Chapter Three - His Teammates

447 18 0
                                    

KENSHIN'S POV

"Alex." Pagtawag ko sa kanya.

"What?"

"I'm going at the volleyball court after class, wanna come?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin ito pabalik sa phone niya saka lumingon muli sa akin. "Yeah, sure. Wala naman din akong gagawin after class."

"Yes, we need your advices para maging maayos ang laro namin." Sabi ko at tinanguan naman niya ako.

Tumingin ako sa relo ko at nakitang tapos na ang lunch break ni Alex. "Pumasok kana, saktong 1 na." Sabi ko at tumayo na din.

"Where's Isabelle?" Takang tanong nito at tumingin sa paligid. Nahinto ang tingin niya atsaka nandidiring ibinalik sa akin ang tingin.

"Tell her we have to leave, I can't take it." Sabi niya at ikinabit na ang facemask niya.

Nilapitan ko naman si Isabelle at Liam. "Tigil na lampungan, 1 na. Need na pumasok nila Alex." Sabi ko.

"Oh? sorry hindi ko napansin. See you later Liam." Sabi ni Isabelle at hinila na si Alex papalayo.

"You guys dating?" Tanong ko nang makaalis na sila Alex.

"I don't know." Sabi naman ni Liam nang nakangiti.

"Creepy." Sabi ko na lang at naglakad papabalik sa classroom.

~AFTER CLASS~

"Oi Liam, we have a training." Sabi ko kay Liam. Agad itong napatingin sa akin. "Yeah, I know." Saad naman nito at inilagay sa bag niya ang mga gamit niya.

After months ay nakumbinsi ko din si Liam na sumali sa team namin. Matangkad din naman siya at nakapaglaro na daw siya ng volleyball dati.

Nauna na akong lumabas kay Liam. "Punta ka nalang sa gate." Sabi ko at lumakad na sa hallway.

Sumilip ako sa room nila Alex. Nakita ko siyang nakabukod ng upuan, malayo sa iba niyang mga kaklase at si Isabelle naman ay nakikipagusap sa mga kaklase nila.

She was wearing her headphone as always and holding a black book.

Sumandal ako sa pader at kinuha ang phone sa bulsa ko. Agad ko siyang tinext dahil alam kong ayaw naman niya na umeeksena ako sa room nila.

To: Alex 😐

Oi, I'm here at your room's door.

Pagkasend ko nito ay hindi na ako muling sumilip pa at inantay nalang siyang lumabas.

Nakalipas ang limang minuto bago siya lumabas. Tiningnan ko siya ng masama nang iabot niya sa akin ang isang letter.

Tinaasan ko siya ng kilay kaya agad naman itong napairap.

"Pinapabigay sayo ng kaklase ko yan, tanga." Irita niyang sabi at hinawakan ang kamay ko saka inilagay sa palad ko ang letter.

"Oh, okay." Sabi ko nalang at inilagay ito sa bag. Sinundan ko lang siyang maglakad hanggang sa bigla siyang huminto.

"What?" Taka kong tanong dito.

"Where's Liam?" Tanong niya sa akin at nagsimula na ulit lumakad. "Oh, I told him to wait at the gate." Sabi ko habang pinagmamasdan siyang maglakad.

Walang nagsasalita sa amin hanggang sa makarating kami sa gate. Nang makita ni Liam si Alex ay agad itong kumaway. Tinanguan lang siya ni Alex at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakasuot pa din sa kaniya ang headphone niya kaya wala siyang pakielam sa paligid niya.

"Are you guys always like this when you're together?" Nagtatakang tanong ni Liam sakin na agad na ikinakunot ng noo ko.

Touched By LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon