Chapter 4 : First date

51 5 0
                                    

After kong matapos lahat ng trabaho ko biglang tumunog ang cell ko, nakita kong si dave ang na message at dalidali ko yung binasa.

"hi shane dito na ko sa labas hintayin na lang kita dito sa harap ng resto ha."

di ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya kaya nag type na lang ako ng ok at sinend sa kanya.

dalidali akong nag ayos at nagmamadalinglumabas.

nakita kong isang mamahaling sasakyan ang daladala ni dave kaya di ko alam kung pupunta ba ko sa kanya o lalampasan sya at palalabasing di ko sya nakita.

Ngunit huli na ng tawagin nya ko at alalayang pumasok sa sasakyan nya.

nag mamadali na lang akong pumasok ng di na ko pag tinginan ng mga taong nasa paligid.

"sorry di ko naisip na di ka komportable na may nakatingin sayong ibang tao di bale sa susunod yung isang sasakyan ko na lang ang dadalhin ko para di agaw pansin at di karin mailang."

"okay lang yun isa pa kahit naman di mamahaling sasakyan ang dalhin mo pagnakita ka ng tao di pwedeng di ka nila makikilala eh"

"oo nga no! di bale magsusuot na lang ako ng cap para di nila ako makilala sa susunod."

gulat na napatingin ako sa kanya.

"ibig mong sabihin may susunod pa dito, akala ko ngayon lang toh."

agad nyang pinarada ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"shane hindi kita yayayaing kumain sa labas o makipagkilala man lang kung wala akong balak ligawan ka, isa pa kung di ako seryoso sayo di ako mag aabalang sunduin ka sa trabaho mo."

sabi nya habang titig na titig sakin na para bang mawawala ako sa paningin nya pag tinanggal nya nag paningin nya sakin.

"ah eh di ko alam kung gusto ko ng pumasok sa isang relasyon at isa pa bago pa lang ako dito sa maynila nagsisimula pa lang akong mamuhay dito wala pa talaga sa isip ko ang makipgrelasyon, sorry."

"okay lang yun maghihintay naman ako eh. tsaka marami ka pang oras para makilala ako ng lubos di naman kita pipilitin na sagutin mo agad ako."

natahimik na lang ako dahil di ko alam kung anong isasagot ko sakanya ng mga sandaling yun.

"Sige na paandarin mo na ang sasakyan."

tinulak ko ang muka nya ng bahagya dahil di parin nya tinatanggal ang pagkakatitig nya sakin.

natutuwang pinagpatuloy na nya ang pagmamaneho patungo sa resto na pinareserve nya para sa amin.

Aminado naman akong maligaya ako sa ginagawa nya para sakin dahil ngayon lang ako nakaranas ng kanitong trato sa isang tao dahil sya lang ang kaunaunahang lalaking sinamahan ko isa pa kilala syang tao kaya parang ang special ng pakiramdam ko dahil ako lang ang tinatrato nya ng ganito sa dami ng mga babaeng nakapaligid sa kanya.

nakrating kami sa resto ng di nag kikibuan.

di ko alam kung anong pag uusapan namin dahil ngayon lang naman kami nagkakilala ni dave.

pag tapat ng sasakyan sa resto agad kaming inalalayan ng mga empoyee doon dahil isa pala sa mga pagmamay ari ni dave ang resto na to.

"sir good evening po"

"good evening din sainyo"

namangha ako dahil hindi naman pala suplado sa ibang tao si dave, mukang masaya rin ang mga empleyado nya rito dahil hindi sila takot na bumisita sa kanila ang kanilang boss.

"Anong paborito mong pagkain?"

tanong nya sakin.

"ah kahit ano naman kinakain ko."

My Adorable BabiesWhere stories live. Discover now