Chapter Three

961 51 6
                                    

YUMI

Napahawak agad ako sa ulo ko nang magising kinaumagahan. It freaking hurts. Ano bang nangyari kagabi? Pilit kong inalala habang bumabangon. Ang dami ko yatang nainom. Tanda ko ang dami kong pinagsasabi kay Bianca. Wait..

Don't tell me- umamin ba ako? Oh my gosh!

I panicked when I heard Bianca's voice. Tinatawag ako at mukhang papasok siya dito sa kwarto. Kinakabahan ako, umamin ba ako sa kanya kagabi nang wala sa oras? Hindi ko matandaan!

"Yumi! Bumangon ka raw diyan!" pumasok si Bianca sa kwarto. Agad akong umayos and I acted normal na parang hindi ako nagpanic kanina. Nagtataka siyang tumingin sakin. "Gising ka na pala, Tita's still here. Lagot ka."

Dahil hindi ako mapakali, gusto kong malaman muna kung ano ang pinagsasabi ko kagabi, "W-what happened last night?" hindi ako makatingin nang diretso sa kaniya.

Umirap siya, "Naabutan tayo ni Tita kagabi tapos ayaw mo pa rin magpaawat. Sabay ka pa namin inalalayan ni Tita papunta dito sa kwarto mo."

Napa 'O' naman ang bibig ko, naabutan pala kami ni Mommy. Pero hindi naman 'yon ang gusto kong malaman.

"I mean, m-may mga sinabi ba ako sayo last night?"

Kumunot ang noo niya, "Oo, madami!"

"Anong mga sinabi ko?" I really want to know. Please, sana hindi ako umamin sa kaniya. Ang tanda ko lang marami akong pinagsasabi pero hindi ko na matadaan kung ano yung mga sinabi ko sa kaniya.

"You said you're in love me." seryoso niyang sabi.

Nanlaki naman ang mata ko at napatakip sa bibig, "Did I just-"  napatigil ako sa pag-imik nang humagalpak sa tawa si Bianca.

Yung kaba at gulat ko ay agad nawala. Sinamaan ko siya ng tingin, "What's funny?"

"Did you really believe that? Tsaka hindi ka naman in love sakin, kung makareact ka naman diyan." she laughed.

Nakahinga naman ako nang maluwag, kung alam mo lang. I just rolled my eyes at her, "Hmp! Kainis ka."

"But you told me about this straight girl you like. Sino ba 'yon? Do I know her?"

Shit? Sinabi ko ba 'yon? That's freaking her! Muntikan na ata akong mapaamin sa kalasingan.

Napaiwas naman ako ng tingin, "Hindi mo siya kilala. Taga ibang planeta 'yon."

Umirap siya, "Ewan sayo. Bumaba ka na pala at kumain."

Natapos kaming kumain ng breakfast, hindi ko alam kung saan ako nabusog. Sa pagkain ba o sa sermon ni Mommy.

"Bianca, hija, okay lang ba na bantayan mo muna si Yumi? I have a trip out of the country for two weeks." sabi ni Mommy nung nasa sala kaming tatlo.

Hindi pa umuuwi si Bianca kasi sabi nga ni Mommy may sasabihin daw siya. Tsaka bantayan? Ginawa naman akong sanggol ng nanay ko.

"My, sama na lang ako-"

"Hindi pwede, I'm not going there to relax. Trabaho ang ipupunta ko ro'n." putol sakin ni Mommy. Alam ko naman, nagbabakasakali lang, hehe.

"Okay lang naman po, Tita. Kapag nagpasaway po, papaluin ko na lang sa pwet." Bianca looked at me and then laughed.

Tumawa rin si Mommy kahit wala naman talagang nakakatawa. Hmp.

Umuwi na si Bianca nang magtanghali. Aalis daw si Mommy bukas ng hapon. Okay lang naman sakin na mag isa dito sa bahay, I can manage. Hindi ito ang first time na pupunta si Mommy ng ibang bansa for her work. Madalas talaga akong maiwan dito sa bahay. Kasi si ate madalas wala, parang kabute 'yon. Biglang susulpot, biglang mawawala.

Hidden Feelings | BIAMIWhere stories live. Discover now