In between

215 17 212
                                    




Riley's POV:

I thought it was going to be easy, pero buong gabi akong gising. Naisip kong maaga ng magpaalam sa office para sa Christmas vacation ko. Wala akong ibang gustong makasama ngayon kung hindi si mama at lola.

Marie: "Mabuti naman at maaga kang nakauwi anak-"

Riley: "Miss na miss ko na kasi talaga kayo ni lola eh. Itong bahay- mga luto ni lola! At! Yung alaga ninyong dalawa-"

Eva: "Aysus- alaga lang ba? Naku apo- lahat ng gusto mo lulutuin ng lola ha?"

Nakangiti ako sa kanila pero nangingilid na ang mga luha ko-

Marie: "Oh bakit naman naiiyak yang baby girl namin? Halika nga dito- halika dito."

Naupo ako sa gitna nila mama at lola, tapos ay sabay nila akong niyakap. In that moment I felt safe, like nothing could and would hurt me. Matapos naming mag kuwentuhan ng konti, pumunta muna ako sa kuwarto ko para magpahinga, nakaidlip rin pala talaga ako. Nagising nalang ako sa katok nila sa may pinto ko-

Marie: "Anak, nakaluto na ang lola mo- kain na tayo?"

Dahan dahan akong bumangon at ngumiti kay mama. Lumapit naman ito at naupo sa kama ko, sinamantala ko naman na mangunyapit dito. Para akong bata sa kanlungan niya, habang sinusuklay niya ng kamay niya ang buhok ko.

Marie: "Anak, okay ka lang ba?"

Riley: "Yes mama- okay lang po ako."

Marie: "Bakit, parang ang lungkot lungkot ng mga mata mo?"

Riley: "Siguro ma kasi, sobrang pagod din ako. Napakaraming ginagawa eh, alam ninyo naman na, umpisa na talaga ako sa kumpanya nila lola."

Marie: "Si Stefan? Nung huli tayong magkausap, sabi mo kasama mo siya?"

Pinigil kong hindi maluha-

Riley: "Hmm- masyado siyang busy mama. Diba siya mismo yung may ari nung hotel chain. Sobra rin yung dami ng pressure niya- kaya ako nalang muna."

Marie: "Sayang naman- excited pa naman akong maka kuwentuhan ulit siya. Magaang loob ko sa kanya eh."

Riley: "Ang bango! Tara na ma kain na tayo?"

Marie: "Ay oo! Naku ang daming niluto ng lola mo! Halika na-"

Matapos kaming mag hapunan, nagkantahan pa kami nila mama at lola, tapos ako mismo ang naghatid kay mama sa kuwarto niya at nagpainom dito ng gamot bago ako lumabas sandali sa harap ng bahay. Nagulat ako ng biglang lumabas din si lola.

Riley: "La, bakit hindi ka pa tulog?"

Eva: "Gabi naman na talaga akong nakakatulog, isa pa- siyempre gusto kong samantalahin na nandito ka saamin apo- na mimiss ka ng lola masyado."

Riley: "Miss na miss ko rin kayo lola-"

Eva: "Uhm- sige na, sabihin na kay lola kung anong laman niyang isip mo-"

Riley:" hmm?"

Eva: "Apo- hindi ka na pwede magtago kay lola- masyado na akong matanda, masyado kitang kilala- ano bang problema apo?"

Riley: "Hayyy- hindi ko pa kayang sabihin lola eh. Lola? Nung nabubuhay pa si lolo, nung mga bata pa kayo- may mga pagkakataon ba na, sinukuan ninyo na yung isat isa? Or ginusto ninyo ng sukuan ang isat isa?"

Eva: "Aba oo naman ano! May mga pagkakataon nga na- talagang naghiwalay na kami ng lolo mo, masyado niya lang akong mahal kaya, hindi niya naman natitiis at sinusuyo niya parin ako."

Riley: "Parati ninyong naayos? Oh pinipilit ninyo lang kasi- nasanay na kayo-"

Eva: "Parati naming naayos kasi parati naming pinipiling ayusin. Bago pa kami ikasal ng lolo mo, ilang beses na namin iniwan ang isat isa- minsan ako, minsan siya- pero at the end of the day may isa parin saamin ang susuko kasi- wala eh, mahal talaga namin ang isat isa."

Maybe? Probably..Where stories live. Discover now