Kabanata 14

3 1 0
                                    

Permanent 

"Napapansin kong late ka na palaging umuwi, pati ang mama mo nag-aalala na rin sayo." 

Sabi ni tita habang kumakain kami ng hapunan. Hindi na sumabay si mama sa hapunan dahil tapos na daw ito. 

Hindi ako nagsasalita, dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Totoo naman talaga, dahil tuwing uwian at pagkatapos ng trabaho ay palagi akong tumatambay sa condo ni Damien kaya late na ko kung umuwi. 

Pero wala namang pakialam si mama sa akin di ba? 

"Baka naman napabayaan mo na ang pag-aaral mo dahil sa walang kabuluhang bagay." Patuloy niya dahil sa hindi ko pagsagot. 

"Busy lang po sa po sa school at trabaho. Marami kasing ginagawa sa school dahil malapit na ang finals…" pagdadahilan ko. 

Partly naman totoo. Pero minsan lang. 

"Alam kong malaki kana at di na kailangan pagsabihan ng paulit-ulit dahil alam mo na kung anong tama at mali." She paused for a moment. "Gusto ko lang na makapagtapos ka muna bago pumasok sa pakikipagrelasyon kung meron man." 

"I understand po, wala po kayong dapat ikabahala tita. Mas priority ko po ang pag-aaral." 

Tumango si Tita bilang pagtugon. "Nga pala si Dylan, hinahanap ka niya sa akin minsan. Madalang na daw kayong nagkikita sa eskwelahan. Hindi ba kayo nagkikita sa pinagtatrabahuhan mo?" 

Bigla akong kinabahan. Alam kong di ko na nakakausap si Dylan. Pero hindi ko naman inaasahan na hahanapin niya ako kay tita. Diretso ang tingin ni tita sa akin na nag-aabang sa aking sagot. 

Sa tagal na namin magkaibigan ni Dylan, napalapit na din siya kina tita, kahit si mama ay naging civil din sa kanya. 

"Minsan lang din kasi siya may oras, kahit sa Cafe naman hindi na din siya bumibisita masyado. Alam niyo naman yun, busy sa pag-aaral lalo na malapit na yun magtapos…" mahabang paliwanag ko sa kanya. 

Tango lang ang naging tugon niya. Naging kumbinsido naman siya sa sagot ko. Hindi na siya nagtanong pa. 

After dinner I decided to study my lessons since the finals are coming. Napapansin ko na din ang pagbaba ng mga score ko sa quizzes. 

Naging busy na ako sa susunod na mga oras. At hindi ko na namalayan ang oras, late na pala.  While I'm busy reviewing, my phone rang. 

"Damien…" I answered. 

"Is this Ms. Amirah po?" Boses ng nasa kabilang linya but it's not Damien. 

"Yes, this is she…" 

"Ma'am boyfriend niyo po ba ang may-ari ng cellphone na'to? Nandito po siya ngayon sa Lounge at sobrang lasing po. Since kayo po ang nasa call logs niya, kayo nalang po tinawagan namin." 

Here we go again. 

Ano na naman to Damien? 

Sa halos araw-araw naming magkasama ni Damien, ilang beses na ding inuwi ko siyang lasing. Kaya minsan hindi na akong nakapag take ng quiz and worst sometimes exam. Kaya no wonder bumaba ang aking mga marka. 

Hindi na ako nag abalang magpaalan pa kay kina tita. 

Pagpasok ko sa bar, mukha ng dalawang empleyado na may pag alala sa mukha at tulog na Damien ang bumungad sa akin. I walk towards him. 

Tinulungan ako ng dalawang empleyado papunta sa sasakyan ni Damien. Nag pasalamat muna ako sa kanila bago pumasok sa sasakyan. Damien is peacefully sleeping, para itong inosenteng batang walang kamalay-malay sa mundo. 

Lie To MeWhere stories live. Discover now