Chapter 5

14 7 0
                                    

Dedicated to;NEVERDREAMYOU

Ilang araw akong nagpabalik balik sa gym nya. Kahit busy ako sa school hindi ko nakakalimutang dumaan o dalhan manlang sya ng pagkain. Ngunit sa loob ng mga araw nayon ay  hindi ko manlang sya makita. Hindi ko alam kung sadyang busy kami pareho o iniiwasan nya ako.

Katatapos lang ng klase ko para sa araw na ito, Kaya naisipan kong puntahan ulit sya kahit hindi ko sya naabutan. Sana naman ngayon maabutan ko sya.Wala akong kasama dahil alam kong pagsasabihan nanaman nila ako kung pupunta ako para sa kanya at Wala akong mapupura.

Dala dala ang plastic ng 24/7 cafe na naglalaman ng lunch para sa kanya. Dumeretso ako papasok sa gym. Kakaunti ang tao ngayon kumpara nung mga nakaraang araw.

"Den!" Bati saakin ni Clark  yung instructor

"CL" bati ko sa kanya habang nagmamasid sa paligid. Umaasa na sana ay naandon sya.

"Ah! Alam kona kung bakit ka ulit nandito! Hinahanap mo si Sir Gavin no?" Panunukso nya saakin na para bang sanay na sanay na sya.

"Oo andyan ba sya?" Sabi ko tsaka tumawa. Hindi inalala ang malakas ang pagkakasabi nya. it's okay mabilis pa sa sikat ng araw ang chismis kaya hindi na ako magtataka.

Ang kaninang makahulugan at mapanuksong muka nya ay lumamlam.

"Wala. Kakaalis lang nya e" mahinang pagkakasabi nya.

Para akong tangang muli na ngumiti at naunang sabihan ang sarili na ayos lang mayroon pang bukas.

Right. He's not here AGAIN.

"Ah. Ganon ba? Sayang naman tong dala ko" Sabi ko ng hindi maiiwasang ipakita ang pait sa muka.

How many times do I have to tell myself na ayos lang ? Hindi ko na mabilang. Palagi kong sinasabi na ayos.. baka nagkataon Lang. It is hard to admit but I'm hurting....damn much. Yung tipong kahit wala syang nararamdaman sa mga ginagawa ko..ako yung nagdaramdam.nakamatampo.

"Ah. Kumain kana ba? Sayo nalang to " Sabi ko sabay abot ng pagkain at talikod. Kinaway ko ang kamay ko ng gulat syang nagpasalamat.

Lumabas ako at deresong  pinara ang taxing dumaan. Pagkapasok ko palang ay ramdam ko na agad ang pagod. Nasasaktan ako pero may parte sa katawan kong sumasakit. Hindi ko Lang alam kung ano. Dahil mejo mabuti nanaman ang balikat ko.

Ilang minuto ay nakarating ako sa bahay. Maingay dahil siguro nandoon nanaman ang mga kaibigan ko. At siguro ngayon alam na nilang hindi agad ako umuwi kanina nung magpaalam ako sa kanila.

"O! Den! We thought na nakauwi kana?" Bungad saakin ni Riva. Nakaupo sila sa sala habang bukas ang tV. Lumingon ang si keli at alia  tsaka  bumeso. Umupo ako sa isahang sofa at kumuha ng chips na nakahanda sa lamesa.

"What are you all doing here?" Tanong ko sa kanila. Parang kahapon lang kasi ay naandito silang lahat. At hindi ako magtataka Kung gawin nilang play ground ang bahay namin dahil welcome naman silang lahat. Sanay na ang mga ito.  Actually kulang pa sila nyan.

"Hello! Welcome kaya kami sabi ni tita!" Sabi naman ni Aldi na galing kitchen. May hawak syang malaking bowl. Maylaman ding chips.

Umirap ako at hinigit ang dala dala nya. Nagreklamo sya pero hindi ko pinansin.Napapagod ako pero hindi ko pwedeng iwan nalang ang mga kaibigan ko dito para makapag mukmok sa kwarto.

"By the way, where have you been? Bat na late kang umuwi?" Tanong ni keli. Nanunukso.

"Same place" kibit balikat ko. Ayokong pag usapan.

Right Time wrong Identity (COMPLETED)Where stories live. Discover now