Kabanata 9

2.1K 117 24
                                    

Masaklap na Desisyon

WALANG TIGIL sa pagdamay ni Aling Nena sa akin. Dumaan ang isang oras pero hindi parin nawawala ang mga luha ko. Isang oras na hindi ko nakita si Emjie ay labis na ang pananabik kong makita at makasama siya. Ano nalang ang mangyayari sa akin sa mga susunod pang araw nang hindi ko nakakasama ang anak ko? Hindi ko kakayanin.

"Could you stop fucking crying? Naririndi ako sa boses mo! Para kang bata kung umiyak!" Sermon ni Mew sa akin. "Hindi mo pala kayang mawala 'yong batang 'yon sa tabi mo, bakit kapa pumayag? Talaga bang wala ka ng utak para mag-isip? Lahat nalang ng bagay nagiging bobo para sayo, e."

Lalong nanlumo ang puso ko sa mga narinig ko. Ang sakit niyang magsalita. Nakakadurog.

"Mew, 'wag mo namang pagsalitaan ng ganiyan ang asawa mo. Hindi tamang sabihan mo ng bobo ang asawa mo," pagtatanggol sa akin ni Aling Nena.

"Totoo naman, e! Hindi siya nag-iisip! Lahat ng bagay ay napapahamak dahil sa walang kuwenta niyang utak!" May diin ang bawat bigkas niya sa mga salita na lalong nagpadurog sa akin. "He is worthless, Aling Nena."

"Tama na sabi. Hindi moba nakikita na nasasaktan ang asawa mo sa mga sinasabi mo? Makiramdam ka naman, ijo."

"Then, that's great." Himig ang tuwa sa kaniyang sinabi, "Saluhin niya lahat ng sakit. Lahat lahat. Magagalak ako sa tuwa kapag nakikita ko siyang nagdurusa. Because you know what, Gulf. Every time I see your face the whole day, the more that I regretted marrying you. I never know the fucking why? All I knew was that, I can't accept you as my wife. I can't forgive you even if I tried to understand you. And the way I keep on trying, my fucking mind keep on flashing back those bullshits and selfish things you did. And up to this days, I still feel like I'm in a fucking nightmare that maybe I'll wake up from. But everyday I wake up, it is still real. Ang hirap ng kalimutan." Ramdam ko 'yong bigat sa tono ni Mew habang sinasabi niya iyon.

At habang naririnig ko ang mga sinasabi niya, hindi ko mapigilan ang ginawa kong kamalian sa nakaraan.

"Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit ganito ang nararamdaman ko sayo dahil hindi korin alam kung paano ko 'yon makalimutan. Hindi ako masayang makita at makasama ka. Dahil iba ang nararamdaman ko. Galit at pagsisisi. Galit ako sa ginawa mo at nagsisisi akong nagtiwala sa isang katulad mo! You made me a monster, Gulf! You made me suffered the worst. That's why you have to experience the pain you've caused me. Mapapatawad lang siguro kita kapag piliin mo akong lumaya."

Marahas kong naipikit ang mga mata ko ng mapansin ko ang kaniyang pag-alis. Narinig ko ang tunog ng kaniyang sasakyan hudyat na mayro'n siyang pupunta. Para bang inisip kopa na iyon na ang huling sandali naming pagkikita. Na aalis siya at hindi na kailanman babalik pa.

Napahagulgol ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Iyong wala na akong mailuha pero iyong kirot na bumabalot sa dibdib ko ay lalo pang tumitindi at sumasakit.

Parang gusto kona lang ang mamatay.

Hindi kona kaya pang saluhin lahat ng sakit. Hindi kona kaya talaga.

Nasa tabi kolang si Aling Nena, hindi siya tumigil sa pagtahan sa akin. Ilang sandali ang lumipas ay naging mahinahon na ang pakiramdam ko. Ganunpaman ay hindi ko magawa na iwasang isipin lahat ng sinabi ng asawa ko. Pabalik balik 'yon sa sistema ko. Na nagiging dahilan ng muling pagkirot ng dibdib ko at muling naramdaman 'yong pamimiga sa ulo ko.

A Husband's Suffer | MEWGULFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon