Chapter 2

130 6 18
                                    

"Libre mo 'ko icecream Aki." I showed her my full smile. Yung ngiti na parang siopao ang pisngi at nakapikit ang mata.


Kala mo di ako inaway kanina e.


"Ulol, di mo ako mauuto sa ganyan. Manlilibre si Ulap mamaya  tapos kakain ka pa, sayang libre tol. Bilis mo pa man din mabusog."


Nadamay nanaman yung mabilis ako mabusog, nagpapalibre lang e.


"Sige tol, sabi mo e," I replied mimicking her voice.


Di na ako pinansin nito at pumasok sa loob ng restaurant. Sumunod naman ako sakanya at pumunta sa garden para umupo sa swing.  Puno kasi sa loob at maingay kaya dito ako sa garden dumiretsyo.


Grill Cuisines is a well-known restaurant not only in Baguio but also in other parts of the country. They have branches in seven different cities, including Makati and Laguna. Madami pa pero Makati at Laguna lang ang naaalala ko dahil yun palang ang branches nila na napuntahan ko.


This is the first branch, as well as the main branch since Tita and Tito decided to stay here in Baguio permanently. Kaya ko rin nakilala si Aki nung Grade 1. 


Lumapit naman sa akin si Aki at nakasunod dito si Tita Alexa.


"Magd-dinner lang kami sa labas nila Lia. Punta ako dito pagkatapos, sabay na tayong umuwi ha?"


"Kailangan mo ba ng pera?" tanong ni Tita. "No. May ipon ako galing sa allownace ko Ma. Besides, libre ni Cloud." Napangiti naman si Tita at hinalikan si Aki sa pisngi.


Lumapit ako at humalik na rin sa pisngi nito. "Ibabalik ko po anak niyo mamaya Tita," pagpapaalam ko na tinawanan naman ni Tita. "Sige na, mag-ingat ha?" Nginitian namin ito at umalis na.


Iniwan na rin muna namin sa restaurant yung bag namin dahil hassle lang buhatin pa.


Binabangga-bangga ko si Aki sa balikat habang naglalakad kami pataas ng session road ng biglang may humintong sasakyan sa harapan namin. Pagkabukas ng bintana sa front seat ay bumungad samin si Harvey na hindi na naka uniform.


"Pupunta kayo ng Samgyupsalamat?"


Tumango naman kami ng sabay ni Aki. "Sakay na kayo, doon rin ang punta ko. Kaso aalis rin ako kaagad, magbibigay lang ng regalo kay Ulap."


Aki and I looked at each other and then hopped in the backseat.


"Hi Kuya Samuel!" masiglang bungad ko pagkasakay.


"Uy, Amelia. Ngayon na lang kita ulit nakita ah?" sagot nito habang nakafocus sa pagmamaneho.


"Busy po kasi yang katabi niyo sa mga chikababes niya Kuya. Kinalimutan na ako, ganyan yan Kuya e, pagkatapos ako gamitin!" naglungkot-lungkutan pa ako na tinawanan lang ni Harvey.

Waves of AnguishWhere stories live. Discover now