CLUE 7

173 12 4
                                    

REASON

Coco


"Gago ang puta, tumakas ka nga ng hospital?!"

"Nasaan 'yung gago?"

"Taena laughtrip pagmumukha mo boss hindi ka seseryosohin 'nun kung ganyang may benda ka sa ulo!"

"Ulol. Bakit yung ulo ko ba pansusuntok ko?!"

"Sige nga! Isuntok mo 'yang may bali mo na kamao? Tingnan natin kung hindi ka isugod nanaman sa hospital!"

"Kapag nandilim paningin ko ikaw una kong masusuntok! Asan nga kasi?!"

"Oh, ayan nakaposas, nakatali, naka ducktape, blinfolded plus three agents na nakabantay, tingin mo makakatakas pa 'yan?"

"Tangina mong gago ka!" Sa irita at inis agad ko sinugod, sinuntok at sinipa ang kinauupuan nya. Dahilan ng pagkalaglag nya sa kalsada. Hindi pa nakuntento at dinaganan ko't pinagsusuntok sa mukha.

"Hala sinuntok?! Awatin n'yo si boss puta!"

"Gago ka anong ginawa mo kay Ren?! Bakit nagkaganun s'ya! Na-trauma sayong gago ka!"

"Nasan ang baril? At babarilin ko 'tong tarantadong 'to!"

"Anak ng! Boss, kalma-"

"I-abot ang kutsilyo't dagger saakin!"

"Hoy, yung buto mo- Puta awatin nyo nga 'yan! tangina dumudugo na kamao ni Cosmo! Bilis!"

"Sinong umawat?!" Galit akong bumaling sa tatlong agents na nakahawak sakin at inilalayo ako.

"Puta pre, kumalma ka nga? Madaling araw na baka magising si Ren sa kakasigaw mo! Ikaw unang mamamatay kapag bumukas yang tahi mo't naubusan ka ng dugo! Mag-isip ka nga!"

Akmang magsasalita ako ng biglang sumuka ang gago. "Oh, pucha sumuka na ng dugo?!" nataranta si Al dahil sa kalsada mismo sumuka ng dugo.

Hah! Weak!

"Pre, bitawan mo ako. Last na suntok nalang,"

Kumawala ako sa hawak saakin at diretsong sinuntok ng dalawang beses yung tarantado.

"Kala ko ba isang suntok lang, amp." Bulong-bulong ni Al habang hawak na ako at nilalayo.

"Pakalmahin nyo nga muna 'tong si boss, kaka-stress ang gago at talagang nawawala sa control kapag si Ren ang usapan."

Lumapit saakin ang isang agent na si Benig para bigyan ako ng yosi pero tumanggi ako at kinuha nalang ang bote ng beer at mabilis na tinungga.

"Hala, lumabas si Ren? Magtago kayo!"

Nanlaki ang mata ko at naibuga ng wala sa oras ang hindi pa nalulunok na alak. Puta?!

"Ha? Akala ko tulog na 'yan?" Pinunasan ko ang labi para burain ang bakas ng alak. Masama ang tingin saakin ni Al dahil kamuntik ko na syang mabugahan mabuti nalang at agad nakaiwas si gago.

"Madaling araw na ah?" Kumunot ang noo ko ng makitang naglalakad na si Ren habang naka pajama suot ang malaking hoodie habang may pink na skincare headband? Kung hindi ako nagkakamali 'yun yung tawag dahil suot n'ya din iyon kanina ng tumawag ako.

Teka nga, bakit gising pa 'to?!

"Oh, puta Cosmo saan ka pupunta?!"

"Teka, tatanungin ko bakit gising pa sya-"

"Posasan nyo nga 'yan! Akala ko ba ang usapan dapat hindi malaman ni Ren na may nagbabantay sakanya? Eh, ikaw mismo nakita mo lang, para kang nahipnotismo't punta agad! Aba! Mag-isip ka muna kaya?!"

The Life of a Secret WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon