CHAPTER 3

2.3K 82 7
                                    

Nang umalis si Athena ay saglit niyang tiningnan ang kaniyang sariling lapida. Walang emosyon ang mga mata ni Johan habang tinitingnan ang lapidang iyon. Ang mga pinagsisisihan niya at pagkakamali ay kasamang inilibing doon. Paalis na siya nang matapakan niya ang isang larawan, nakita niya ang isang batang lalaki habang nakayapos sa isang napakagandang batang babae.

Pinulot niya iyon at iniligay sa wallet, hindi niya masyadong pinansin kung sino ang nasa larawan. Tumunog ang kaniyang cellphone at nakita niyang tumatawag ang kaniyang assistant.

"Hello?"

"Sir, where are you? Our meeting with Hermosa Company will start soon."

"Okay, I'll be there in 20 mins."

Naputol ang linya at agad siyang sumakay sa sasakyan tiyaka umalis.

*************

Nang makauwi sina Athena at Johan ay madali siyang naligo samantalang ang kaniyang anak ay nanuod ng telebisyon. Magpipitong taon na si Johan at hindi na niya hinahanap ang kaniyang ama.

Para saan pa?

Simula pagkabata ay wala na siyang ama, tanging si Athena ang tumayo bilang kaniyang ama't ina. Si Athena ay isang sundalo at kasma sa Special Task Force kung kaya't hindi basta-basta ang kaniyang lakas. Mas malakas si Athena sa mga pangkaraniwang lalaki, magaling rin siya sa gawaing bahay lalo na sa pagluluto. Ang kaniyang ina ay sinlakas ng mga tatay ng ibang bata at mas masarap mag-alaga sa ibang mga nanay.

Tinuruan ni Athena si Johan kung paano protektahan ang kaniyang sarili dahil alam niyang maaring maging tampulan ito ng tukso kung kaya't hindi niya hahayaang umuwing luhaan ang kaniyang anak.

Matapos maligo, kinuha ni Athena ang kaniyang wallet ngunit nawawala ang nakasuksuk na litrato dito.

"Johan!"

Hindi sumagot si Johan kung kaya't minabuti niyang puntahan ang kaniyang anak.

"Johan Dimitri Kim!"

Agad na napatayo ang kaniyang anak at lumingon ito sa kaniya.

Sa pagkakataong iyon alam na ni Johan na hindi magiging maganda ang kahihinatnan niya sa kamay ng kaniyang ina.

"Ma"

"Lumapit ka rito."

Dahan-dahan lumpit si Johan at nakatingin lang siya sa sahig.

"Tumingin ka nga sa'kin Dimitri!"

Napapikit siya sa narinig, hindi siya tinatawag ng kaniyang ina sa kaniyang pangalawang pangalan. Sa tuwing naririnig niya ang Dimitri ay biglang kumakalabog ang kaniyang dibdib. Takot siyang tumingin sa kaniyang ina.

"Sabihin mo ang totoo, pinakielamanan mo ba ang wallet ko?"

Napayuko siyang muli.

"JOHAN DIMITRI!"

"Ano... Opo"

Napakagat ng labi si Athena sa narinig.

"May kinuha ka bang larawan dito?"

"Ahh, 'yong picture ko po kaso di ko matandaan kung nagkita na kami nang magandang bata na 'yon."

Halos mapaluwa ang mata ni Athena sa narinig. Sa sobrang inis ay agad niyang hinablot si Johan at pinagpapalo ito sa puwet. Umiyak ang kaniyang anak at nagmamakaawa na itigil ang pagpalo.

Fucker Series #4: JOHAN 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon