CLUE 9

94 4 0
                                    

NOTIFICATION

Coco


"Tangina mo Spencer!"

"Gago bakit bigla-bigla kang nanununtok?!"

"Tang ina mo ulit!" Sinapak ko ulit.

"Aba't-"

"Tama na nga 'yan, bardagulan na naman kayong dalawa d'yan!" Pinaghiwalay kami ni Al. At kung hindi nya pa ako nalayo baka naiumpog ko ang gagong Spencer sa kalsada!

"Ilang beses ko bang sasabihin sayong hindi ko alam kung nasan si Ren?. Kung alam ko matagal ko na s'yang pinuntahan!"

I raised my middle finger to the bastard, na agad tinampal ni Al.

"Pucha teka nga, magsusuntukan na naman kayong dalawa e!" Umamba ako ng suntok. At lumapit ulit sa gago.

"Kingina naman, tulungan n'yo nga akong ipaglayo 'tong dalawa! Hawakan nyo sa tenga! Bilis!" Pinagtatawag ni Al lahat ng agents.

Pinataob ko ang isang agent at siniko yung isa na balak akong hawakan mula sa likod. "'Wag n'yo akong hawakan,"

"Boss pwede ba?! Huminga ka muna! Wala kayong ibang ginawa sa loob ng isang buwan kundi mag-bugbugan! Araw-araw may bago kayong mga pasa! Ano 'to, parang pimples ko nung highschool, nanganganak?!"

I heavily breathed. I can't calm down. Hindi ko alam kung nasaan si Ren, sinong hindi mababaliw? Anong silbi ng kumpanya ko kung siya mismo hindi ko mahanap?! Kung tutuosin kaya kong pumatay.. Hindi ako magdadalawang isip.

"Alam ko tumatakbo sa isip mo boss. Kaya ngayon palang sinasabi ko sayo na hindi pa 'to ang tamang oras. May back up yung Trisha, politics. Plus, she's related on our mortal enemy. Alam mo namang nagsisimula palang kompanya natin. Hindi kakayanin kapag pinilit. Give our company time to expand and have connections. Our agents are still under trainings. Iilan palang tayong sanay sa field."

I clicked my tongue inside my mouth. "Alam ko Al. Hindi pa panahon.. Walang ititigil sa pag ambush ng illegal transactions nila." Nagsindi ako ng sigarilyo.

"Pang-ilang stick mo na 'yan ah, akala ko ba tinigil mo na 'yan. Penge nga ako." Basta nya nalang hinablot ang kaha ng sigarilong hawak ko at nagsindi ng kanya.

"Stress ka siguro ng sobra. Naninigarilyo ka lang naman kapag may problema. Eh, diba tinigil mo paninigarilyo dahil sa health issues ni Ren?! Wag mong sabihing nagbalik loob ka dahil din sakanya?!"

"Tsk. Tatlong stick lang, last na 'to. Oh, sayo na." Sinalpak ko sa dibdib nya ang kaha ng sigarilyo pati na ang lighter. Mahina siyang umaray pero tinanggap pa rin.

"Thank you boob- ehem!" He cleared his throat. Pinisil-pisil pa ang lalamunan na parang may bara. "-Boss!" Iritado akong umalis. Bastos talaga lumalabas sa bibig ng taong 'yun.

"Another death threat boss. Pinadala kanina ng isang parcel driver. Confirmed ticking bomb nung binuksan namin."

Inabot sakin yung box. It's a black box with glitters na kung normal ang titingin mukhang pinagkagastusang regalo. But when I opened. It was difused last two minutes before it explodes. Hindi na ako nagulat, nung isang linggo baril na merong nag- iisang bala ang natanggap namin. It's normal.

The real questions is.. If they kidnapped Ren. Why would waste time sending this fucking death threats?

"Investigate the driver kung kasabwat. Shoot to kill kapag may kinalaman dito. Protect if proven innocent." My agent salute to me before leaving. I just nod to dismiss him.

Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa. I think it's either she loss her phone or she's a fucking genius to turn off her phone and just abandon it. We can't truck her down. Tinitigan ko nang matagal ang halos lampas na ng isang buwan huling palitan namin ng messages.

Ito na e, kung kelan.. tangina naman! Tagal kong hinintay 'to.

Ren.. I hope your safe. Stay there, I'll find you again.

I stared at my phone for a while.. until a notification suddenly pop up. Nanlaki ang mata ko sa nakita! Shit.

---

The Life of a Secret WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon