CHAPTER 12

1.8K 67 6
                                    

"Hatid ka na namin ni Dimitri."

"Sige."

Nag-ayos si Athena samantalang naligo na si Dimitri dahil papasok siya sa paaralan.

Naghintay si Johan sa sala at sabay na bumaba ang mag-ina, parehas silang nakauniporme. Si Dimitri nakauniporme pampasok sa paaralan samantalang si Athena ay nakasuot ng uniporme pangsundalo.

Humalik si Johan sa pisngi ni Athena tiyaka niya hinawakan sa kamay si Dimitri. Napangiti si Vius habang nakatingin sa kanila mula sa pintuan ng bahay.

Sumakay ang buong pamilya sa likuran samantalang si Vius ang nagmaneho.

"Saan muna tayo sir?"

"Sa kampo, gusto ko siyang ihatid doon."

"Sige po."

Bahagyang tumingin si Vius sa orasan.

'Sakto, alas otso ang pasok ni Dimitri kaya maihahabol pa siya pahatid sa eskuwelahan.'

"Ilang araw ka sa kampo?"

"Tatlo hanggang lima."

"Ang tagal naman."

"Johan."

Yumakap si Athena sa braso ni Johan tiyaka idinantay ang kaniyang ulo sa balikat nito. Sa isang sulok naman ay nakaupo si Dimitri habang nakasandal sa kaniyang ama.

"Dimitri, huwag kang pasaway sa daddy mo ah."

"Opo"

"Johan, ikaw muna ang bahala kay Dimitri."

"Oo, anong oras nga pala ang uwian ni Dimitri?"

"Ala-tres ng hapon."

"Sige."

"Ma'am, Sir, naandito na pa tayo."

Nag-ayos si Athena tiyaka hinalikan si Dimitri sa noo nito.

"Magpakabait ka ha."

"Hmm"

Yumakap ai Dimitri sa kaniyang ina kaya napaluha si Athena. Muli niyang hinalikan sa pisngi ang anak tiyaka yumakap.

"Ako? Wala ba 'kong kiss?"

Ngumiti si Athena tiyaka mabilis na hinalikan si Johan sa labi.

'Kung wala lang si Dimitri, naku!'

"Babawi ako sa pag-uwi."

Mukha namang nakatama sa loto si Johan sa narinig at may kislap sa kaniyang mga mata na tanging si Athena lamang ang nakakaalam kung ano ang ibig sabihin nito.

"Talaga?"

"Ewan ko sayo. Sige na, love you."

Ngumiti si Johan at nabigla si Athena nang siilin siya nito nang halik.

"I love you too."

Matapos nilang magpaalam sa isa't isa ay tumuloy na si Athena sa loob ng kampo. Nang makarating sa kaniyang dormitoryo ay agad niyang hinanap si Georgy.

Fucker Series #4: JOHAN 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon