mga oras halos gusto ko nalang lamunin ng lupa asan siya?..andun naka akbay saakin at napakahimbing ng tulog pssh

"Joke lang, ikaw Naman, alam kung ikaw ang nagdala saakin sa condo ko at dahil dun ililibre Kita ng susuotin mo para sa party!" Niyakap pa ako nito at niyugyog

Mukang excited na excited na rin ang Isang toh

Richkid eh, "wag na... Di Naman sayong pera ang winawaldas mo ehh...saka na pag pera mo na yun"
Pagbibigay payo ko sa kaniya dahil nakikita ko kung paano minsan magpakapagod sina mom and dad

"Hindi pa ba kayo aalis?" Iritang pananalita nito na nanggagaling sa likuran namin

Nang marinig namin ay nagkatinginan kaming dalawa ni Alexa na para kaming nag uusap gamit ang mata

Hindi ko na siya pinagsalita pa dahil hinatak ko na Ito palabas Na pasasalamat ko na rin Naman dahil sumunod din Ito at hindi na pumalag pa

"Bakit? Anong meron sa inyo?" Takang tanong nito na napalitan ng ngisi "ikaw ha....may nangyari ba sainyo ka gabi? Like.... something ...you can't describe to me "
Pagtaas -baba pa ng kilay nito na nakapag paasar lalo saakin

"Iww. Di ako ganun...tsaka malay ko ba na nasa iisa pala kayo ng building ng condo" pssh

"So may nangyari nga? Yieee Anong feeling" patuloy parin nito sa pang aasar sa akin na dinagdagan pa ng pagsundot sa tagiliran

Asar talaga.

"May nangyari, pero hindi kasing dumi ng iniisip mo Alexa" sabi ko dito na pigil na pigil ang pag irap

Tingin Niya sakin tss.

"Assusss at pano mo Naman nasabing madumi ang iniisip ko ? Bakit nababasa mo ba ha..."

Oo nga Naman.

"Ewan ko nga sayo, jan kana!" Hindi ko na Ito hinintay pa at nag madali na akong pumasok sa restaurant ng mall na toh...bago pa lumabas ang mga bulate ko sa tiyan dahilan ng wala ng makain sa loob looban ko




          •          •           •         •          •



Hindi ko na namalayan na nakasunod na din pala agad sa akin si Alexa na kanina pa ako naririndi sa pagmamaktol niya saakin

"Uyy bakit Naman hindi moko hinintay?" Tanong nito sa akin na wala akong planong sagutin , bahala siya...

Masamangang asar sa gutom,

Nag order na ako ng pagkain ko pero dinagdagan ko na para makakain din si Alexa, alangan Naman na saakin lang diba?

Pagkaraan ng ilang minuto ay
Dumating na yung inorder ko ng hindi ko pa din pinapansin si Alexa kahit na puro kwento ang lumalabas sa bibig nito...

"Naks Naman , ang sweet mo Naman magalit!" tukso pa nito saakin ng makitang pang dalawang tao yung inorder ko

Kumain nalang ako ng kumain dahil talagang kulang ang salitang gutom para sa nararamdaman ko ngayong pagkasabik sa pagkain

napangiwi muna si Alexa  saakin ng pansin kung kanina pa ako nito pinagmamasdan kumain "kelan ka pa naging patay gutom Elisha tss " iling pa nito " ohh, baka kulang pa yan sayo, sayo nalang tong inorder mo sakin"

Hindi ko pa din Ito pinansin , pero hindi ko kinain ang pagkaing inorder ko sakanya , tama na itong inorder ko para sakin

Inorder ko nga yan para makakain rin siya tapos ipapakain Naman Niya din saakin? Anong klase kaya yun pssh.

Minsan lang kaya ako manlibre


******



Natapos na kami kumain at nag iikot na kami para mahanap ang gown na gagamitin namin para bukas, pero hindi ko pa rin siya pinapansin

Medyo na gi-guilty na nga ako eh...medyo lang hehe kulit Niya Kasi ey

Walang gana Naman akong tumitingin rin sa mga gown at pakunwaring namimili

Hindi ko pa sure kung talagang sasama ako,

Nakita kung pumipili na siya ng gown niya , ganon din Naman ako at ngayon ko lang napansin na hindi na rin Niya ako pinapansin na parang strangers na kaming dalawa

Ewan ko kung bakit bigla nalang akong tinamaan ng tunay na pagka guilty dahil hindi ko siya pinansin kanina,

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko makumpirmang hindi na nga rin siya namamansin

Haluh ka

Di na ako nakatiis, nilapitan ko na Ito at sinundot sa tagiliran, "uyy sorry na... At ayun na nga , di pa din Niya ako pinapansin,

Bakit bumaliktad ata sitwasyon namin? Huhuhu isipbata ko Kasi ey! Yan tuloy,

Nakaisip ako bigla ng paraan para pansinin na Niya ako... Na agad ko namang isinagawa ito

"Alexa ...anong magandang suotin para bukas, alam ko Kasi na magaling ka sa pagpili ng kung anong maganda sa hindi, kaya ..mas maganda siguro kung ikaw ang pipili ng susuotin ko para bukas...." Papuri ko pa sa kaniya

And then...

Bingo.

Humarap na siya saakin at tiningnan ang nasa kamay kung pinapapili sa kaniya.

Ewan ko kung nagtatampo pa to sa akin oh ano, Kasi pag kakita Niya sa gown na nasa magkabila kung kamay ang nagpataas bigla ng gilid ng labi Nito...

Being Soft Hearted Person Where stories live. Discover now