Chapter 15 INVITATION

216 15 0
                                    

Si Ace.

Ang lalaking nanguna na saamin kanina maglakad.

teka..

Tila nagsalubong ang aking mga kilay ng may pumasok sa aking isipan

napakinggan kaya niya ang pinag uusapan namin kanina ?.....eh ano naman kung napakinggan niya kami kanina diba?



***********


Natapos namin ang lahat ng exam namin ngayong araw,

Kahit na hindi iyon naging madali.

Sabagay wala namang madaling exam hehe,

Habang humahakbang ang aking mga paa patungo ng labasan at hintayan ng sasakyan sa labas ng aming univ.

Ay   bilang bumigat ang aking mga balikat ng may dumantay na braso rito na tiyak ko kung sino ang nagmamay ari.

si Jyxon na sumabay na Naman sa akin sa paglalakad ngayon,

hindi na ako nagulat ng kunin niya pa saakin ang bag ko, dahil sa nag daang araw ay yun na ang nakasanayan niyang gawin sa akin tuwing uwian, at ang tanging dala ko na lamang ngayon ay ang bulaklak na binigay niya sa akin kaninang umaga.

Ang pinag ugatan ng bukol ko

Pero...di kasalanan nung bulaklak, I mean , yung kagagawan ni clown na queen daw tapos nakaharap na Niya si king saka pinag sinungalingan kaya ayun , walk out si queen, sayang yung mga kolorete Niya sa mukha.

sa tingin ko , sa haba haba lagi ng araw eh yun ang pamaraan niya ng panliligaw sa akin.

Sa tingin ko.

Ang pagkuha ng bag, ang pagsabay sa pagkain, at ang pag hatid sa condo ko.

Unti na nga lang ey, makukuha na Niya ang sagot ko, pero wait pa Tayo hehe.

"hatid na rin kita sa inyo"ngiting Saad nito sa akin na nakapag pangiti rin ng aking mga labi

Nakakahawa ang mga ngiti Niya , mapapangiti ka nalang talaga  pag siya ang ngumiti sayo

I swear.

"sigurado ka?" Paniniguro kung tanong rito dahil baka may puntahan pa siya

"oo naman tsaka may ibibigay na din sana ako sayo mamaya" masiglang ngiti nito sa akin dahil sa isinagot nito

Na nakapag pa taka sa akin ngayon..

Ano Naman kaya yun?  Baka surprise?

Omg!

"ano naman yun?" Pilit kung itinatago ang ngiti at tapalan Ito ng pagtatakang tanong ko para hindi Niya mahalatang na e-excite ako sa maibibigay niya na Naman sa akin ngayon,

"basta , mamaya nalang pag asa building na tayo ng condo mo" pambibitin na sabi nito saakin ngunit makikita mo rin ang kasiyahan sa kaniyang Muka,

Na lagi mo Namang makikita sa kaniya,

"ahh ganun ..okay..."pagsang ayon ko na lamang dito para makauwe na kami

At maibigay na Niya ang gusto niyang ibigay, omg! Baka necklace ! Tapos isusuot Niya sa leeg ko?! Kyaaahhhhh

Okay , okay, Kalma baka pumiyok ka mamaya Elisha. Ayusin mo.

Pangangausap ko sa aking sarili ng maramdaman ang pag ka excite at tila kasiyahan sa aking dibdib



**********



tinupad niya nga ang sinabi niya at nahatid niya ako dito sa building ng condo ko ng ligtas,

"so, ano nga ang ibibigay mo sa akin?" excited kung paunang salita dito ng tumigil ang sasakyan namin at hindi na nagpaligoy ligoy pa,

Ngunit bumaba muna ako at siya na pinag buksan ako ng pinto bago ako nito sagutin sa tanong ko.

"hmmmm, ipangako mo muna sa akin na pupunta ka " mahinahon niyang Saad sa akin ng mahalata Niya atang na e-excite ako.

Ipangako?.....bakit Naman mangangako pa ako?

"ha?" nalito ako sa sinabi niya..anong pupunta? may connect ba yun sa ibibigay niya?

Yan. Nag expect ka Kasi masyado Elisha.

Pasimpleng nalukot ang aking muka ng pati sa isipan ko ay kami ng sarili ko ang nagtatalo at nag uusap ng kami lang dalawa ang nakakaalam

Kahit Naman kayo diba?hehe

hindi na lang ako nito sinagot at inilahad niya na lamang ang kaniyang kamay na may hawak na ......

invitation card?

Gulat ngunit agad na nagliwanag ang muka ko sa ibibigay niya sa akin , omooo saan niya ako iimbitahan?!!!!

"punta ka hah, kahit wag kana bumili ng regalo basta presensiya mo nalang ayos na" pagbibiro nito sa akin bago kumurba muli ang nakakaloko nitong ngiti

okay....okay......kalma...pinapakilig na naman niya ako sa mga salita niya hmmp!

"oo naman, ikaw pa," halos pabulong kung sabi ang huli kung salitang nabanggit kahit na nag expect ako kanina ng malayo sa ibinigay Niya sa akin ngayon.

nakakahiya talaga

"oh sige, hanggang dito na lang ako ahhh alis na ako" pamamaalam niya saakin matapos ang aming napag usapan

"sige ingat ka," tango ko rito at haharap na Sana ako sa direksiyon ng papunta sa co do ko na sa katayuan namin ni Jyxon ay tatalikod na ako ng....

akala ko ay aalis na ito ngunit sa hindi ko inaasahan ay hinalikan ako nito sa pisnge na ikinamatis ng muka ko

Kung hindi ako agad humarap patalikod sa kinaroroonan Niya ay baka sa labi Niya ako nahalikan!

myghoshhh bakit siya nanghahalik! hindi pa naman kami ahh!

Diba?! Bakit nanghahalik agadddd arrsshhh

bago ko pa siya mabulyawan ay kumaripas na ito ng alis,

nang chansing pa ang mokong!!!Hmmp!!!

napag pasiyahan ko na ring umalis ng hindi ko na maaninag ang likod ni Jyxon palayo at dali daling binuksan ang invitation card na hawak ko ngayon kung para saan ang pag iimbita nito

so...

birth day niya pala? at teka. sa bar pa ang venue? gabi pa ang oras na nakalagay ano toh? party party?

baka nga ganun.

pero...bat pa kasi sa bar ang venue! malas ang unang araw ko dun!

Muli kung naalala kung paano Niya ako nailigtas sa lasing ng gabing iyon,

Na ikinautal ko pa dahil sa nerbiyos

sabagay andun naman siye ehh hehe,alam kung hindi Niya ako papabayaanan mwehehehe

harot bish.

matapos kung basahin ito ay napagpasiyahan ko munang itabi at mag so-social media muna kung ano ang ganap.

Ang ganap ng mundo na kahit maliit na bagay ay pagkakaguluhan na ng mga tao

Makisabay sa uso kung baga, kahit hindi alam ang nangyayari. Push pa rin. Kasi nga uso,

Kaya minsan nakakatamad na rin mag social media,

pag ka open na pag ka open ng facebook app ko ay may nag pop agad na chat mula sa aking notification.....?

Being Soft Hearted Person Where stories live. Discover now