Chapter 6 : It's official

43 5 0
                                    

Buong araw akong busy sa trabaho kaya hindi ko napansin na nag message pala si dave sakin.

"shane kanina ko pa napapansin na may nag memessage sayo."

tsaka ko lang tinignan ang cellphone ko.

"love kumain ka na ba?"
"love sabay tayong kumain mamaya ha sunduin kita."
"love katatapos ko lang sa meeting gutom na ko, naalala kita bigla, kumain ka na ba?"
"love ayaw mo ba akong kausap?"
"love?"

"wala bang importanteng gagawin to bakit ang dami nyang time para i message ako"

dalidali akong nag message sa kanya, ewan ko ba pero parang kailangan kong mag message agad sa kanya para di nya isiping di ko sya gustong kausap

"sorry ngayon ko lng nakita ang message mo busy kasi sa resto maraming tao."
"kumain na ko kanina"
"mga 8 siguro ako lalabas, pero sana ako ang pipili ng kakainan natin"
"may malapit na resto dito, tahimik pero maganda naman ang lugar treat ko kasi ikaw naman ang nagbayad kagabi eh."

kinikilig na txt ko kay dave.

Alam kong di ordinaryong tao si dave at alam ko ring billionaryo sya pero panatag ang loob ko pagkasama ko sya at di nya rin pinapadama sakin na mayaman sya pag magkasama kami kaya niyaya ko sya sa unang resto na sa tingin ko ay magiging paborito kong lugar dahil medyo pibado at tahimik sa lugar na kinaroroonan ng resto.

aksidente ko lang nadiskobre nung isang linggo ang lugar ng maligaw ako nang papasok na ko sa trabaho.

mabilis syang nag replay

"ok love"
"kita tayo mamaya"
"I love you"

nagulat ako sa nabasa ko kaya di ko alam kung anong isasago ko, mga ilang minuto rin ang lumipas ng mag replay ako

"okay"

ang sagot ko sa kanya, ngunit agad syang nag replay ng

"okay lang wala bang i love you too dyan?"

nagblush ako sa nabasa ko

"sige na at mag aayos pa ko dito sa resto"

"sige na nga, di kita pipilitin pero di ako titigil hanggat di mo sinasabi na mahal mo rin ako"

bumalik na ko sa trabaho, mabilis na tumakbo ang oras namalayan ko na lang uwian na pala.

gusto ko ang trabaho ko kaya parang ang bilis ng oras pagnagtatrabaho ako.

nang matapos ako, nakita kong nag message sakin si dav na nasa baba na sya at hinihintay ako.

ang bilis ng tibok ng puso ko ng di ko alam, siguro dahil mayamaya lang ay makikita ko ulit si dave.

"okay pababa na ko"

nang makababa ako tumingin muna ako sa paligid upang siguraduhing di ako makikita ng mga katrabaho ko dahil ayoko ng tinatanong nila ako kung sino si dave dahil di ko din alam kung ano ba talaga kami kahit na laging sinasabi ni dave na mahal nya ko, ang bilis naman kasi nang maga pangyayari, sinong maniniwala na ang dave smith na nanliligaw sakin ay ang dave smith na pinapantasya ng maraming kababaihan at isa pa halos 24 hours palang kaming nagkakilala!

Sinong maniniwala na sa loob lang ng mga oras na yon ay nahulog na ang loob namin sa isat isa, at isa pa pinayagan ko syang kunin ang unang halik ko.

di ko naman kasi maitatanggi na attracted din ako kay dave pagpasok nya palang ng resto, nakita ko syang kasama ni sir josh at sinundan ko sya nang tingin pero nang mapansin kong titingin sya sa pwesto ko bigla kong binaling sa ibang lugar ang paningin ko.

nang mapansin kong wala naman masyadong tao ay dalidali akong sumakay sa sasakyan nya.

"hi love kumusta ang araw mo?"

"okay naman, ikaw kamusta ang araw mo?"

"okay lang din, saan nga pala yung sinasabi mong lugar?"

"ah dyan lang paglabas mo sa kanan may kalsadang papasok, deretso ka lang dun at sa dulo makikita mo yung restong sinasabi ko."

"pano mo nalaman ang lugar na to?"

"nung nakaraang linggo kasi naligaw ako akala ko liliko doon yun pala sa susunod pang kanto ang resto na pagtatrabahuhan ko."

"nice ngayon lang din ako napunta sa lugar nato, di bali ito na ang secret place natin. wag kang magsasama ng ibang tao dito ha specially boys."

"pano kong magsasama ikaw nga lang ang nakayaya saking lumabas eh."

"so importante pala ako sayo?"

"ewan ko sayo, tara na pumasok na tayo."

"wait so love mo rin ba ko"

harang nya sakin bago pako makapasok sa loob ng resto.

"so ibig bang sabihin nyan tayo na?"

nahihiya akong tumango at dali daling pumasok sa loob ng resto

"yes!! love wait"

"wag kang maingay ang tahimik ng lugar o tapos makasigaw ka dyan."

"sobrang saya ko lang, di ko akalaing sasagutin mo na ko"

"hay nako ewan ko sayo"

"akina ang kamay mo"

"bakit?"

inabot ko ang kamay ko sakanya at nagulat ako sa sumunod nyng ginawa.

hinlikan nya ang kamay ko at mahigpit na hinawakan

"di ko pakakawalan ang kamay mo kahit na anong mangyari"

nakangiti nyang sabi

"i love you"

"i love you too"

alam kong mabilis ang mga pangyayari saming dalawa pero bakit ko patatagalin kung  pareho naman kami ng nararamdaman.

isa pa maligaya akong nararamdaman ang pagmamahal nya sakin kaya sinong kukwestyon kung mabilis ang ligawan na nangyari samin dalawa.

sa sobrang saya naming dalawa ay halos ayaw na naming maghiwalay kaya nang makarating kami sa tapat ng apartment ko ay di parin kami nag bibitaw ng kamay kahit na ilang minuto ng nkaparada ang sasakyan nya sa tapat ng apartment ko.

"dave kailangan ko nang pumasok, baka may makakita na satin dito"

"ano naman kung makita nila tayo dito, ayos nga yun eh para alam nilang taken ka na at di na sila spwedeng pumorma sayo."

"dave pinag usapan na natin to diba ayokong may ibang maka alam na sinagot na kita, ayokong isipin nila na easy akong babae."

"kung sino man ang magsasabi nun sisiguraduhin kon di na makakapagsalita at isa wala naman silang paki alam sa atin, mahal kita mahal mo ko yun lang ang mahalaga."

"okay sabi m eh, sige na aakyat na ko"

"love wala bang goodbye kiss dyan"

"ikaw talaga"

hinalikan ko sya sa pisngi pero nagulat ako sa sumunod nyang ginawa

bigla nyang hinawakan ang ulo ko at mariin nyang hinalikan ang aking mga labi.

nung unay di ko alam kung anong gagawin ko pero nang lumipa ang ilang sandli ay ginaya ko ang gingawa nya, naghiwalay lang ang aming mga labi ng kailangan na naming lumanghap ng hangin

hiyang hiya akong nagtakip ng mukha ko.

binababa nya ang aking kamay mula sa aking mukha at dinampian nya ng halik ang labi ko.

"pinaligaya mo talaga ako ngayong araw na to"

"ako rin"

mahigpit kaming nagyakap ni dave bago ako nagpaalam na aakyat na.

My Adorable BabiesWhere stories live. Discover now