Chapter Seven

1.7K 81 30
                                    

YUMI

Nagulat ako nang makita si Bianca sa entrance ng restaurant at kasama si Elmo. She's looking at me, nagulat din siya nang magtama ang mata namin. But after that she smiled and waved at me. Siguro dahil na rin sa hiya kaya napaiwas ako ng tingin, I can't just pretend that everything is fine between us. Isang buwan ko na siyang hindi pinapansin at hindi ko alam kung paano siya haharapin.

I feel guilty but at the same time I feel like it's fine, I don't wanna waste that one month para bumigay ngayon kay Bianca dahil lang sa nagkita kaming dalawa. Kailangan kong panindigan yung desisyon ko.

Kasi hanggang ngayon gustong gusto ko pa rin siya.

Bakit naman ang hirap mong hindi gustuhin, Bianca?

"Are you okay?" Angela asked.

I nodded, "Yes." siguro napansin niya na medyo na distract ako.

Hindi ko alam pero naging kumportable na ako kapag kasama si Angela. Pero hindi yung masasabi kong hinahanap hanap ko siya at gusto ko siya laging kasama, I would say that I just like her presence. I told her about my feelings for Bianca because she doesn't stop asking me about her not going to our house. Siya na kasi ang madalas kong ayain na lumabas kami o pumunta sa bahay.

Her reaction was like, "The fuck? Are you serious?"

I told her I want to forget my feelings for Bianca that's why we're not seeing nor talking to each other. She said she's willing to help me to forget. Hindi ko alam kung paano niya ako tutulungan.

Pagkatapos naming kumain ni Angela, naglakad lakad muna kami sa mall bago naisipan na naming umuwi. Kanina pa kami nandito. Marami na rin kaming napamili na kung ano-ano. While walking to the parking lot, someone bumped into me. Tumatakbo siya nang mabangga ako, dahil medyo malakas 'yon na out of balance ako.

Napapikit ako dahil akala ko babagsak ako pero naramdaman kong may humawak sa bewang ko. I thought it was Angela kasi katabi ko lang naman siyang naglalakad, but when I opened my eyes, it was Bianca.

Dahil sa gulat agad akong napatayo nang tuwid. Inalis niya ang pagkakahawak sakin. Akala ko nagha-hallucinate lang ako pero totoo ngang siya. Elmo's on her side.

"Loko 'yon ah, hindi man lang tumigil para mag sorry." Bianca said and then she looked at me, "Okay ka lang?"

"Yumi, are you okay?" si Angela na kinakapa-kapa pa yung katawan ko na parang nabugbog ako. Okay lang ako, ano ba naman 'yan.

"Okay lang ako," even when I'm shaking inside because of nervousness, I still tried to look at Bianca. "T-thanks..."

Gosh, ngayon na lang ulit kami naging ganito kalapit kaya siguro grabe ang kaba ko. Gusto ko na tumakbo paalis.

I felt Angela's hand held mine, "Bianca, boyfriend mo?" she asked referring to Elmo. I don't know why she held my hand but I just let her.

I saw Bianca glanced at our hands before looking at Angela, sasagot pa lang sana siya pero naunahan na siya ni Elmo.

"Her future husband." he answered while smiling widely. Napatingin naman sa kaniya si Bianca.

Napataas ang kilay ko nang bahagya. Sila na ba?

"I see, stay strong to the both of you." Angela smiled. "Mauna na kami ng girlfriend ko," nagulat ako sa sinabi ni Angela, ilang beses ba akong magugulat ngayong araw? "Let's go, love."

Bago makaalis doon ay nagtama pa ang mata namin ni Bianca. I noticed something in her eyes.

It was sadness.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hidden Feelings | BIAMIWhere stories live. Discover now