JenLisa's WEDDING RECEPTION

613 10 4
                                        

CHAPTER 102

--

Lisa's POV

"Mommy, mag ingat kayo papunta sa hotel okay? Kita na lang tayo doon." Saad ko kay Mommy and Daddy na kasalukuyang kumakaway mula sa sasakyan dahil papunta na sila sa reception ng kasal. Kasama rin nila sa loob ng sasakyan ang kanilang mga balae na magulang ni Jennie.

"Ingat po kayo ha." Dagdag naman ni Jennie sa kanila at kumaway na rin ito.

Natira na lang kami ng Top's Squad at squad ni Jennie rito sa labas ng simbahan at pinapanatili pa din ng mga securities ang pasensya at matinding siguridad sa loob. Sandamakmak pa din kasi ang media at coverage sa labas ng simbahan kaya hindi nila pwedeng basta na lang kami iwanan.

Habang tinatanggal ko ang necktie ko at habanh kausap ang squad ay may isang lumapit na security officer sa akin.

"Good afternoon, Ms. Manoban." Agad na saad nito sa akin at sumaludo. Lumapit naman ang ibang myembro ng Top's dahil baka may hindi magandang nangyari at para makinig.

"May naghahanap po sa inyo." Dugtong nito.

"Sino daw?" Agad na tanong ko sa kanya.

"Dalawang katulong daw po ni Ms. Kim. Hindi po si Mrs. Manoban ha, yung CEO daw po." Saad nito sa akin sabay turo kay Jisoo na kasalukuyang nakatingin sa kanya.

"Sige, nasaan ba sila?" Agad kong tanong dito at umalis na siya para puntahan ang dalawang taong sinasabi nito.

"Sino yun honey?" Pagtatanong sa akin ni Jennie habang nakahawak sa braso ko.

"Papakilala ko sayo." Sagot ko sa kanya at sabay kindat rito.

Maya maya lang ay dumarating na ang dalawang babae na tinutukoy ng security kanina.

"Oh, HyeBin at Nayun? Ano ginagawa nyo dito?" Agad na bungad sa kanila ni Jisoo.

"Hello po Ms. Kim. Hello po sa inyong lahat. Hello din po Mrs. Manoban, and Ms. Manoban." Agad na bati ng mga ito at nagbow sa amin.

"Gusto lang po namin ibigay ito." - HyeBin

"Ano to? Bakit nag abala pa kayo?" Pagtatanong ko naman sa kanila.

"Gusto lang po namin magbigay ng maliit na regalo dahil sa kasal niyo ni Ma'am Jennie. Tsaka bilang pasasalamat na din sa binigay nyong scholarship sa amin." Saad ni Nayun habang inaabot ang isang box.

"So, honey? Sila yun?" - Jennie

"Yes hon, sila yung mga helpers ni Jisoo na binigyan ko ng scholarship, sabi ko naman sayo papakilala ko sila di'ba?" Ngiting sagot ko kay Jennie.

Agad silang binigyan ng mahihigpit na yakap ni Jennie at nagpasalamat ito sa regalong inabot sa amin ng dalawang bata.

"Wala pa po yan sa lahat ng tulong na binigay ni Ms. Manoban sa amin." Saad ni HyeBin sa amin.

"Hindi naman ako naghahangad ng kapalit girls, gusto ko lang mag aral kayong mabuti para sa pamilya niyo. Yun lang."

"Maraming salamat po uli ng marami sa inyo Ms. Manoban ha. Mauuna na po kami, congratulations po!" Saad ng dalawang bata sa amin at paalis na sana sila ng pinigilan sila ni Jennie.

"Sumama kayo sa reception, kila Manang Sylvia na lang kayo maki table. Ipapahatid ko kayo sa driver." - Jennie

"Ha? Ano po?" Pagtatakang tanong ng dalawang bata.

It's Started In The Rain. || JENLISA (g!p)Место, где живут истории. Откройте их для себя