Chapter 1: The Divorce

140 6 0
                                    

"Miss Madrigal Congratulation your pregnant"

Matagal na naming balak magkaanak ni dave, ngunit ngayon ako na lang ang bubuhay sa anak namin matapos nya akong i divorce. di ko sya masisisi noon pa man madami nang tutol sa pagsasama namin, ang di ko lang matanggap mas naniwala sya sa secretarya nya kumpara sakin, well sya ang nawalan lalo na ngayon na nagbunga na pala ang pag iibigan namin ng 2 taon.

Masaya akong lumabas ng ospital at dumiretso sa apartment na narentahan ko matapos kong umalis sa bahay ng ex husband ko.

Sandaling naalala ko ang eksena nung naghiwalay kami ni dave..

Narinig kong pumasok sa garahe ang sasakyan ni dave.Si Dave ang CEO ng isa sa pinakamalaking company sa pinas. Ako nga pala si shane asawa ni dave for 2 years, masaya at kontento kami ni davekahit na wala pa kaming anak.

Nang marinig ko ang tunog ng sasakyan nya agad agad akong pumunta sa pinto para salubungin sya ngunit di ko inaasahan na ang sasalubong sakin ay ang mainit na ulong si dave, wala naman kaming problema kaya naguguluhan akong nakasunod sa kanya papuntang kwarto.

"Dave anong problema."

"Anong problema? tinatanong mo talaga kung anong problema?"

"Bakit ba? Ipaliwanag mo kasi sakin para matulungan kita kung ano man yan kinakainisan mo, di ko malalaman ang problema mo kung di mo sasabihin."
"Ha! Isa lang ang maitutulong mo sakin."

"Ano yun kahit ano gagawin ko para maging ok ka na ulit."

"Pirmahan mo ang divorce paper na to"
Hinagis nya skin ang divorce paper na napirmahan na nya."

"Anong ibig sabihin nito, bakit dave?"

"Anong nagawa kong mali"

"Anong nagawa mong mali?Tinatanong mo talaga kung anong nagawa mong mali?"

Sinubukan ko syang yakapin ngunit tinulak nya ko at napahiga ako sa kama, ito ang unang beses na nasaktan nya ko kaya hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa mga sandaling yun.

"Bakit? tinatanong mo talaga ako?Ha! Kung di pa kayo nakunang magkasama ni john ng litrato ni jane sa motel wala akong kaalam-alam na niloloko mo na ko."

"Nakita ko na ang lahat , masaya ka sa kanya kaya binibigyan na kita ng kalayaan, magsama kayong dalawa sa impyerno."

"Sandali lang dave, wala akong alam sa sinasabi mo, anong motel sinong john, wala akong alam sa sinasabi mong litrato, tsaka pano ko makakasama sa motel yung john na sinasabi mo eh di nga ako lumalabas alam m kung nasan ako palagi."

"Wag mo kong lokohin hindi na ko maniniwala sayo, niloko mo lang ako, tama silang lahat pera lang ang habol mo sakin"

Nang marinig ko ang sinabi nya, dun ko natanggap na wala na, tapos na ang relasyong matagal kong inalagaan.

Masakit man pinirmahan ko ang papel at nagpaalam kay dave.

Nang umalis ako sa bahay ni dave, ang dinala ko lang ang mga gamit ko nung bago pa ako maging misis smith, iniwan ko ang lahat pati ang wedding ring na binigay nya sakin nang ikasal kami.

"Salamat sa lahat dave, salamat sa 2 years na pag iibigang pinadama mo sakin. ikaw lang ang naging tunay kong pamilya, salamat din at naging masaya ako sa loob ng 2 taon nating pagsasama, paalam."

Niyakap ko syangunit di nya ako tinugon, hinalikan ko sya sa labi sa huling pagkakataon bago ako umalis.

After 2 months

Ngayon ay nangungpahan na ako ng isang maliit na apartment, bago pa kami nagkakilala ni dave ay nagtatrabaho na ako bilang waitress sa isang sikat na resto, ang kinita ko noon ay nilagay ni dave sa bangko dahil kinita ko daw yun bago pa kami magkakilala kaya tinago ko yun at yun ang ipinangbayad ko sa apartment na tinitirahan ko ngayon.

Sa ngayon nagbukas ako ng isang maliit na bakery malapit sa apartment ko, may isa akong empleydo si jade, mabait sya at maliksi sa trabaho kaya mabilis kaming nagkasundo.

Ako ang gumagawa ng cakes and pastries dito sa bakeery, bata pa lang ako mahilig na ko sa cake kaya nang naging misis smith ako ay nag aral akong mag bake dahil yun lang ang pinayagan ni dave na gawin ko.

Pagpasok ko pa lang ay dalidali akong tumawag kay jade.

"Jade, maaga kang magsara ng bakery di na muna ako babalik dyan ngayon."

"Shane anong nangyari, anong sabi ng doktor? may problema ba, ano daw ang dahilan ng pagkahilo at pamumutla mo?"

"Relax ka lang Jade walang problema sakin, sabi ng doktor 3 months pregnant daw ako kaya madalas akong mahilo pero normal lng daw un binigyan nya lng ako ng vitamins para maging malusog kami ng baby ko."

"Salamat naman at wala kang malalang sakit, tinakot mo ko kala ko kung anong nangyari sayo, wait anong buntis wala ka namang boyfriend ha pano ka nabuntis?"

kung nagtataka kayo sa reaksyon ni Jade, Hindi nya alam na kinasal at divorce ako sa isa sa pinakamayamang lalaki dito sa pinas.Hindi sa wala akong tiwala sa kanya, hindi ko lang gustong pinag uusapan ang ungkol samin ni Dave.

"ah, eh kasal ako bago pa tayo magkita ulit kaya lang naghiwalay na kami. Hayaan mo na yun, kaya ko namang buhayin ang magiging anak ko eh."

close kami ni Jade dahil bukod sa maliksi sya sa trabaho isang taon lang ang agwat ng edad naming dalawa at nalaman kong iisang ampunan ang pinanggalingan namin, sya pala yung nag iisang naging kaibigan ko sa ampunan nung bata pa ko dahil sya yung medyo matagal nang nasa ampunan kaya halos lahat ng bata sa ampunan ay sumusunod sa kanya.

Ayaw ng mga bata sa ampunan sakin dahil nang napunta ako sa ampunan lagi akong umiiyak dahil 5 taon pa lang ako at walang maalala sa pinag mulan ko, lahat ng atensyon noon ay nasa akin dahil halatang anak mayaman ang itsura ko.

"ah ganun ba, hayaan mo ako na lang ang aalalay sayo, hay naku excited na kong makita ang magiging angel natin..."

excited nyang sabi,

"wag kang mag alala ikaw lang naman ang pamilya ko eh,siguradong magiging mabait at masunurin ang angel natin, palalakihin natin sya ng maayos at masaya..

excited ko ding sabi..

"Sige na at magpahinga ka ng maaga at baka kung mapano ka pa, tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong."

"Salamat Jade, salamat at nagkita tayong muli atleast mayron pa rin akong matatawag na pamilya."

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan, ako ang dapat magpasalamat sayo dahil nailigtas mo ko sa lugar na yon, kung d mo ko tinulungan at bingya ng trabaho baka wala na rin ako ngayon.."

"o sige na baka mag iyakan na naman tayo ngayon, tapos na yon kalimutan mo na ang nakaraan mo. hanggang magkasama tayo wala nang makakasakit sating dalawa at palalakihin natin ang angel natin ng magkasama."

"ok sabi mo eh."

Masaya kong tinapos ang tawag at hinimas ang tyan ko na may maliit na palang umbok na ngayon ko lng napansin.

"Baby kahit na di na natin kasama ang daddy mo tatandaan mo palaging nabuo ka sa pagmamahalan namingdalawa at hinding hindi kita pababayaan, ibibigay ko lahat ng pangangailangan mo."

My Adorable BabiesWhere stories live. Discover now