Kabanata 4

10 2 0
                                    

Rhythm  

"Crestview tayo later..." bungad ko sa bestfriend ko pagkapasok ko palang ng classroom. Naabutan ko siyang nagbabasa ng libro. "Goodness I really need to relax my mind, my head was about to explode. Parang sasabog na ang ulo ko dahil sa sunod-sunod na deadline. Buti nalang talaga last day na sa finals at last na requirement na yung party..." reklamo ko sa kanya habang nakaupo at nakahawak sa aking ulo. 

She closed the book and looked at me.

"Are you okay?" nag alalang tanong niya sa akin. 

"Oo naman..." nakangisi kong sagot. 

Pero masakit talaga ang ulo ko. Buti nga lang di masyadong namaga ang mga mata ko dahil sa pag-iyak kagabi. As usual, galit na naman si mama. Hay, kailan kaya siya mapapagod sa pag-lalasing? Sabagay kahit hindi siya lasing wala namang bago sa trato niya akin. Minsan, maisip ko na hindi nalang umuwi, para magkaroon naman siya ng peace of mind.

Pero anong magagawa ko? Kung pwede lang piliin ang buhay ginawa ko na. Kung aalis naman ako, saan naman ako pupunta? Ayaw ko ng abalahin ang bestfriend ko sa problema ko kay mama. 

"Parang di ka okay..." sabay hawak sa aking noo. "Nag-away na naman ba kayo ni tita?" Kunot-noong tanong niya sa akin.

Palagi naman. Gusto ko sanang sabihin pero alam kong mas mag-alala siya sa akin.

Di ko pinansin ang tanong niya. "Okay lang nga ako kailangan ko lang mag unwind..." balewalang sabi ko. "Ano? Game? Sige na, para makapag relax naman tayo..." 

It seems she's not convinced of what I said. But instead of making an argument, she continued reading her book. Alam kong nag-aalala siya sa akin, ayaw lang niyang makipagtalo pa dahil alam niyang wala siyang magagawa. Leigh's always like that, she never pressure me to tell her what's on my mind.

"Bukas nalang tayo sa Crestview after the party..." sabi niya habang ang atensyon ay nasa binabasang libro. 

Ang Crestview ay isang sikat na Bar doon kami kadalasan umiinom kasama ang iba naming kaibigan. At dahil nga finals matagal na ring di kami nakabalik doon. 

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Antok akong napasandal sa upuan, ang sarap matulog. I did study last night dahil meron akong exam sa human anatomy and physiology subject mamaya at hindi ko kaklase si Leigh doon.  

"Di ako pwede mamaya, may lakad ako. Ayain mo nalang sila Alexus. Isa pa bukas naman na ang party, mag antay ka nalang hanggang bukas, then after the party tomorrow, we can go to Crestview and have a blast..." 

I looked at her, disappointed.

"Harleigh! Sabihin mo nga sa akin kung anong mga pinagagawa mo sa buhay mo..." na-iinis ko ng sabi sa kanya "akala mo ba di ko napapansin ang mga kilos mo? May mga lakad ka pang hindi ko alam at ang mga rason mong parang di naman totoo. Nag sinungaling ka pa sa mommy mo at ako pa ang ginawa mong rason at ilang beses mo na akong iniwan pag lunch break. Alam mo ngayon ko lang talaga naintindihan ang lahat. The flowers, all the chismiss about you, ang mga sinabi sa akin ni Alexus, and what Margot asked you at the hallway..." mahabang lintanya ko.

Nabaling ang tingin niya sa akin galing sa binabasang libro. She looked shock and smiled afterwards.

"Sorry, Babe..." pa cute niyang sabi. "Sabihin ko naman talaga, just looking for the right timing. And thank you for defending me, I heard about what happened at the cafeteria..."

"Ewan ko sayo, akala ko ba no secrets allowed. Tapos ngayon ayaw mong sabihin kung ano ang mga nangyayari sayo. Hay, alam ko naman na tinutulak kitang mag ka boyfriend na, pero Leigh naman sabihin mo sa akin para hindi ako mag-alala sayo..." tampo kong sabi sabay irap sa kanya. 

Lie To MeWhere stories live. Discover now