CHAPTER 2

2.7K 86 3
                                    

Ngumiti ang mg kaibigan ni Johan at agad na nagsalita si Hier.

"Paano mo uumpisahang maitama ang lahat?"

"Gusto kong magpagaling, lumayo dito."

Napaisip naman si Hunter tiyaka ngumiti tiyaka nagbigay ng suwestiyon.

"Puwede ka sa London, may kilala akong magaling na psychiatrist doon."

"Pero lahat ng information ko nasa Jones."

Ngumiti si Hier kay Johan bago magsalita.

"Ako na ang bahala doon... Johan, sana pumayag ka sa gusto kong mangyari."

"Ano ba ang gagawin mo?"

"Papalabasin natin na patay ka na."

"Bakit?"

"Para makapag-umpisa ang lahat. Hindi makaka-move on si Shannon kapag nandiyan ka. Alam nating mahal ka rin ni Shannon kaya mahihirapan si Rare na mag-umpisang muli."

"Sige pumapayag ako. Tiyaka sabihan niyo na lang ako kung may problema sila."

"Sige."

"Hier"

"Bakit End?"

"Ano nga palang plano mo?"

"Oo nga pala, maghahati-hati tayo sa mga gagawin."

"Sige, sabihin mo na sa amin ngayon."

"Papalabasin nating naaksidente si Johan, pero dapat hindi makilala at hindi makakuha ng kahit na anong DNA sample sa gagamiting bangkay dahil kapag may nakuha at tumugma na hindi iyon si Johan katapusan na ng lahat. Kilala natin si Rare at napakarami niyang koneksyon para mahalukay ang katotohanan. Anong posibilidad na aksedenteng ang puwedeng gawin na walang maiiwang bakas sa bangkay na gagamitin natin?"

"Car accident"

"Imposible Hunt, kahit anong aksidente ang gawin hindi masisira ang buong katawan ng bangkay. Kahit pasabugin pa natin ang sasakyan, may makukuha at makukuha pa rin."


Tumingin ang lahat nang magsalita ni Hunter.

"End, paano kung hindi kotse ang gagamitin natin?"

"Ano ang gagamitin? Bukod sa kotse ano pa ba ang puwede nating gamitin?"

Tumingin si Hunter kay U at bigla itong ngumiti.

"Eroplano"

"Hindi! Ang mahal ng eroplano ko! Tiyaka kailan pa naging car ang airplane? Bobo ka ba? Car accident sabi mo. Tapos ngayon pagdidiskitahan mo ang eroplano ko!"

"Hindi 'yong iyo ang gagamitin. Private plane ni Johan."

"Sige, payag akong gamitin ang eroplano ko."

"Good... Napakamasunurin naman pala ni Fafi Johan."

"Pakyu ka Hunt!"

Fucker Series #4: JOHAN 2 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon