Chapter 4

90 7 14
                                    

"Amelia Solana Hope, are you listening to me?"

Napatingin ako rito. "Yes, Mom?"

"Are you tired? You're spacing out," sabi nito bago mag-abot ng baso na may tubig.

Ininom ko ito bago ngumiti sakanya. "No Mom, may naisip lang bigla. Ano nga ulit 'yun?"

Nasa may sala kami at nakaindian seat ako sa mahabang sofa. May yakap rin akong unan. She sat infront of me while sipping her tea. Naka ternong sando at pajama ito while I'm wearing my usual night attire. Silk pajamas, yung short sleeves at shorts. Ayoko nung mahaba eh, masyado akong naiinitan tuwing madaling araw. I'm also wearing my cat hairband.

"I was talking about you being sick, Amy," saad nito sa seryosong paraan. Pag health talaga, sobrang strikto niya. Bawal magkasakit at baka ipadala ka sa ospital, Solana.

"I'm fine now Mom. Hindi lang po talaga ako makatulog these past few days," pagdadahilan ko.

"Is it because of me and y our dad?" I couldn't reply immediately, quite stunned at her straightforwardness. "Partly," pag-amin ko.

She looked hurt kaya tinabihan ko ito at yinakap. "It's not your fault, Mom. I don't blame you nor Dad."

"I'm sorry anak. Nagkakasabayan lang talaga kami ng Daddy mo. We're fine, parehong pagod lang." I smiled at her, glad and relieved that they're okay. "It's okay Mom. Naiintindihan ko naman po. Don't worry about me, I'm alright."



She gave me a hug before standing up. May kukunin lang daw ito sa bag niya na nasa dining table. Sumunod ako dahil parang gusto kong kumain ng yema cake. Kumuha ako ng isa sa ref. Inayos na kasi ni Manang, kaya nasa ref na. I also got two fork before going back to the living room.

Ibinaba ko sa center table yung mga hawak ko bago kumuha ng unan at linagay sa floor. I sat there and started to eat my yema cake while waiting for her. Ginaya niya ako at umupo rin sa floor.

We looked like sisters having random night bondings.

Tinikman ni Mama yung kinakain ko ng makitang sarap na sarap ako rito. "Hmm, this tastes good!" Mom exclaimed and took another bite.I proudly looked at her, favorite ko kaya syempre masarap talaga.

Napansin ko naman ang envelope na nasa may kabilang side ng table. Napansin niya ang pagtingin ko doon kaya iniabot niya na sa akin. Excited ko naman itong binuksan. It's the invitation for Dahlia's birthday party! Nanlaki ang mata ko at tumingin pabalik sakaniya.

I know you badly want to organize her birthday party so I'm letting you do it."

"Thank you! I'll do my best!" napayakap pa ulit ako rito bago tignan ulit ang invitation. The envelope is in pink pastel lightly covered with dark pink glitters. Cute!

"I'll be leaving the country next wednesday, baka isang linggo rin ako doon. Manang and Dahlia will visit your Lola in Manila so sabay-sabay na kaming aalis at uuwi."

Gusto ko rin sanang sumama pero may klase kaya alam kong hindi ako papayagan. Si Daddy nasa business meeting sa Singapore, kakaalis lang nito bago ako pumasok sa klase. Di ko alam pero sabi naman ni Mama, isang buwan raw ito doon so I guess I'll be by myself when Mom leaves.

My Dad, Timothy Grey Velasquez is a renowned businessman. He owns the Urban Galleria Malls that has been dominating the country ever since its grand launch. So far tatlo palang ang branches nito. One in Manila, Makati and Pasig.

"If you want, you can bring your friends here. Just don't drink and smoke," napangiti naman ako sa sinabi nito. "My friends doesn't smoke. Umiinom ang mga iyon pero pag kasama lang ang family so you don't have to worry!" pagk-kwento ko na mukhang ikinapanatag naman niya.

Waves of AnguishOù les histoires vivent. Découvrez maintenant