Chapter 8

9 8 0
                                    

Dedicated to;Aoi_Hana7

Galit na galit ang muka nya ng tumingin saakin. Gulat parin ang mga tao sa ginawa ko. Habang ako hindi manlang kinabahan. After she insulted me? No way. Umiyak muna sya ng bato.

Hinihila na ako ng mga kaibigan ko pero hindi ako nagpadala. I want to see her dump face! Hindi mo ako kilala.

And suddenly I remember her. Sya yong babaeng tinutulungan nya noong araw din na nabagsakan ang braso ko. The girl hitting his attention and... Girlfriend?

Tumawa nalang ako sa kirot na naramdaman pagkatapos hinagis  ang papel na baso. Bitch!

"Deserve" Sabi ko nalang bago sana tumalikod kung hindi kolang narinig ang pamilyar na boses.

"What the hell happened?!" Sigaw ng pamilyar na boses ng lalaki. Humarap ako ng maayos at nakita si Gavin. Aligaga syang lumapit sa babae. Tinulungan nya itong tumayo. Umiiyak parin ang babae pero hindi  ako natakot. Kinabahan ako dahil dumating sya. ... At Hindi para saakin.

Iyak ng babae ang narinig ko. Pilit nyang tinuro ako. Habang ako nakatayo lang at pinagmamasdan sila. Alam kong kitang Kita na sa mga mata ko Kung paano lumandas ang kaba. Pero nanatili ako sa harap nila. Pagkatayo ng babae ay tumingin saakin si Gavin. Masamang tingin ang binigay nya.

Hindi ko na inintindi yon dahil tumalikod na sila akay akay ang babae. Para akong tangang nakatayo lang doon. Tinatapik tapik ng mga kaibigan ko. Tinitignan ng mga tao.

"Let's go" Sabi ni Jiro saakin. Sumunod ako sakanila. Tinanong nila kung ayos lang ako. Kung may masakit saakin at kung napano ako. Hindi ko alam kung tatango o iiling ba ako kaya pinili ko nalang ngumiti. Binayaran din nila ang naabala. Wala iyon sa isip ko. Ang tanging bumungkal sa isip ko ay sya at yong babae.

The way he holds the girl. Kung paano nya aluin ang babae at bigyan ako nang masamang tingin  na parang ako ang lahat ng may kasalanan. Well yeah. Ako naman talaga. Ikaw naman talaga Denden.

Sumakit ang puso ko sa isiping yon. Akala ko talaga pwede kami. Kung anong tapang ko kanina ay syang hina ko pagdating sa kanya.

Palabas kami ng cafeteria ng matanaw ko si Gavin. Agad akong tinabihan ng mga kaibigan ko. They we're here probably to be my armor incase na may gawin sya. But .. can he do it? Kaya nyang manakit ng tao?

Dederetso nalang sana kami ng tawagin nya ang pangalan ko. Nangatal ako at biglaang sinalinan ng kaba. Para akong elementaryang iniintay ng kaaway nya  sa labasan ng eskwela. 

Hawak hawak ako ni Aldi at Keli sa braso habang ang iba naman ay nasa unahan at likudan namin. Ayoko sanang magsalita pero tinawag nya ulit ako. This time mariin na ang pagkakasabi nya. 

Huminga ako ng malamim at tinignan ang mga kaibigan ko.

"Mauna na kayo. I'm fine here." Sabi ko tsaka nginitian sila Isa Isa maging si Aldi at Keli na halos ayaw ng bumitaw saakin.

"Are you sure?" Tanong ni Jiro

"Yes..tsaka kaya ko ng mag drive, no need to worry " ngiti kong muli. Sa kabilang banda nakikita kong nakatayo si Gavin. Nakapamulsa. Nag iintay.

" I'll drive you home" biglang sabi ni Riva kaya napatingin ako sa kanya. Hawak na nya ang susi ng kotse ko.

"No need-"

"No. Hindi naman ako makikinig, I'll just wait inside your car"

"Okay" Sabi ko nalang kaysa matagalan pa at makipagtalo.

"Just call. Pag kailangan mo kami" si Keli. Tumango ako at ngumiti. Bumaling sya kay Gavin  at tinapik ang balikat nito tsaka sabay sabay silang tumalikod. Kasama si Riva.

Right Time wrong Identity (COMPLETED)Where stories live. Discover now