Chapter 17

2.4K 114 17
                                    

GULF'S POV

ILANG ARAW akong hindi nakatulog nang maayos. Hindi rin ako maganahan sa pagkain kahit gaano pa kasarap ang mga iyon sa harapan ko. Hindi ko magawa. Dahil sa sobrang sakit na natamo ng puso ko.

"Gulf, what's happening on you? Ilang araw ka nang hindi kumakain! Ilang araw kana ring nagmu-mukmok sa kuwarto na'to! Gusto mobang mamatay ng maaga!" Nang-iintinding ani Win sakin nang hindi koman lang magawang galawin 'yong mga pagkain na nasa harapan ko.

Hindi ako nakapagsalita.

Hanggang ngayon ay masakit parin sakin ang palayain siya. Iniisip ko naman na tama 'tong ginawa ko pero bakit sobra namang naapektuhan ang puso ko.

Bakit naman ganito? Ang sakit.

Narinig kong suminghal si Win. Nasampal narin niya ang sariling noo ng wala siyang matanggap na sagot mula sa akin.

Tinawag siya ni Bright. Kapag hindi niya ako mayayang kumain ay tinatawag niya si Win.

Gusto kolang kasi mag-isa. Wala na akong ibang inisip kundi ang mag-isa lang. Mag-mukmok sa kuwarto.

"Alam ko ang pinagda-daanan mo, Gulf! Alam kong mahirap pero 'yong nakikita kitang ganiyan, na lalong nahihirapan, tingin moba ay hindi kami naa-apektuhan?"

Namasa ang mata ko sa luha. Pinalis ko iyon. Gusto kong humikbi nalang pero pinigilan ko. Siguro mamaya nalang ako iiyak. Kapag wala na si Win. Kapag wala ng nakakita.

"Gulf, ano ba talaga 'yong gusto mong gawin? Sabihin mo naman? Tinutulungan kana nga namin, diba? Hirap na hirap na kaming i-adjust 'yong actions namin para intindihin ka!"

"Hindi ko alam." Doon na lumagas ang butil ng luha ko at kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilang umiyak.

Natahimik naman si Win.

"Gusto kong lumabas pero natatakot ako na sa paglabas ko ay siya ang gusto kong makita. Napanghihinaan ako ng loob, Win. You know that I'm weak when it comes to him. Siya ang kahinaan ko. At sa takot kong makita ko siyang muli ay mag-iba ang desisyon ko. Andami kong kinakatukan. Hindi kona alam kung anong gagawin ko o kung saan ba ako magsisimula."

Hindi parin nagsalita si Win. Ini-intindi niya ang emosyong nararamdaman ko.

"I let him go, e. I already let him go. I also decided to stay away on his life. I set him free even if it kills me here." Idinuro ko ang puso ko habang walang humpay sa pagbagsak ang mga luha ko. "Ginawa ko 'yon dahil 'yon ang gusto niya. Dahil mahal na mahal ko siya kaya ko siya pinalaya."

Kumirot ang puso ko sa sandaling iyon.

"Pero bakit ganito? Na kahit anong sabihin ko sa sarili ko na tama na. Kahit anong pilit kong kalimutan siya. Kahit turuan kopa ang puso kona ayoko na. Kahit anong disiplina pa ang gawin ko sa sarili ko hindi siya mawala sa isip ko. Mabuti panga 'yong mga na-a-amnesia, dahil nakakalimutan nila 'yong sakit na naranasan nila. E, ako? Na halos buhay ko itinaya ko sa pagmamahal ko sa kaniya. Ganito ba 'yon? 'Yong pakiramdam na halos gugustuhin mona lang ang mamatay kesa mabuhay."

Nayakap kona lang ang sarili ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Habang ang luha ko naman ay hindi maubos-ubos.

Lumapit si Win sa tabi ko at mabilis niya akong niyakap dahil iyon ang higit na kailangan ko.

A Husband's Suffer | MEWGULFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon