Chapter 6

85 3 1
                                    

After the breakfast in Mcdo, hindi na kami nagpansinan ni Jasper. Actually, ako lang pala ang hindi namansin. Iniwasan ko na kasi siya at napansin niya rin siguro kaya hindi na siya nagtangkang mangulit pa.

Di na rin naman siya nakakasama sa mga gala namin dahil kay Gabriela. Nagsimula na silang magtampo so I wanted to tell the girls it was because of me. Di kasi ako pupunta tuwing malalaman kong pupunta siya. Hindi siguro nila halata kasi sanay naman kaming hindi kami nabubuo.

Ngayon, nasa gym kaming junior high dahil may mga ginawang booths ang senior high. Majority of the booths were for snacks. With most, selling sweets and a few, selling savory items such as sandwiches and tacos.

May mga booths rin for games and services. Ang alam ko tatlo yung booths for services. Anonymous letter, marriage booth and jail booth. Lastly, the band is playing on the stage pero pati raw sila ay pwedeng ipunta sa marriage booth at jail booth. All in all, ang gulo ng gym pero masaya naman.

Nakaikot na kami nima Aki kanina. I just bought waffles and fries. Di ko kasi trip kumain ng matamis dahil puro 'yon na ang kinakain ko sa bahay. Students were arranged by section kaya naman may specific place lang kung saan pwedeng umupo ang bawat section.

I smiled when I saw Anne going to our direction, mukhang may hinahanap. "Alam niyo ba kung nasaan si Cloud?" nahihiyang tanong niya. She was not wearing her glasses. Pansin ko rin na mahigpit ang hawak nito sa sling bag niya. Nahihiya talaga siguro lalo na't tungkol kay Cloud ang itinanong nito.

Napatikhim naman si Freya ng walang magsalita sa amin. I smiled at her and pointed at the stage. "Hindi ba nasabi sayo ni Cloud na tutugtog sila ngayon?"

Napakunot ang noo nito tapos bigla nalang nanlaki ang mata. "Oh.. Sorry, baka nasabi niya na. Masyado lang siguro akong occupied," sinundan niya ito ng mahinang tawa bago umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Athena.

I already asked them kung pwede silang magsleepover sa bahay. Nakaalis na kasi sila Mama nuong wednesday pa kaya mag-isa ko lang nanaman sa bahay. Aki and the boys agreed right away, but the girls said they'd check with their parents first.

Sabi ko, sabihan nalang nila ako kasi pwede ko naman silang ipaalam. Sasamahan ko lang si Aki umuwi sakanila bago kami sabay na pupunta ng bahay. Yung iba naman susunod nalang daw.

After lunch, we decided to roam around again. Hinila ako nila Athena sa booth na nagtitinda ng mga personalized keychains. I saw a couple keychain, sundae and fries. I asked if I can buy it pero kailangan daw magsama ng boyfriend.

Tangina??? Gusto ko lang naman ng keychain pero hinanapan ako ng jowa. Why naman gano'n?

I pouted and then thanked them. Wala po akong jowa, may iba po kasing hinaharot e.

Wait, hilain ko na agad sa marriage booth para wala ng angal.

Nagpahila nalang ako kila Athena. Nung makita kami ni Cloud sa may harapan ng stage ay kumaway ito. Kinawayan lang namin ito at sinabing galingan niya lang sa pag gigitara gamit ng mga kamay namin. Di ko alam kung naintindihan niya 'yon pero tumango naman siya.

Pagbalik namin, nakaupo pa rin si Anne sa kung saan siya umupo kanina. I gave her a piece of the chocolate brownie I bought on our way back. Kinuha naman niya 'yun at nagpasalamat.

I got busy with my phone. Ka-chat ko kasi si Harvey na wala nanaman dito. Baka kasama sila Storm.

@ferrero.arvi:

Nasa jail booth ako :))

@itsmeamelia:

Nagbabantay ka?

Waves of AnguishWhere stories live. Discover now