Chapter 8: One more Chance

59 5 0
                                    

"wag mo kong hawakan"

tinulak ko sya nang bahagya para mabitawan nya ko ngunit di man lang sya natinag.

"sandali lang shane magpapaliwanag ako"

"anong paliwanag ang sasabihin mo? di ko na kailangan ng paliwanag mo, oo noon bago mo ko palayasin sa bahay mo gusto kong malaman ang dahilan mo pero ngayon hindi ko na kailangan ng paliwanag mo, tapos na tayo, ikaw ang tumapos nun nung pinalayas mo ko at pina pirma ng divorce paper kaya pwede ka nang umalis"

"shane sorry alam ko na ang totoo,hindi ikaw ang nasa picture gawagawa lahat yun ni jane, hindi ko alam na photoshoped lang ang lahat nang pinakita nyang picture."

nakayakap nyang sabi sakin.

tinulak ko sya at sinampal.

"so mas okay napaniwalaan mo sya kesa sakin na asawa mo, dave di mo ko binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag, ni wala nga akong alam kung ano ang kinagalit mo sakin basta mo na lang akong pinalayas ng walang kaalam alam tapos ngayon gusto mong mgpaliwanag? para saan dave para mawala nag guilt dyan sa loob mo. no thanks kahit anong sabihin mo snira mo na ang tiwala ko.tiwalang binigay ko sayo ng buong buo pero anong ginawa mo kaya kung pwede umalis ka na bago pa ko tumawag ng pulis"

"shane please, bigyan mo pa ko ng isa pang pagkakataon."

"hah para saan para saktan ulit ako, dave nagsisimula ko pa lang ayusin ang buhay na sinira mo kaya pwede ka nang umalis"

"bigyan mo pa ko ng huling pagkakataon pangako ikaw lang ang paniniwalaan ko.di na ko magtitiwala sa sasabihin ng iba hanggat hindi nanggagaling sa mga labi mo "

nagmamakaawa nyang sabi habang nakaluhod sa aking harapan.

"tama na dave tumayo ka dyan pinagtitinginan na tayo ng mga tao"

pilit ko syang tinatayo ngunti hindi ko kaya ang bigat nya at di ko rin naman matatanggi na mahal ko pa rin sya at di naman akong tumigil na mahalin sya kaya hindi ko rin kayang makita syang nagkakaganito.

"tumayo ka na dave dun tayo sa loob mag usap wag dito marami ng taong nakakakilala sayo, pati ako ay di matatahimik pag lumabas sa medya ang lahat ng toh"

agad naman syang sumunod sa aking apartment

"shane please give me another chance di ko na sisirain ang tiwala mo sakin"

"ewan ko dave sobrang sakit ng ginawa mo sakin, alam mong ikaw lang ang pamilya ko pero pinalayas mo ko, wala akong nagawa kundi mag simulang muli, unti unti kong binubuo ang buhay ko na winasak mo tapos ngayon babalik ka para ano para sirain ulit; dave di ko na kaya pang muling pagdaanan lahat ng pinagdaanan ko lalo na ngayong.."

napahinto ako sa sasabihin ko dahil di ko alam kung gusto kong malaman ni dave ang tungkol sa mga baby namin

"lalo na ngayong magkakababy na tayo ng quad?"

nanlaki ang aking mata sa mga sinabi ni dave

"pano mong nalaman ang tungkol sa baby ko?"

"sinundan kita kanna sa ospital kaya alam kong apat ang nasa loob ng tyan mo, shane gusto ko ring maging bahagi ng buhay ng mga anak natin pangako, kayo lang ang magiging mundo ko di ko hahayaang may masamang mangyari sainyo ng mga anak ko."

naluluha akong nakikinig sa mga sinasabi nya.di ko man masabi aminado akong nais kong magsimulang muli kasama sya at ang magiging anak namin ngunit meron pa rin akong takot na nadarama, pano kung may isang jane na naman na dumating at mas paniwalaan nya yun kesa sakin di ko na makakaya na masaktan nyang muli.

"shane alam kong takot ka pang bigyan ako ng pagkakataon pero patutunayan kong di ka magkakamali kung bibigyan mo ko ng pagkakataon."

tumango na lang ako senyales na binibigyan ko sya ng isa pang pagkakataon, naisip ko rin kasi na mahal ko pa rin naman sya at isa pa gagawin ko ang bagay na di nya ibinigay sakin noon ang bigyan sya ng isa pang pagkakataon.

niyakap nya ko ng mahigpit

"shane salamat sisiguraduhin kong di ka magsisisi"

nagyakap kami ng mahigpit mayamaya pa ay nagtama ang aming mga mata.

"salamat, gagawin ko ang lahat para makabawi sayo, sainyo ng baby natin"

"wag mo na kong sasaktan ulit dahil pag naulit pa yun di ko na alam kung kakayanin ko pa."

tumango sya at mahigpit akong niyakap

"shane pwede bang bumalik ka na sa bahay natin?"

"Ewan ko dave pero pwede bang wag muna di pa ko handang bumalik sa bahay baka maalala ko lang lahat ng mga nangyari."

"okay love kung yan ang gusto mo pero pwede bang dito na muna akong tumira?"

napatingin ako sakanya

"gusto kong bantayan ka at ang mga anak natin alam kong nahihirapan ka nang gumalaw ng dahil sa kanila at isa pa miss na miss na kita."

di ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari, kahapon lang ako lang ang mag isang namumuhay sa apartment ko ngunit ngayon ay may katabi na kong matutulog.

"shane maraming salamat ulit ha at binigyan mo pa ko ng isa pang pagkakataon, mahal na mahal talaga kita"

"mahal na mahal din kita"

at magkayakap kaming nakahiga sa kama
nang pumayag akong duon muna sya titira ay agad nyang pinaimpake kay manang ang mga damit nya at pinahatid kay manong jun sa apartment kaya ngayon ay nakahiga kaming magkayakap sa kama ko matapos ayusin ang gamit nya sa kwarto ko.di ko pa nasasabi kay jade ang mga nangyari kaya iniisip ko kung papano ko ipapaliwanag ang lahat kay jade nang biglang magsalita si dave.

"shane pwede bang palitan mo ang apelido mo sa ospital para malaman nila na dapat nilang alagaan ang asawa ko ng mabuti"

tinignan ko sya ng mabuti at patanong na tinging naghintay sa susunod nyang sasabihin

"shane di ko naman pinasa ang divorce paper so technically mag asawa pa rin tayong dalawa at legal ka pa ring misis smith."

napaawang ang aking bibig sa kanyang mga sinabi.

"anong ibig mong sabihin, hindi tayo divorce"

tumango sya at niyakap ako ng mahigpit

"hindi ko kayang ipasa ang papel kahit na nung mga panahon na akala ko ay niloko mo ko"

niyakap ko sya ng mahigpit at siniil ng halik

"salamat"

dun ko napagtanto na mahal nga ko ni dave dahil may pagkakataon syang maging malaya at mag asawa ng ibang babae ngunit di nya ginawa.

My Adorable BabiesKde žijí příběhy. Začni objevovat