Prologue

2.3K 80 1
                                    

YUMI GARCIA

I woke up because someone's knocking on my door. I checked the time and it's freaking 7 AM. The heck, I don't even have school and summer vacation just started. Who the hell is waking me up this early?

Bumangon ako at agad dumiretso sa pinto para pagbuksan ang istorbo sa pagtulog ko. I know it isn't Mom because she has work. Maybe it's my sister, the hell is her problem.

"What the hell is your-" napatigil ako nang bumungad sakin ang isang babae. The hell? "Who are you? Who let you in?" I don't wanna be rude but she ruined my sleep!

"Uh, hi." she said and gave me a small wave. "Morning,"

I rolled my eyes, "Who are you-" she cut me off by slapping me on the cheek. Pabirong sampal lang 'yon at mahina.

"Yumi, stop it. Umagang-umaga ang dami mong alam. Amnesia girl, ikaw ba 'yan?" she chuckled.

I rolled my eyes again, "Argh, Bianca! Why are you so this early? I wanna sleep, wala pang two hours ang tulog ko." sabi ko at bumalik sa kama ko at humiga ulit. I try to sleep again but this girl won't let me.

Naramdaman ko naman na umupo siya sa kama. "Namiss kita, e. Hindi mo ba ako namiss?" We just saw each other yesterday! Ang aga-aga mang-inis nitong best friend ko.

"Bianca, let me sleep. Papatulugin mo 'ko o ikaw mismo ang papatulugin ko gamit 'to?" I said and showed her my fist.

She laughed, "Napakabrutal mo naman! Bakit ka ba kasi napuyat? Nag message ako sayo na pupunta ako nang maaga ngayon dito." she said and shook me a bit. "Buti na lang mahal ako ng pamilya mo kaya pwedeng-pwede akong pumasok dito sa bahay n'yo at guluhin ang tahimik mong buhay."

I rolled my eyes again, I know she's just taking her revenge. Ganyan din ako palagi sa kaniya sa kanila. Mas mahal nga ako ng pamilya niya dahil kahit madaling araw ay nakakapasok ako sa kanila para manghingi ng ulam. Pero syempre, charot lang. But I always annoy her when I'm in the mood at nakakainis lang kasi gumaganti siya, sa huli ako rin ang naiinis.

"Shut up na. Napuyat ako kasi may kapuyatan ako, ikaw wala." sabi ko at nagtaklob ng unan.

"Aba! Ang yabang, ah?" sabi niya at idiniin yung unan sa mukha ko pero saglit lang. "At sino naman?"

Inalis ko na yung unan sa mukha ko, papatayin pa talaga ako ng babaeng 'to. "Wandot sasabihin ko."

The next thing I know naghahampasan na kami ng unan. After that, naligo na ako dahil nawala na ang antok ko. Hinampas ba naman ako sa mukha.

Bianca went downstairs, I told her that I haven't eaten my breakfast yet. She insisted na magluluto daw siya. I don't know kung magluluto pa siya kasi madalas naman may pagkain ng nakahanda bago umalis si Mommy at yung kapatid ko. Parehas silang may trabaho at ako lang ang naiiwan dito madalas sa bahay.

I just finished senior high school and I'm kinda nervous going to college next school year. But I know Bianca will help me, since she's already in college. Mas matanda siya sakin ng dalawang taon. Naging mag best friends kami when I was in grade 7, tapos siya grade 9. Siguro dahil na rin sa mahilig kaming dalawa sumayaw kaya nagkasundo kami.

Nakakasama ko siya before kapag may event sa school tapos sumasayaw kami on stage. I remember sinabihan niya ako na ang ganda ko daw at girl crush niya ako kasi ang galing kong sumayaw. Syempre sobrang kilig ko naman that time but I found out that she's straight. Grade 7 pa lang ako, out and proud na ako.

I thought it was impossible to be her bestfriend kung sa una pa lang nagkagusto na ako sa kaniya. Yes, I liked her before. She doesn't know a thing, tho. Syempre as expected, mas lalo ko siyang nagustuhan nung mas naging close pa kaming dalawa. It was so hard to hide my feelings for her lalo na't palagi kaming magkasama. But I know she doesn't have any idea because I'm this extra sweet to the people I'm close with.

She knows that I like girls. She didn't judge mme. Support niya daw ako kahit ano pa ako. That's why I love her. And about my feelings for her, hindi ko na lang pinapansin and it's working. No awkwardness and it's better that way. I want my feelings for her to fade because I don't want to ruin our friendship.

But sometimes, I just can't help to feel jealous whenever she's telling me about this guy that she likes. I don't know if she's making me jealous or what pero sa tuwing nagku-kwento siya, lagi siyang nakaabang sa reaction ko. Binabara ko na lang siya at minsan uma-agree na lang sa mga sinasabi niya para hindi halata.

I know she's straight at bestfriend lang ang tingin sakin, pero hindi ko rin maiwasan umasa. Kaya siguro hindi pa tuluyang nawawala ang feelings ko sa kaniya. Paano ba naman kasi, she's always this caring kahit madalas kaming nagbubugbugan. Tapos ang sweet pa namin sa isa't isa minsan kaya napagkakamalan kaming mag girlfriend.

I went downstairs at dumiretso ako sa kusina. Bianca is on her phone at ngiting-ngiti. Ngumuso ako at pumunta sa ref para kumuha ng tubig. May nakahanda ng pagkain sa lamesa. She didn't notice me yet, she even giggled while she's still on her phone.

"Ay, dalaga na yan? Kilig na kilig." sabi ko at nag angat siya ng tingin. "Sana all naman may nagpapakilig." I think I don't sound jealous naman, mas more on pang aasar ako kahit ang totoo nacucurious ako kung bakit siya gano'n makangiti.

Umirap siya, "Sana all may nagpapakilig ka diyan. Isang libo nga ata ang hinaharot mo nang sabay sabay. Nainggit ka pa sakin niyan?" she squinted her eyes on me.

I chuckled, "Grabe sa isang libo, ha. Dalawang libo lang kaya." I joked. I know corny, so?

"Oh tamo! Bakit ba kasi ang dami mong hinaharot? Kaya minsan wala ka ng time sakin." nagdrama pa siya kunwari. Ang dami talagang alam. Hmp, I find her cute when she's being like that.

"Pero seryoso, I'm not talking to anyone right now. Bigyan mo 'ko mukhang meron ka e." I said and it's true na wala naman akong kaharutan ngayon. Madalas lang talaga akong magkuwento kay Bianca na meron tapos kunwari marami at iba-iba pa. Way ko lang 'yon para hindi niya mahalata na may gusto ako sa kaniya.

"Sus, don't lie to me. I even know their names." sabi niya.

Umupo na ako sa tabi niya, wala pa siyang ginagalaw sa pagkain at kakabitaw lang niya sa phone niya. Pero panay pa rin ang silip niya roon. Edi sana all naman, 'no?

"Whatever." sabi ko na lang.

She murmured something habang busy siya sa paglalagay ng pagkain sa pinggan niya.

I looked at her, "What? Hindi ko narinig."

She shook her head and made a face. "Wala!"

I don't know if I heard her right but she murmured, "Dapat kasi ako lang e."

The heck, Bianca? Ayokong umasa, huh.

--

Hidden Feelings | BIAMIWhere stories live. Discover now