CLUE 4

209 5 10
                                    

BLACK

Someone


The musics are so loud. Fans are screaming everywhere.

Mas lalong lumakas ng may magsalitang MC saying that we will start in a minute.

Marami pa din ang pumapasok mula sa pinto. The whole venue is so crowded. Lahat ay excited nang makita.. si Ren.

Which is..

"Oh, I'm sorry!"

I blinked twice when a girl wearing a dress stepped on my white shoes. I blankly stared at her.

Gusto kong sabihin na, "BAGONG LABA ANG SAPATOS KO. IKAW BA ANG NAGLALABA?!"

but instead I smiled. "No, it's okay."

"Sorry talaga! Na-excite lang ako bigla kaya nagtatalon ako at natapakan ng heels ko sapatos mo! Sorry!" Hindi ko na nabilang ilang sorry pa ang sumunod na binanggit nya.

I just nod many times at her and bowing. She bowed first. I consciously mimicked her.

Umalis na rin sya ng hilain ng kaibigan na pumunta ng restroom. I sighed looking at my tainted white sneakers.

"Sis, you need some shower.." I whispered.

I stared mesmerized at the crowd. Wow. Hindi ko akalain na magiging ganto.

Simple lamang akong manunulat dati. Walang readers walang fans. Ako nga lang nag-babasa ng sarili kong story.. Hindi ko naisip na marami ang tatangkilik at magiging fan.

I have circle of friends but I often speak. Before having them, I used to be alone. Talking to myself.. ako mismo kumakausap sa sarili ko na parang baliw. I love reading novels. Sa sobrang pagmamahal ko sa mga libro lumabo ang mga mata ko. My classmates envy me wearing glasses. Actually I'm the one who envy them. Malinaw ang mata nila. Kaya nilang magbasa ng ilang oras ng hindi sumasakit ang ulo.

Reading is my escape in reality when I was a reader before. Nang tumagal mas dumami ang gusto kong sabihin sa mga kaibigan ko but I can't. Myself can't open up to them because they have their own problems ayokong mas lalong makadadag.

Isang araw, habang nakaupo sa isang pasyalan. Nagpapahangin at tinitingnan ang mapayapang paligid.

Tulala.

May couple na dumaan sa harapan ko. Mukhang nag-aaway dahil nagkakasagutan na sila. Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Sinulyapan ko na lamang ang blankong notebook na nasa aking kandungan.

Galit ang lalaki na mukhang sinusuyo ng umiiyak na babae. Iwinaksi ng lalaki ang hawak sakanya ng babae at nagmadaling umalis. Humabol ang babae ngunit natisod sa bato kaya bumagsak sa lupa.

Tangina, ang epic.

Hahabol nalang matitisod pa. Umiwas ako ng tingin. I feel like I'm envading their privacy.

Tumingin ako sa gawing kanan para sana maghanap ng ibang mauupuan. Ngunit nakita ng mata ko ang tumatakbo na matangkad na lalaki. Lumilinga-linga sya sa paligid.

The Life of a Secret WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon