12

2K 99 7
                                    


NARAMDAMAN KO ang paghawak ni Win sa dalawa kong kamay. Nang tignan ko siya ay halos hindi na niya kayang sabihin ang gusto niyang iparating.

"Y-You have been diagnosed with h-heart disease, Gulf."

My heart skipped a bit upon hearing those words. Kaya pala palagi kong nararamdaman ang paninikip ng dibdib ko, 'yon pala ay may sakit na ako sa puso.

"'Yong nangyari sayo kanina, that's a warning sign. The Doctor has encouraged you to make lifestyle changes bago pa lumala ang kondisyon mo at ma-triggered na naman ang puso mo. G-Gulf, 'yong kondisyon mo ang nagdala sayo rito. 'Yon din ang dahilan kaya umatake ang sakit sa puso mo."

Napapikit ako ng marahan para pigilan ang nagbabadya kong luha.

"S-So 'yong sakit ni Daddy, namana ko, ganun ba 'yon?" Hindi kona napigilan at naluha nalang ako.

Dahan dahan siyang tumango.

Lalo akong napaluha.

Daddy died because of heart disease.

Na-triggered din ang puso niya kaya umatake ang sakit niya. At dahil iyon sa pakikipag-hiwalay ni Mommy sa kaniya.

Bata pa ako noon at konti lang ang nalalaman ko sa nangyari. Pero ako mismo ang naging saksi sa pag-iwan ni Mommy kay Daddy.

Sa pagdaan ng isang linggo nalaman ko that he was gone. My father was gone. Dahil iyon sa sakit niya sa puso kaya siya namatay.

Pero hindi rin naman mangyayari 'yon kung hindi siya hiniwalayan ni Mommy. Ilang beses ko siyang tinanong pero hindi niya ako kayang sagutin. Palagi niya akong pinapagalitan sa tuwing tatanungin ko siya. Ang madalas pa niyang sabihin sa akin noon na ang tapos ay tapos na. Na hindi na pwedeng balikan ang tapos na.

Namatay si Daddy dahil sa sakit niya, posible ring mangyari sakin 'yon dahil namana ko ang sakit niya.

"I-Ibig sabihin . . . m-mamatay din ako kagaya ni Daddy?"

Bakit ang sakit? Parang hindi kopa kaya. Marami pa akong dapat na gawin. Gusto kopang makapiling ng matagal si Emjie.

"I'm not sure, Gulf. But the Doctor says, the only way to prevent your heart from aching is that you have to take good care of it. Mahina ang puso mo, Gulf. Kapag umatake pa'yan at hindi na kakayanin, kailangan mona nang heart transplant."

Natigilan ako. Heart transplant? Paano? Sino? Si Daddy nga hindi nakahanap ng heart transplant kaya siya binawian ng buhay. Paano pa kaya ako.

Natutop ko ang bibig ko at muli akong umiyak. Sa sandaling iyon, niyakap ako ni Win at hinagod ako sa likod.

"Gulf, sinabi rin sa'kin ng Doctor na bawasan mong makaramdam ng sakit. You have to balance your feelings." Bumitaw siya sa akin saka tinitigan ako, "Heal yourself, Gulf. Mag-desisyon ka para sa sarili mo, para sa ikabubuti ng puso mo. Buuin niyo muli ang sarili niyo dahil kayong dalawa rin lang naman ang bumasag. Palayain niyo muna ang isa't isa. Makakabuti 'yon sayo at sa kondisyon mo."

At this moment, napag-isip ko rin na tama lahat ng sinabi ni Win. Siguro, dapat muna akong magpahinga. Sarili ko naman ang iisiipin ko ngayon.

Matagal na akong sumugal pero wala parin akong napapala.

Ngayon, sarili ko naman ang iisipin ko. Kahit masakit at mahirap, susubukin ko. Pakiramdam ko kasi hindi na ako 'to. Andami nang kulang sa sarili ko na hindi ko mahanap.

A Husband's Suffer | MEWGULFTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang