Chapter Two

1K 55 5
                                    

BIANCA SANTOS

Sobrang badtrip ko kay Yumi kahapon, hindi dahil sa sobrang saya niya ha. Ang lakas niya kasi mang asar kahapon tapos panay ang banggit niya kay Angela. Halatang gusto niya lang akong inisin kaya ayon, sobrang badtrip ko.

Sabi na eh, yun talaga ang dahilan kung bakit iba ang saya no'n ni Yumi dahil bumalik na ex niya. Wala naman sakin kung masaya siya na bumalik na si Angela. Kahit nga mag comeback pa sila, wala akong pake. Wag lang ulit akong pagseselosan niyan ni Angela kapag nagkabalikan sila.

Inaaya ako ni Yumi na mag mall kami ngayon. Papayag na sana ako kaso kakatext niya lang sakin na kasama daw namin si Angela. Ngayon daw nila balak magkita.

Ngayon pala sila magkikita tapos aayain niya pa ako na sumama sa kanilang dalawa. Duh? Ayoko ngang maging third wheel.

I replied, [Me: Kayo na lang muna para naman ma-enjoy n'yo yung moment]

Hinagis ko lang yung phone sa kama at humiga. Nakakatamad naman kumilos. Biglang tumunog phone ko kaya kinuha ko agad ulit. Akala ko si Yumi yung nag text. Hindi ko alam pero medyo nadisappoint ako.

[Elmo: Hey, are you free today?]

Kung hindi lang ako bad mood ngayon, malamang nakangiti na ako dahil nag text si Elmo. Pero dahil nga bad mood ako ngayon, wala man lang akong naging reaksyon at tinamad pa akong mag-reply.

Dalawang beses kaming nagkita ni Elmo last week at mukhang gusto na naman niyang magkita kami ngayon. Nanliligaw siya sakin. Gusto ko naman siya kaya pumayag akong magpaligaw. We both like each other at wala naman masamang mag try. Malay natin mag work.

Akala ko mag-iinarte si Yumi kahapon kasi gano'n yun magtampo. Alam kong nagtampo 'yon kasi nga diba busy ako. Kaso naiinis ako kasi sobrang saya niya pagdating ko. Kahit ano pa sabihin niyang dahilan, iisipin ko pa rin na masaya siya dahil dumating na si Angela.

Buong maghapon lang akong nasa bahay, nag reply na rin ako kay Elmo na hindi ako pwede ngayon kahit wala naman talaga akong gagawin.

Kinabukasan, gano'n pa rin ang response ko kay Elmo nang magtanong siya sakin. Inabala ko na lang sarili ko sa business namin ng family ko.

8:00 PM na at balak ko na agad matulog. I was about to sleep when my phone rings. Si Yumi tumatawag.

"Oh?" sagot ko. Inaantok na ako, eh.

"Wow, taray." patawa-tawa niya pang sabi. "I miss you!"

"I miss you rin." sabi ko.

"Sleep over ka dito, please?"

Ang galing niya, ah. Kasama niya lang si Angela kanina, ba't di 'yon ang inaya niya matulog sa kanila? Yes, straight two days na silang magkasama ni Angela. Alam ko dahil kakabukas ko pa lang ng social media accounts ko, bungad na agad ang pictures nilang dalawa.

"Ah, si Angela sa umaga. Ako sa gabi?" biro ko.

Rinig kong napasinghap naman si Yumi, "Hindi ah! Kinulit lang ako ni Angela kaya magkasama ulit kami kanina."

Hindi ko alam kung bakit naiinis ako kapag binabanggit niya si Angela. I don't know with myself anymore, ang bilis kong mabadtrip.

"Ako lang mag-isa dito sa bahay. Male-late daw ng uwi si Mommy, tapos si ate matutulog siya sa bahay ng boyfriend niya." kahit di ko siya kita, alam kong nakapout siya. "Samahan mo na ako dito, by. Baka mamaya may magnanakaw tapos-"

"Oo na, ang praning mo diyan." natatawa kong putol sa kaniya. "Magpapaalam lang ako. Kung kailan gabi na tsaka ka nagsabi, kutusan kita eh."

"Ih, ngayon lang sinabi ni Mommy na mamaya pa siya uuwi."

Hidden Feelings | BIAMIWhere stories live. Discover now