Kabanata 2

27 2 0
                                    

Flowers

Maagang akong umalis kinabukasan kahit alas dies pa ang unang klase ko. Naabutan kong nag-almusal si tita at si mama. Pero hindi na ako nag abalang lumapit pa sa kanila dahil sa pamamaga ng mga mata ko dahil sa pag iyak kagabi. Alam kong pareho silang nakatingin sa akin.

"Alis na po ako ma, tita..." nakayuko kong sabi at tumalikod na din ako. Ayaw kasi ni mama na umiyak ako. Mas lalo siyang magalit sa akin.

"Amirah, hija, okay ka lang ba? Alam ko nag-away na naman kayo ng mama mo... pagpasensyahan mo na ang mama mo kung ikaw ang napagbuntunan ng galit niya sa papa mo. Mahal ka ng mama mo hija. Palagi mo sanang tatandaan." Si tita, di ko alam sumunod pala siya sa akin palabas.

"Okay lang po tita, naiintindihan ko naman po. Sige po alis na po ako."

Tumango lang si tita. She smiled at me and I smiled back. A weak smile.

Mahal?

Mali ba ang pagkakaintindi ko ng pagmamahal sa isang anak? How can you hurt someone you loved?

Gusto kong sabihin na hindi ako okay. Na masakit ang likuran ko dahil sa pagtama nito sa counter dahil sa pagtulak ni mama sa akin. Pero yung pinaka masakit na hindi ko kayang sabihin ay ang sakit na nasa kaibuturan ng puso ko, I really wanted to tell her how much my heart is aching right now. How much how I endured it every fucking day. Gustong gusto kong sabihin, pero hindi ko kaya. Kasi naiintindihan ko kung bakit ganun si mama.

Tahimik na lamang akong lumuluha habang nakaupo sa ilalim ng kahoy dito sa park. Nakatingin sa mga batang naglalaro, narealize ko na simula bata pa lang ako galit na ang nanay ko sa akin. Kahit kailan hindi ko naranasan na ipasyal niya. We don't have happy memories together.

I always asked myself, hindi ba ako ka mahal-mahal? Hindi ba ako deserving na mahalin ng isang ina? But I can't find an answer in me.

"Crying is good for the soul daw..."

Nabaling ang tingin ko sa nagsalita and there I saw a man standing in front of me. Ang kanyang abong mga mata ang sumalubong sa akin. He's only wearing a v-neck white shirt and a tattered pants. Nakalahad sa akin ang isang kamay niya na may kulay itim na panyo.

"Sorry if I startled you... " hindi pa rin niya binaba ang kanyang kamay. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang panyo kahit di ko siya kilala. "You can use this, don't worry malinis yan." He continued talking with a smile on his face, still standing in front of me.

"S-salamat..."

"Welcome, whatever situation you're in right now. That too shall pass, everything will be fine." He's giving me a small smile and left. 

Napangiti ako. May mga tao pa din palang mabait at concern kahit di mo naman kilala. Napatingin ako sa panyong hawak ko. There's an initial embroidered in the handkerchief, it's D.J.C..

Pangalan niya kaya? Sayang di ko man lang natanong ang pangalan niya. Pero ang gwapo niya. I smiled widely.

Hays... tumigil ka nga Amirah. Para namang di ka ngumangawa sa ka iiyak kanina. Natakot siguro yun sa mukha ko kaya umalis kaagad. Ikaw ba naman mugto ang mga mata sa kakaiyak magmula pa ka gabi. Well, makes me feel better though.

Hindi na nawala ang ngiti sa aking mga labi hanggang makarating ako sa eskwelahan. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. But I felt recharged or maybe because of that guy. Napangiti ako sa naisip. He has the most handsome face I ever seen.

Makita ko pa kaya siya uli?

Hindi ako naniniwala sa destiny. But maybe this time, pwede na.

"You seem happy..."

Lie To MeWhere stories live. Discover now