Kabanata 2

2.2K 102 17
                                    

Kabanata 2: Lalaban Parin

NAGISING ako nang may maramdaman akong humahalik sa pisngi ko. Nang imulat ko ang mga mata ko maamong mukha ni Emjie ang bumungad sa akin habang pinupupog ako ng halik sa aking mukha. Tumigil siya sa paghalik saken ng mapansin niyang gising na ako.

"Good morning, Dada." Masiglang bati saken ni Emjie, nakangiti pa siya ng sobrang tamis saken at mabilis akong niyakap.

Hindi ko mapigiling ma-touch at mapangiti sa kanyang ginagawa. He's really a good kid. Never ko siyang nakitaan nang hindi magandang asal. Napaka-buti niyang bata.

"Good morning din, anak." Sabi ko in between hugs. I kissed his forehead na madalas kong ginagawa kapag tulog siya. "Ang aga mo naman ata nagising, ah?" Ngiting tanong ko sa kanya.

"Dada, it's already nine in the morning. Hindi po kita ginising kasi ang himbing himbing po ng tulog niyo." Sagot ng anak ko.

Nanlaki ang mata ko! 9 AM? Really? Damn, tinanghalian ako nang gising! Paano na ang asawa ko? Ang damit niya? Ang uniform niyang dapat kong plantsahin? Ang pagkain niya bago pumasok sa trabaho?

Nakalimutan kong gawin iyon dahil sa kawalan ng oras kong matulog. Inatake ako ng sakit ng ulo kagabi. Tipong ayaw niya akong patulugin. Naninikip at pinipiga ang ulo ko.

Nagsimula na akong kabahan dahil madalas kona 'yong nararamdaman. Wala akong oras magpa-check up nitong mga nakaraang araw dahil nag-leave pansamantala si Aling Nena, nanny ni Emjie.

Natataranta akong tumayo. "Emjie, have you seen your daddy lately?"

Umiling ang anak ko, "Hindi po, Dada. Nagising po ako ng maaga pero hindi kopo siya nakita."

Mabilis kong tinungo ang kuwarto namin ni Mew kahit ramdam kong matamlay ang katawan ko. Masakit din ang balakang ko dala marahil sa pagkabagsak ko kagabi sa hagdanan. Ininda ko 'yon kahit mahapdi. Kahit papaano ay hindi na pinipiga ang utak ko pero sa tuwing mag-iisip ako ng negatibo ay umaatake sa akin iyon.

Nagtungo ako sa walk in closet ni Mew saka ko sinipat ang uniporme niya. Nangamba ako ng makita kong nasa loob parin ng cabinet niya 'yong susuotin niya sana ngayon. Sa tagal naming magkasama, hinuhang hinuha kona ang mga suot ng aking asawa.

Kung gayo'y hindi siya umuwi. Saan naman siya natulog kagabi? Natatandaan kong inihatid niya ang secretary niya. Doon na marahil natulog ang asawa ko. Masakit mang isipin pero anong magagawa ko. Hindi ko siya kayang pigilan sa gusto niyang gawin dahil mas lalo siyang magalit sa akin.

"Anak, dito kalang, okay? Darating naman na mamaya ang Yaya mo." Ngayon na muli papasok si Aling Nena pagkatapos niyang mag-leave ng isang buwan. "Aalis si Dada, pupunta lang sa company ng Daddy para ibigay ang uniform niya. Babalik din ako agad." Sabi ko kay Emjie. "Tatawagan ko ang Yaya mo, okay?"

"Okay po, Dada. Kahit 'wag napo. Nandiyan naman si Granny sa baba. She will take care of me." Ngiting sagot ng anak ko.

Nabigla ako sa narinig ko. Hindi paman ako nakakapagsalita nang may marinig akong boses na nagmula sa likuran ko.

"Kanina pa ako nandito."

Nilingon ko siya. Isang magandang babae na bahagi ng buhay ko.

Mom?

Nanlambot ako. Hindi ko alam kung anong una kong gagawin. Sabik akong makita siya dahil sa tagal na panahong hindi ko siya nakasama. Pero nauunahan ako ng hiya. Knowing my Mom, she's not that showy. Madalas niya akong pagtarayan noon magpa-hanggang nagayon.

A Husband's Suffer | MEWGULFWhere stories live. Discover now