Chapter Six

945 50 16
                                    

BIANCA

Kakabukas ko pa lang ng Instagram ko, bumungad na sakin ang post ni Yumi. Kasama niya si Angela sa picture at natatandaan ko na ngayon nga pala ang outing na tinutukoy ni Angela. Yumi didn't tell me anything about going with her today.

Nag expect lang ako na magsasabi siya sakin dahil alam naman niya na kapag sasama siya sa outing ay dapat kasama rin ako. But I guess she's really serious about her decision last night. I sighed and put my phone down.

I didn't get enough sleep last night thinking about Yumi's confession. I don't really know what to feel, it shocked me. Lalo na't these past few days, I know I've been acting weird around Yumi. Since nung magkasagutan kami ni Angela, marami akong narealized. Realizations na hindi ko lang talaga matanggap at kayang i-admit sa sarili ko. I know I am scared to face it.

Sinabi niya na matagal na niya akong gusto. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na gusto niya ako. I didn't give meanings about her actions towards me, normal na sa aming dalawa ang pagiging sweet sa isa't isa kaya wala naman akong ibang napapansin at inisip na iba.

Nung sinabi ni Yumi na gusto niya ako, nagulat ako at ang lakas ng kabog ng dibdib ko. There's something in my stomach while she's confessing.

"Bianca, kamusta ang pagpunta mo kila Elmo? Mababait naman ba ang pamilya niya?" tanong ni Mommy habang kumakain kami kanina ng almusal.

I smiled a bit, "Opo, mababait sila at nakaka-enjoy silang kasama."

Tuwang-tuwa si Mommy sa narinig, "Gustong-gusto ko talaga para sa'yo 'yan anak. Gwapong bata na at mukhang seryoso talaga sa'yo."

"'Wag niya lang sasaktan ang dalaga ko." si Daddy.

Nanliligaw pa lang sakin si Elmo pero ganyan na agad sila, paano pa kaya kapag naging kami na? Baka maghanap na agad sila ng ninong at ninang namin para sa kasal.

"I'm sorry, Yumi. I don't feel the same way, you are my bestfriend."

I can still remember my words after she said she likes me. Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko. Pero nasaktan din ako habang sinasabi 'yon sa kaniya. I told her I don't feel the same way, which is a lie.

I admit it now, I like Yumi. I like my bestfriend too.

Pero nung gabing 'yon, masyado lang akong natakot. My parents are very religious people, I know they won't be happy about finding out that I like a girl. Kung sinabi ko ba kay Yumi na gusto ko rin siya, anong mangyayari? Ipapagpatuloy ba namin? I also remember Elmo, I don't wanna hurt him.

Kakaamin pa lang ni Yumi ng nararamdaman niya para sakin pero gusto na agad niyang mawala 'yon. May parte sakin na nasaktan ako at gusto ko siyang pigilan. Ang kapal ko masyado, sinabi kong hindi kami parehas ng nararamdaman tapos gusto ko pa siyang pigilan na 'wag kalimutan ang feelings niya para sakin.

Tanga lang, Bianca?

Kaya ayan, ayaw niya na magkita muna kami. Kahit makipag-usap sakin ay wala na rin ata siyang balak. Hindi ko gusto ang gusto niyang mangyari pero mukhang hindi na siya mapipigilan.

Balak ko sanang puntahan siya sa kanila at itext o tawagan siya, pero naisip kong ang insensitive ko naman ata kung hindi ko iisipin kung anong mararamdaman niya. She said she wants to forget, I should respect that. She doesn't want to see me nor talk to me, I should respect that.

Yeah, I should respect her decision. Kahit masakit.

Hindi ko alam kung anong balak ko sa nararamdaman ko para kay Yumi. Maybe this is just a phase, masyado lang talaga kaming naging malapit sa isa't isa kaya ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko na rin matanggi sa sarili ko na gusto ko nga talaga siya.

Hidden Feelings | BIAMIWhere stories live. Discover now