Chapter 5

71 6 11
                                    

Nasa classroom na ulit kami ngayon. Kakatapos lang ng recess at sa classroom na kami nagpractice dahil tapos na ang assigned time namin sa taas. Mamayang hapon ulit.

Nagp-practice na yung dance at music team sa may hallway. Kaming mga members ng sabayang pagbigkas pati mga speakers ay na sa loob ng room. Gusto ko ngang lumabas dahil emcee si Jasper at ayokong nakikita siya.

"Lia, anong drama 'yan? Bakit tayo nakatulala ateng?" Napatingin naman ako dito.

Gusto ko magexplain pero walang lumabas sa bibig ko kaya nagpatuloy nalang ako sa pagp-paint ng backdrop for the performance task. Ang ingay. Nagp-practice kasi ang emcees at speakers ng mga parts nila at nagsasabay ang pagkanta ng music team sa tugtog ng dance team.

"Nakatulog ka naman?" bulong sa akin ni Aki. I just nodded at her, not in the mood to talk. Baka kasi ay masungitan ko pa ito. 

I don't like snapping at people for no reason. It's rude and out of place. 

Sensing that I wasn't in the mood to talk, tumayo na ito at bumalik sa mga kagrupo niya dahil sa video editing siya assigned. Nagpractice rin kaming sabayang pagbigkas ng ilang beses. Pagkatapos ay bumalik na ulit sa pagpinta ang iba sa amin.

"Guys, lunch na kayo. Be back on time, titignan daw ng teachers kung hanggang saan na napractice natin," anunsyo ni Freya. 

Nag-ingay naman sila at nagsilisan na.  May ibang hindi umalis, katulad nila Athena na nage-edit pa rin at mga emcees na nagpatuloy lang sa pageensayo ng mga linya nila.

"Hugas lang ako ng kamay," paalam ko kay Aki na inaaya na akong kumain. 

Pagkatayo ay nabangga ako kaya natapon sakin yung hawak kong paint. Napasigaw naman si Blythe na di siguro ako napansin. "Hala sorry!" Kumuha pa ito ng tissue at pinunsan yung shirt ko. I kept on telling her it's fine pero sorry pa rin ito ng sorry.

Inakay na ako ni Aki papuntang comfort room. Di ko na binasa ng tubig yung shirt ko kasi baka mas lalo lang kumalat. Pinunasan ko nalang ng tissue pero nagstain na talaga. Bright yellow pa man din, hays. Naghugas na rin ako ng kamay pati braso kasi natapunan rin. 

Pagbalik ng room ay linapitan ako nila Cloud. "Wait here, I'll buy you a new shirt, nakalimutan ko yung bag para sainyo," tukoy nito doon sa extrang damit na para sa amin.

"Wag na Cloud, gagastos ka pa. Kaya ko naman tiisin, patuyuin nalang siguro," pagtanggi ko rito. Gagastos nanaman kasi ito. 

Napaangat ako ng ulo ng marinig ko ang boses ni Jasper. "I have an extra PE shirt in my locker. Yun nalang muna ang gamitin mo."

All of them looked shocked. Di ko na pinansin at sumunod na lamang kay Jasper na naglakad palabas ng room. Inabot niya sa akin ang PE uniform niya. "Thank you," I awkwardly said.

Nagkasagutan kami kanina tapos ganito siya ngayon, nakakainis. "Stop being clumsy, isa lang extra kong shirt," ani nito bago umalis sa harapan ko. 

I stared at his shirt for a few seconds before unconsciously smelling it. It smells like him. May pabango niya ba 'to o sadyang ganito lang talaga amoy ng fabric softener nila?

Bango naman. I shook my head. Ano ba 'yang mga naiisip mo, Solana.

Dumiretsyo na ako sa comfort room at nagpalit. Masyado siyang malaki para sa akin pero dahil nakatuck in naman ay parang oversized shirt lang. I kept on staring at myself in the mirror. Nakakainis na naiirita ako sakanya pero kinikilig ako ngayon.

Ang rupok. Ang rupok-rupok talaga.

Paglabas ko ay nakasandal ulit siya sa pader. "Favorite spot mo ba 'yan?" sarkastikong sabi ko. He chuckled and looked at me. "Kung ikaw lagi ang makikita ko, sige pagiisipan ko."

Waves of AnguishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon