CHAPTER 20

1.8K 74 11
                                    

"Athena, ayusin mo dapat mamaya nakahanda na ang lahat."

"Oo na, kami na bahala ni Johan... Andyan na pala siya, mauna na ako."

"Sige mag-ingat ka"

"Ikaw din ay este, dapat si Captain ang sabihan ko."

Ngumiti si Georgy kay Athena at nagpaalam na dahil dumating na si Johan. Bumalik siya sa loob ng kampo at binisita ang kaniyang asawa sa opisina nito.

Napansin ni Captain Kramer ang pagdating ni Georgy kaya agad niyang isinantabi ang mga papel sa isang gilid.

"Go ahead, tapusin mo muna 'yang inaasikaso mo."

Ngumiti si Captain Kramer sa turan ng kaniyang asawa.

"Mas importante ka."

Tatlong salita ngunit lubos itong nagpasaya kay Georgy. Simula't sapul nang magkaroon sila ng relasyon ay kailanman hindi siya nakaramdam ng kahit anong pagtatampo dahil parati siyang inuuna ni Kramer.

"Love, bilisan mo nang asikasuhin 'yan. May pupuntahan tayo."

Lumapit si Georgy at hinalikan sa pisngi ang kaniyang asawa at bahagyang hinilot ang ulo nito.

"Hmm, tara na kung nagmanadali ka. Mamaya ko na tatapusin 'to."

'Napakarupok talaga.'

"Unahin mo muna 'yan."

"Yes ma'am. I love you!"

"Sus, I love you too."

Mabilis na dumampi ang labi nila sa isa't isa. Matapos ang sandaling iyon ay umupo si Georgy sa isan'tabi at pinanuod ang pagtatrabaho ng kaniyang asawa.

'Ang guwapo talaga. Sana baby maging kagaya ka ni daddy. Guwapo, macho, mabait, at higit sa lahat yummy.'

Tumingin sa kanya si Kramer at mabilis siyang kinindatan. Hindi mapigilan ni Georgy na kiligin sa ginawa ng kaniyang asawa.

'Kahit kailan talaga, ang landi.'

"Magtrabaho ka nga ng maayos."

Umirap si Georgy sa kaniyang asawa at nang siya'y tumalikod ay halos mapunit ang kaniyang labi dahil sa kaniyang ngiti.

Napangiti rin si Captain Kramer sa inasal ng kaniyang asawa at nagpatuloy sa kanyang trabaho.

***

Sa loob ng isang itim na sasakyan, mayroong isang batikang drayber na hindi kumukurap at nakatingin ng diretso sa daan kahit ano pang sensuwal na tunog ang naririnig niya sa kaniyang likuran. Ang temperatura ay tila tumaas at miski siya ay pinagpapawisan, naalala niya ang kaniyang nobyang naiwang tulog sa kaniyang bahay dahil pagod sa ginawa nilang aktibidad magdamag.

"Mr. Russue, please hit the button at the side of your seat. I really enjoy your live show."

Napahinto si Athena at umalis sa pagkakakandong kay Johan tiyaka umayos nang pag-upo. Nahihiya siyang tumingin kay Vius samantalang si Johan naman ay kumindat sa kaniyang assistant bago pindutin ang buton sa kaniyang gilid, kusang nagkaroon ng harang sa pagitan nila at ni Vius.

'Hmmp, ngayon alam mo na yung feeling ko nang mapanood ko sa  CCTV ang make up sex niyo ni Hera. Mainggit ka Vius'

Ngumiti si Johan at kinuha ang cellphone tiyaka nagtext bago ipagpatuloy kung ano man ang naudlot na pagtatagpo nila ni Athena.

Fucker Series #4: JOHAN 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon