Kabanata 3

19 2 0
                                    

Comfortable

Nandito kami ngayon ni Leigh sa boutique na pagmamay-ari ng mama niya. Mayaman ang pamilya niya at nag iisang anak siya.

Sa status palang ng buhay naming dalawa marami na ang nagtataka kung bakit kami naging matalik na magkaibigan. Mabait naman kasi ang pamilya niya. They treated me well despite my status in life.

Kaya lang naman ako nakapag-aral sa Golden Oak University na pinapasukan ni Leigh dahil isa akong scholar. Hindi ko nga alam paano ako nakapasok, marami kasi ang nagsasabing hindi basta-basta nagbibigay ng scholarship ang University.

"Is there anything you wanted to tell me?" tanong ko sa kanya.

Naisip ko kasi ang bulaklak na natanggap niya kaninang umaga at ang mga sinabi sa akin ni Alexus. Nakabuntun lang ako sa kanya habang tumitingin siya sa mga display na damit.

"None." tipid niyang sagot. But I know her very well. Alam kong may hindi siya sinasabi sa akin.

Hindi niya ako nilingon. Ipinagpatuloy niya lang ang pagpili ng damit. Maybe I will just give her some time to think. Alam kong siya na mismo ang mag open up when the time she's ready. As what Alexus said, sometimes bestfriend have secrets too, and he's right about it. Di na ako nagsalita pa at sumabay na sa kanya sa pagtingin ng mga damit.

"Here, try this..." sabay abot ng damit sa akin.

Magsasalita na sana ako ng makita ko ang damit na hawak niya. A colored maroon backless dress does not cover the back or shoulders and has a low-neckline. I smiled. Just like my type. Kinuha ko ang damit at agad na pumunta sa fitting room.

I looked at the mirror. At nang ma-satisfy ako sa aking nakita, lumabas na ako with a wide smile.

"I love it, Leigh..." I hugged her tightly. She laughed, kahit sa pagtawa ang sosyal pa rin niyang tingnan.

"You can have it..." she said while looking at me.

I giggled. "Thank you for this..."

"You're always welcome, babe..." she said and laughed.

"Stop calling me that..." I frowned " kaya di ka nagkaka boyfriend dahil akala nila lesbian ka at girlfriend mo ako. Just nakakadiri lang alam mo ba yun..." I joked.

"Mas maganda ako sayo. Wag kang feeling..." and we burst into laughter.

After naming bumili ng damit ay bumili pa kami ng mga accessories and shoes, Leigh likes spoiling me, minsan maisip ko na okay lang pala na wala akong boyfriend since may best friend ako na kagaya niya.

We decided to parted ways after dinner. Yayain ko pa sana siyang manood ng sine but she declined after she received a call from someone. Daddy daw niya, it looks important since hindi siya mapakali. Kaya hinayaan ko nalang siyang umalis, hindi na ako nagtanong pa.

Dahil sa tinatamad pa akong umuwi dumeritso nalang ako parke at tumambay habang dala-dala ang mga paper bag. Nilabas ko ang panyo, napangiti ako sa mga nangyari habang hawak-hawak ko ang panyo na binigay sa akin ng estrangherong nakilala ko dito sa parke. Life may be unfair sometimes, pero may mga tao din palang may mabuting kalooban na makilala mo along the way of your journey. And I'm happy to have someone like my bestfriend. Life is painful at the same time full of happiness.

"Baliw lang ang tumatawang mag-isa, alam mo ba yun?" nabitawan ko ang panyo dahil sa gulat nang may biglang magsalita.

Nilingun ko ito at imbes na matakot ay binigyan ko ito ng masamang tingin. Baliw na'to paano kung may sakit ako sa puso. Ang dilim dilim pa naman dito sa parke at kunti na lang ang mga tao.

Lie To MeWhere stories live. Discover now