Chapter 10 HIS EYES

252 16 0
                                    

Ngayong araw gaganapin ang aquitance party ng st. Braethal university

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, na e-excite ako na kinakabahan?

Na e-excite ako Kasi baka marami akong makilala dun at maging kaibigan din,

Kinakabahan Naman ako Kasi, hindi ako komportable sa kasuotan na susuotin ko mamaya, so, paano ako makikipag kaibigan kung di ako mapakali sa damit ko?

Diba?

Hayss Isa pa tong si Alexa,

Kanina ko pa siya tinitingnan  na di mapakali kung ano ang susuotin,

Ganito ba talaga tong babaeng Ito?

Samantalang ako, andito sa tabi napipilitang kumilos

Bakit pa Kasi Niya ako nasundan?

Sa isip isip kung iyon ay napakamot na lamang ako sa aking ulo,

"Ano na....matatapos ka pa ba jan?" Asik ko kay Alexa na hindi pa din makuntento kakapili sa mga gown na pinamili Niya kahapon, actually dalawa lang yung pinagpipilian Niya ,pabalik balik pa niyang sinusukat.

"Eh ano ba kasing bagay..." Taranta Niyang tanong sa akin na tumitingin pa sa orasan

"Parehas"maikli kung tugon rito.

"Elisha, seryoso ako , alam kung maganda ako pero mas madadagdagan ang ganda ko kung maganda din damit ko."

Nagbuhat pa nga ng sariling bangko.

"Ganun ba yun?" Pagtatanong ko rito na mukang hindi Naman talaga ganun yun

Because I believe! Kung maganda ka, maganda ka, kahit anong suotin mo babagay sayo, Kasi nga. MAGANDA KA



           •.     •.      •.      •.     •.    •.    •.




Parehas na kaming nakaligo ni Alexa at kasalukuyan na Niya ako ngayong inaayusan , hindi na talaga ako makapalag sa babaeng Ito

Kahit na mapaubo-ubo pa ako sa Dami atang  pulbos na tinatampal sa muka ko

Matatagalan talaga kami pag ako ang inayusan Niya, parang may galit pa Kasi ito sa akin kung makapunas ng brush Niya sa muka ko,

Well, may galit siya sa akin o talagang nagmamadali lang siya,

"Oh ayaannn ...perfect! Sigurado akong mapapanganga lahat ng makakakita sayo!"

Malamang. Pinuno mo muka ko ng pulbura ey

          
            °      °      °      °      °      °




"A-alexa a-ayoko na...uwi nalang ako"pagtalikod kung Saad kay Alexa na abot tainga pa ang ngiti habang tinitingnan ang mga tao sa loob


"Anong uuwe? Andito na Tayo ohhh dzuhh manahimik ka ngaa" pagsuplada Niya bigla sa akin ng humarap itong magkasalubong ang kilay

"Nakaka-ilang Naman Kasi itong pinasuot mo saakin eh"pangangamot ko pa sa damit ko , para mukang hindi talaga ako komportable ,

"Ano ka ba Naman , wag mo nalang pansinin , isipin mo nalang na saglit mo lang tong susuotin" irita na sabi nito saakin

"Sorry...oo na tara na..." Pumayag na lang ako dahil mukang mapupuno ko na siya, baka biglang bigwasan ako nito pag nagkataong nag inarte pa ako.

Katulad nga ng sinabi ni Alexa , nakuha ko kaagad ang pansin ng mga tao dito, kinakabahan ako sa di malamang dahilan, yung mga tingin nilang nanunuri , at ang iba Naman ay parang mga kutsilyong patalim na kulang nalang ay husgahan ako base sa ayos ng aking katawan

Being Soft Hearted Person Where stories live. Discover now