Chapter 4

22 11 1
                                    

Dedicated to;ashiiWoo

Maaga pa ay nagising na ako. Agad kong naramadaman ang sakit galing saaking likod. Sumasabay din ang malalim kong paghinga.

Mabuti nalang at linggo ngayon kung hindi ay  paniguradong hindi ako makakapasok sa class.

Tumayo ako ng pilit. Kahit maaga pa ay bumaba na ako at naghanap sa kitchen ng pwedeng kainin. Ginugutom ako. Mabuti at mayroon doong ready to eat  noodles, pwede nang pag tsagaan. Siguradong tulog pa sina manang,dahil masyado pang maaga.

Habang kumakain naalala ko nanaman ang ginawang pag hatid saamin ni Gavin.  Hinatid nya kami dito sa bahay, Pinaalalahanan nya ako ng marami pagkatapos  ay  nagpaiwan ang dalawa  dito, dumating pa ang iba naming kaibigan para manga-musta Kaya gabi narin akong nakatulog.

Naligo at nagbihis ako ng maaga. Naisip kong kahit sumasakit ang balikat ko ay pupunta parin ako sa gym nya. Hindi ako mag g-gym, ang gagawin konalang muna ay dadalhan sya ng breakfast at magpapasalamat narin sa tulong nya kahapon. Gusto Kong ayain ang mga kaibigan ko pero alam kong ngayon ay wala na akong idadahilan at Alam kong pipigilan Lang nila ako. Kaya ako nalang muna.

"Hello" sagot ko sa tumatawag na si Riva  . Nandito na ako sa  24/7 cafeteria at nag iintay ng inoorder kong pagkain para kay Gavin.

"Hello den!" Maligayang sabi nya sa kabilang linya.

"Yes. It's me why?" Tanong ko tsaka tumayo ng marinig na tintawag  ang pangalan ko para makuha ang inorder.

"  Nothing. Gusto Sana kitang ayain mag night out. But suddenly I remember na Hindi ka nga pa okay" sabay halakhak nito.

"Then why are you calling me right now then?" Sarkastikong sabi ko.

"Nothing. Tinignan kolang kung  tatanggi ka"  tumawa ulit sya naparang may naresolba syang lunas.

"Try your butt! Of course pupunta ako! Kahit hindi mo ako imbitahin!" Sabi ko at pinatay ang tawag. Ang aga aga ini- stress ako ng babaeng yon.

Pagkahuha  ng order ay lumabas na rin agad ako. Mejo natagalan dahil bumati pa ang isang kaibigan at nangumusta . Pagkatapos makipag usap  ay pumara  ako ng taxi papuntang gym nya. Hindi ako pinayagang gamitin ang kotse ko. Sinabi kasi ni manang kung anong nangyari saakin kaya pinagbawalan akong magmaneho. Kahit nga lumabas pero  nakatakas ako.

Gusto kong magmura ng makitang tumatagal ako dahil sa traffic. Nakailang tawag narin ang mga kaibigan ko  ngunit kahit kaunti ay hindi umuusad ang traffic.

"Manong ano po bang mayroon? Wala na po bang mas madaling daan?" Inip na Sabi ko sa driver.

" Ah. Mayroon kasing candidacy para sa  election kaya natagalan. Mas lalong bumagal kumpara noong nakaraan "

Napahilamos nalang ako ng muka at nasabi sa sariling Wala talaga akong magagawa. Sana lang ay kapag dumating ako Doon ay hindi pa siya nag be- breakfast.

Lumipas ang halos mag kakalahating oras ay umusad narin ang trapiko. Ni Hindi ko magawang magpasalamat dahil init na init na ako at paniguradong malamig na itong binili ko. Nang sawakas ay nakarating narin ay agad akong lumabas bitbit ang binili.

"Salamat po!" Sabi ko sa driver tsaka nagmadaling pumasok sa looban. Naabutan kong mejo marami naring tao sa kanyang gym pero hindi ko sya Makita.

"Beth! Nakita mo ba si Gavin?" Tanong ko sa isang close friend ko na nakakasabay ko paminsan minsan mag gym.

" Ah? Yung mag ari nito?" Sabay turo nya  kinatatayuan namin " Hmm.. parang napansin ko nga sya kanina don sa may office. Diko lang Alam kung lumabas na and... Hindi ka ba mag g-gym?" Sabi nya sabay ngisi saakin. Ngumiti ako pabalik at sinenyasan na aalis na ako. Ni hindi ko sinagot ang tanong nya.

Right Time wrong Identity (COMPLETED)Where stories live. Discover now