Gender reveal

44 4 1
                                    

lumipas ang ilang buwan na maayos ang naging pagsasama nilang dalawa nang isang araw ay nagkasundo silang bumalik sa kanilang bahay.

"Sigurado ka na bang handa ka nang umuwi sa bahay natin?" tanong ni Dave

"sigurado ako, nahihiya na kasi ako kila mommy eh!Alam kong gusto nilang mabantayan ako kaya lang mas ok pa rin na tayong dalawa ang mag alaga sa ating mga baby, gusto ko rin kasing malaman kung kaya natin na tayong dalawa lang muna. isa pa di na naman bata sila mommy kailanga rin nila ng maayus na pahinga, ayokong umikot sakin ang araw ni mommy sakin kailangan din nilang mag bakasyon ni daddy at di nila magagawa yun kung nandun tayo sa bahay nila."wika ni shane kay dave

" ikaw ang masusunod love"sabi naman ni dave

at magkayakap na natulog ang dalawa.

kina umagahan ay sinabi ni shane at dave ang napag usapan nilang mag asawa at pumayag naman ang kanilang mommy dahil nauunawaan nito na gusto rin ni shane na sya ang mag alaga sa buong pamilya nya at di nya magagawa ang gusyo nyang gawin kung nasa bahay nila ang dalawa kaya kahit na nag aalala pa rin sya sa kalagayan nito ay pumayag na rin syang bumalik ang mga ito sa bahay ng dalawa tutal ay maaari naman nya itong makita kung gugustuhin nya.

nakarating sila sa kanilang bahay ngunit biglang tumigil sa harap ng pintuan si shane

"love anong problema" wika ni dave

mahigpit na niyakap ni dave si shane

" wala love naalala ko lang yung mga nangyari noon."saad ni shane

"sorry love hayaan mo at babawi ako sayo."ani ni dave

napangiti naman si shane at sinabing

"ok na ko naalala ko lang naman ang nakaraan at tsaka ok na ok na tayong dalawa diba"

sabay yakap niya kay dave

masaya silang magkahawak kamay na pumasok sa loob ng bahay habang pinapasok ng mga katulong ang kanilang mga gamit.

inilibot ni shane ang paningin nya sa loob ng bahay at nagulat sya ng mapansin na walang pinagbago ang kanilang tahanan.

lahat ng ginawa nyang ayos ng bahay ay nasa ganuong ayos parin kahit na matagal na syang di nakatira sa bahay na iyon.

"love nagustuhan mo ba ang ayus ng bahay, lahat ng ginawa mong ayos sa bahay noon ay wala akong pinabago"sabi ni dave

"salamat love" at mariin nyang hinalikan sa labi ang kanyang asawa

maligayang maligaya silang dalawa nang maalala ni dave na ito na nga rin pala ang araw na malalaman nila ang gender ng kanilang mga baby kaya niyaya na niya si shane na magtungo sa ospital dahil excited na rin syang malaman ang kasarian ng kanilang magiging anak.

pagdating sa ospital agad naman silang naasikaso dahil ginamit na ni shane ang apilido ni dave sa pagpapacheck sa doktor kaya alam na ng mga ito kung sino si shane s buhay ni dave.

"mr. and mrs. smith magandang umaga po sainyo"ani ng doktor

"good morning din po doc bati nila sa doctor"

"ready na ba kayong malaman ang gender ng mga baby ninyo"tanong ng doctor sa dalawa

"opo doc sobrang excited na namin, marami na nga akong naririnig na suggestion ng pangalan sa sobrang pagka excite ng mga pamilya namin eh!"sabi ni shane

"masaya talaga lalo na at first baby nyo at di lang yun quad pa ang baby mo, so let's see anong gender ng mga baby nyo"

"the first  baby is a boy, the second is another boy the third is another boy and the fourth is .......wait lang mrs but i think your fourth is hiding his or her gender from us, natatakpan ng two boys mo ang gender ng fourth mo."ani ng doctor

"it's okay doc kung ayaw nyang magpakita atleast alam na natin kung anong gender ng tatlo hayaan na lang natin na suspence ang gender ng fourth baby natin."ani ni shane

"it's your call love, kung anong gusto yun ang masusunod"saad naman ni dave

"salamat doc see you next appointment po."

"sige ingat ka lagi,lahat naman ng test natin ngayon is normal so do as usual and take your vitamins para maging maayos ang paglaki ng mg baby sa loob ng tyan mo other than that ok naman ang lahat so see you s next appointment natin."ani ni doc

"ok po doc marami pong salamat ulit tayo na dave"ani ni shane

"ang galing no parang ayaw pang ipaalam ng baby natin ang kanyanggender"

"oo nga love eh"

"di bali ilang buwan na lang makikita na rin naman natin sila eh, sana lang maging maayos ang aking panganganak" ani ni shane

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 14, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Adorable BabiesWhere stories live. Discover now