Chapter 2: New Beginnings

71 6 0
                                    

Maaga akong nag asikaso ng mga dadalhin ko at mamimili kami ni jade ng mga gamit ng angel namin.

hindi ko pa alam ang gender ng baby ko pero excited na kami ni jade na magshopping ng baby items kaya mag iiko kami sa mall ngayon at bibili ng ilang items na pwede sa boy or girl.

Pagbaba ko, naghihintay na sakin si jade.

"Bakit di ka umakyat"

"Hindi naman ako naghintay ng matagal eh atsaka may nakita kasi akong baby na dumaan kanina kaya nalibang ako, ganun din siguro yung magigigng angel natin kahit na di ko naman nakita yung naging asawa mo alam ko magiging cute ang baby mo kasi maganda ka naman kahit nung maliit pa tayo kaya nga tuwang tuwa ako sayo noon eh."

"ikaw talaga nambola ka pa, o sya tara na para marami tayong maikot na stall."

"hindi kaya biro yun kaya ka nga nabubully nun dahil naiinggit yung mga kasama natin sa ampunan nuon eh."

"oo na ewan ko sayo"

dalidali na kaming sumakay ng taxi at nag pahatid sa mall
ang daming magagandang damit na nakadisplay sa mall kaya di namin alam kung anong una naming bibilhin.

bumili din si jade ng 7 set ng damit, regalo nya daw yun sa angel namin.
pumayag na din ako dahil sobrang saya nya naman nung mabili nya ang mga damit para sa baby namin.

pagdating namin sa apartment agad agad akong nag ayos ng mga pinamili namin.
Si jade ang nag luluto habang nag aayos ako ng mga gamit ng baby.

Paglabas ko ng kwarto handa na ang pagkain.

"kain na tayo para maaga kan makapagpahinga."

"Salamat ha the best ka talaga."

"oo na binbola mo rin ako eh."

masaya kaming nag hapunan habang nagkwekwentuhan.

"Shane wag kang magagalit ha"

"Bakit may ginawa ka bang kalukohan at kailangan kong magalit"

"Hindi yun,tanong ko lang bakit kayo naghiwalay ng ama ni angel?"

"wala naman akong naging problema sa kanya, nagkataon lang na mas pinaniwallan nya nag ibang tao kesa sakin kaya kami nag hiwalay"

tugon ko habang lumuluha, agad nya akong niyakap at pinunasan ang luha ko.

"wag kang mag alala kawalan nya yun, mas naniwala sya sa ibang tao kesa sayo, kung ano man ang desisyon mo susuportahan kita."

Ilang minuto rin kami sa ganung posisyon ng mapakalma ko na ang aking sarili.
pinahid ko ang luhang dumaloy sa aking pisngi.

"wag kang mag alala magiging matatag ako para sa baby ko."

"wag ka ding mag alala aalalayan kita palagi, sabay nating palalakihin ang baby sa tyan mo.at sya ang magiging prince or princess ng buhay natin."

"hmm wag kang mag alala blang araw mapag uusapan din natin ang ama ng baby ko ng di umiiyak."

"tama yan balang araw magsisisi sya na iba ang pinaniwalaan nya imbes na ikaw.o sya sige na at maaga pa tayong magbubukas ng bakery bukas."

nagtulong kaming nagligpit at naghugas ng pinagkainan, pagkatapos ay nagpaalam na syang uuwi.

naghanda na kong maligo para makatulog ng maaga nang makita ko ang picture namin ni dave nung ikasal kami.

maliit na wedding lang yun, pamilya lang ni dave at close friend nya nag invited dahil ayaw nyang makita ng iba ang kasal namin dahil baka di na maging normal ang buhay o pagnalagay sa media ang picture ko kaya private wedding ang nangyari.

Close kami ng mommy ni dave dahil wala silang anak na babae at nag iisa lang si dave na anak nila kaya natuwa sila ng ikasal kami ni dave.

namimiss ko na sila mommy at daddy dahil sila talaga yung naging magulang ko dahil di ko naman maalala yung tunay kong mga magulang.

"Mommy i miss you, sorry kung di ako nakapag paalam sayo sana di ka magalit sakin at sorry rin kung di ko pa mapapakilala si baby sayo ngayon.Wag kayong mag alala di ko pababayaan si baby at ipapakita ko ang picture ninyo kay baby paglaki nya. sisiguraduhin kong kikilalanin kayo ng baby ko kahit na di ko matanggap na mas naniwala si dave sa secretary nya."

tinago ko na ang picture namin at naligo na.
Matapos kong maligo napansin kong medyo malaki na ang tyan ko kaya agad akong napangiti at nagpasyang mahiga na nang makapagbukas ng maaga ng bakery dahil may pag iipunan na kong maliit na anghel.

Kinabukasan maaga akong nagpunta sa bakery. Pagdating ko doon ay nakabukas na si jade.

"wow the best ka talaga. maaga nga akong nagising para ako ang magbubukas ng bakery pero ikaw parin ang nauna sakin, natutulog ka pa ba?"

"grabe sya, syempre natutulog din naman ako, alam ko kasing maaga kang pupunta at magpupumilit na magbukas ng maaga kaya inagahan ko para mauna ako sayo."

Niyakap ko sya at dali dali na kong pumunta sa loob para mag bake ng mga cake na ididisplay namin sa araw na iyon, may mga regular customer na kami kahit 1 t 2 months pa lang kaming bukas.

Umorder lang kami ng lunch namin ni jade sa isang resto na paborito naming kainan.

"jade alam excited na kong makita ang angel natin pero minsan kinakabahan din ako kasi di ko alam kung anong mangyayari satin pagdating ng panahon na lalabas na sya sa mundo."

"wag kang mag alala lagi naman akong naka alalay sayo eh, isa pa siguradong di ka pahihirapan ng angel natin dahil alam nyang madami ka nang pinagdaanang hirap."

"sana nga jade, sana nga.baby wag mong pahirapan si mommy ha."

"sya nga pala shane wala ka bang balak maghanap ng makakatuwang mo sa pag papalaki ng angel natin?"

"jade alam mo namang galing ako sa masakit na relasyon at isa pa gusto kong ibuhos ang lahat ng atensyon ko sa baby ko, tsaka wala pa sa isip ko yun eh."

Matapos naming mag lunch ay balik na kami sa aming trabaho.

Maraming customer na dumayo ngayon sa bakery kaya wala na kaming time ni jade na mag tsikahan.

9pm na nang magsimula na kaming magsara.

"Mukang swerte ang baby natin ha. ang daming dayong customer ngayon, mukhang kaylangan na nating mag dagdag ng staff at supply ng cake."

"oo nga eh, di bale bukas magpaskil na tayo ng for hire para may katulong tayo lalo na't sa mga susunod na buwan eh hindi na kita masyadong matutulungan sa bakery."

"pag nagpatuloy to mukhang kailangan na nating magbukas ng branch sa ibang lugar, pag nagkataon mukang naghahanda na si baby para sa future nya at tinutulungan na nya tayo ngayon pa lang."

"Ikaw talaga baby bump pa lang ang baby ko kung ano-ano na yang iniisip mo. baka kung ano anong kalukohan ang ituro mo dito paglaki nya ha."

"hoy hindi ah paglabas ni baby ako ang magiging best tita ninang nyan at syempre ako ang number 1 na tagapagtanggol nya. walang makakaapi sa kanya."

Natapos na naman ang araw namin ng ganun kabilis, pag pasok ko sa apartment ko agad akong naghanda ng makakain at naghanda na rin ako ng damit para pagtapos kumain ay makaligo na at tsaka makatulog ng maaga.

"Baby sana laging ganito ng benta sa shop para mapaghandaan natin ang future mo at sana maging malusog ka palagi, goodnight baby mahal na mahal ka ni mommy."

Bigla kong naisip si Dave

"kamusta na kaya sya?"

Nakatulog na ako nang mahimbing ng gabing iyon.

My Adorable BabiesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant