DRUNK JENLISA (M)

2.2K 34 4
                                        

WARNING: MATURED CONTENTS ‼️‼️

RATED : 🔞

CHAPTER 23

--

Lisa's POV

Nagluluto na si Jennie ng ramen sa kusina ng magpunta ko sa cr nila para magpalit ng damit. Basang basa ang damit ko at undergarments ko kaya giniginaw ako ngayon. Pinasabit sa akin muna ni Jennie ang mga ito at bukas daw ay ipapadry nya sa basement ng condo unit.

Lumabas na ko ng cr at nakita ko syang nilalagay sa mangkok ang nilutong ramen. Ng makita nya ako ay sinabihan nya kong pumwesto na sa lamesa. Hinain nya ang kanyang niluto kasama ng isang basong tubig.

Isa ito sa mga ugaling nagustuhan ko kay Jennie kahit noon pa lang, masyado syang maalaga at mapagmahal. Siguro umiral lang sa amin noon ang "Right love, at the wrong time."

"Salamat dito, Jennie." saad ko.

"No problem, kumain ka na dyan." - Jennie

"Eh, ikaw?" - Lisa

"Kukuha ako ng yoghurt sa ref, mabubusog na ko dun." - Jennie

Tumayo naman sya at kumuha ng yoghurt sa ref ng makita kong may mga bote sya ng soju sa loob nito.

" Inom tayo pagtapos kong kumain, ayos lang ba sayo?" tanong ko sa kanya.

"Great idea. Bilisan mo na dyan. HAHAHA." - Jennie

Agad ko namang inubos ang hinanda nitong ramen, at nakita kong nagluto sya ng pwede naming gawing pulutan. Naglabas din sya ng chips at fruits para pwede isabay sa soju.

Pagkatapos ko ay hinugasan ko na ang kinainan ko. Sinundan ako ni Jennie doon at sinabing sana di ko na ginawa. Agad naman nya kong kinalabit at sinabing pumunta na sa sala kasi nakahanda na ang soju sa mesa.

Pumunta na rin ako pagtapos ko sa ginawa ko sa lababo, at umupo sa couch. Naalala ko na naman ang panahon nung binigay ko ang teddy bear na nakadisplay malapit sa tv niya.

"Oh, ikaw na." - Jennie

"Tapos ka na agad?" pagtataka ko. Tumango lang sya at natawa sa reaksyon ko.

Napakaganda mo talaga Jennie. Sobrang ganda mo.

Napag-usapan naming dalawa kanina ang naging asal ni Kai, at agad akong natawa sa paninira nito sa tao. Kesyo mayabang daw, pero batugan naman. Kaya kahit kailan daw ay di nya to magagawang tanggapin sa buhay nya.

Lumalalim ang gabi at apat na soju na ang nauubos namin ng nakita ko si Jennie na lasing na lasing na. Lasing na rin naman ako pero alam ko pa ang ginagawa ko. Nililigpit ko na paisa isa lahat ng ginamit namin rito sa inuman ng makita ko syang tumayo at umupo sa couch na malapit sa pwesto ko.

"Ayos ka lang ba?" pagtatanong ko sa kanya.

Tumango lang sya at tumawa ng malakas na syang kinagulat ko. Dinala ko na din sa lababo ang apat ng bote ng soju at ng makabalik ako ay umupo ako sa tabi nya. Nakapikit lang ito at naka-angat ang isang kamay sa ulo. Tinitignan ko lang sya, tinititigan. Walang pinagbago, ikaw talaga si Jennie. Ang ganda ganda mo pa din mahal ko.

Akmang tatayo na sana ko ng tumayo at umupo sya sa lap ko. Nagulat ako sa ginawa ni Jennie pero hindi ako makaalis sa bigat nito.

"Teka, Jennie! Tatayo ako, umalis ka dyan!" pamimilit ko rito.

Pero imbis na umalis sya ay nilapit nya ang mukha nya sa akin at nagsalita.

"Lisa, sana mapatawad mo ako sa ginawa ko noon. Mahal kita, mahal na mahal."

It's Started In The Rain. || JENLISA (g!p)Место, где живут истории. Откройте их для себя